Understand
"Son! I'm back, I wanted to Congratulate you about the deal!"
"Thank you, sir"
"Kagaya ng napagusapan. I'll promote you and of course, i'll increase your salary too" Napangiti ako pero agad ding napawi. The proposal. Jack.
"And also, alam mo bang merong resort ang DV's na mago-open? Since we're already partners. They invited us. But i guess, i can't come. So, i suggested na ikaw na lang. You can invite your girlfriend and kelly, tutal naman ikaw 'yong nakapag closed netong deal sakanila" ano ba talagang trip ng mga yun? Paano ako makakatanggi kay dad? Boss ko yan e. Ano 'to? Lokohan na naman?
"Is it really necessary to come dad? I mean. Baka busy kasi"
"Of course, dwayne. It's showing some support for them. Parte na yun ng partnership natin sakanila at isa pa. Nagimbita sila. Nakakahiya naman kung hindi papaunlakan ng maski isa sa atin diba? Ikaw ang nagrepresent ng corporation natin sakanila. That would be great kung ikaw ang nandoon"
"I will come, then"
Lumipas ang mga araw at ngayon ay nagbabyahe na kami papunta dun. Dalawa lang kami ni jackie. Ayaw sumama ni kelly. Dahil baka nandun daw si Jackey at ano pa raw ang masabi nya at syempre. Nandito si Jackie.
"Gaano tayo katagal dun, Dwayne?"
"Hindi pa nga tayo nakakarating e. Uwi na agad"
"I have a work to do. Pinagbigyan lang kita. Alam mo yun dwayne" seryoso nyang sabi.
"Bakit sersyoso mo yata? Meron ka ba?" pinagtawanan ko sya.
"I have no time for your jokes, will you please just drive?!" halos pasigaw nyang sabi. Itinikom ko na ang bibig ko. Maybe she's stress at work.
Nang makarating kami. Pumunta agad kami sa nakasaad na room daw namin. Tinulungan ko muna magayos si Jackie ng mga gamit nya bago yung akin.
Merong dalawang bed.
Maganda ang room. Kawayan ang karamihan sa mga furniture.
Ang kama. Lamesa. Mga upuan. Bumagay sa puting pintura ng mga dingding at sa brown na tiles sa sahig.Meron ding TV. Talagang maganda.
Bukas pa ng umaga ang nasabing ribbon cutting na magaganap. Maaga yun kaya pinapapunta ng mas maaga ang mga guest.
Magpapahinga muna ako sandali. Napagod ako sa byahe.
Sumilip muna ako sa balcony ng kwarto. Maganda ang view. It's a sea side resort. May mga pool and hot springs rin. Ayun sa nakalagay dito. Maganda dito. Relaxing.
Sa paglilibot ng mga mata ko sa tanawin sa tabing dagat. Agad ko silang nakita. Magkasama na nakaupo sa buhangin at mukhang masaya.
I smiled bitterly. Perfect. Ang ganda nilang tignan. Ito ba ang gusto nilang makita ko? Ito ba talaga ang plano nila? Ipamukha sa'kin lahat.
"Hey you should rest" napatabi sa'kin si jackie at nilingon ko sya. Kaya napansin kong nakatingin rin sya sa tinitignan ko kanina.
"So this is it?" Napatawa sya habang umiiling at muling pumasok sa loob.
I don't want to hurt you Jackie. But right now, i can't understand myself too.
BINABASA MO ANG
Want You Back (JulNiel)
RomanceNakipag hiwalay si Jackey Sophia sa kanyang boyfriend na si Dwayne daryll, through the years maraming nagbago. Patuloy bang kakapit si Dwayne? O hahayaan na lang na dalhin sya ng kapalaran sa kanilang dapat karoonan.