Chapter Forty - Time

90 5 1
                                    

Time

I'm tired of all of these.
Sa pagiwan. Sa sakit. Noon pa lang. Lagi na akong naiiwan. Simula kay dad.

Yung mga taong hindi mo inaasahan na aalis. Sila pa pala yung mang-iiwan. Sila pa pala yung mananakit sa'yo ng sobra.

Pagka balik ko sa room namin. Wala na si Jackie. Kaya binilisan kong mag impake ng mga gamit at sinimulan na ang pagalis sa resort na yun.

"Dwayne!" Huminto ako saglit sa paglalakad at hinarap sya.

"Bakit?!" halos pasigaw kong sabi.

"W-what happened? Aalis ka na?"

"Oo! Kaya pwede ba? Wag ka munang magulo!" tinalikuran ko sya ulit at naglakad.

Kasalanan nya lahat ng conflict ngayon sa buhay ko. Hindi ako magkakanda leche leche kung sinabi nya agad 'yong totoo. Sobrang mahal ko sya pero hindi sya ganun sa'kin.

It's no use. If she really loved me before, why would she end up marrying somebody else? If she really did. Why would she choose that guy over me?

Umiling ako at nag drive na lang papunta ng terminal nila. Baka nandun pa sya.

Nang marating ko yun ay agad akong bumaba ng sasakyan at iniikot ang paningin ko sa mga bus na nandito. Hindi naman pwede na pumasok na lang ako basta dun.

But in the end. I failed. She's not there. Umuwi ako ng magisa.

Nung makauwi ako. Ay agad akong nagmukmok sa kwarto ko.

Nasasaktan ako pero hindi ko alam kung nanghihinayang lang ba talaga ako.

Sinusuktok na ako ng realidad pero ako mismo hindi ko pinipikit ang mga mata ko para tanggapin na lang ang bawat paglapat ng kamao neto sa mukha ko. Kundi minumulat ko pa ang mga 'to para makailag sa mga pangyayari sa buhay ko. Sa katotohanan. ako mismo hirap tanggapin.

Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa nakatulog na ako nung gabing yun.

Nung magising ako. Hindi ko alam kung pupunta ba ako kina Jackie. Babalikan nya ba ako? Hindi na siguro. Pero susubukan ko.

Nung makapagayos ako agad akong lumabas ng bahay at nagtungo kina Jackie.

Hindi ko alam kung magd-door bell ba ako o aalis na lang ulit.

But i guess, it wasn't a good idea.
Baka mas lalo lang syang magalit.

I need to think about everything completely.
Because everything is totally driving me crazy.

Should i still try? Napa hugot ako ng malalim na hininga.

Nagulat ako ng biglang bumukas yung gate nila.

"What are you doing here?!" singhal nya.

"Jackie, let's talk. okay?"

"Don't you understand that i ended it already? You're being selfish dwayne!"

"Please, let's talk properly"

"There is nothing to talk about dwayne! Wala na tayo! Wala ng aayusin. Tapos na. At yun na ang end nun"

"Bakit? Please"

"Hindi kita maintindihan dwayne, diba eto naman yung gusto mo? Pwede ba? Wag ngayon. Give me some time. I'll inform you when i can talk about it already. Please, not now. I hope you really could understand this time" pumasok sya ulit at pinagsarhan ako ng gate.

Time? Yes. We all needed time.

Want You Back (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon