Chapter Thirty Five - Confuse

72 3 2
                                    

Confuse

Dahil day-off ko ngayon. Napag desisyonan ko na pumayag sa alok ni Jackie. Na mag date.

Miss nya na raw kasi ako.

Tinawagan ko sya at agad nya naman sinagod.

"Papunta na ako, beautiful"

("Okay! Nagaantay ako handsome ko!") napatawa ako.

"Oo na, alam ko. Darating ako wag ka magalala"

("Ako? Naku dwayne ha. Tigilan mo ang ilusyon at baka mamaya..")

"Ano? Ano?"

("Wala! Wala! Dali! Tagal ko ng naga-antay ha!") bigla syang tumawa. Napawi ang mga ngiti ko sa labi ng parang iba 'yong dating nung sinabi nya.

("Hello, still there? Handsooome?")

"Yes, Wag kang mag-alala! Papunta na ang pinaka gwapong nilalang sa mundo!" Humagalpak agad ako ng natawa ng nakasakay na.

("Tseh! Sige na at mag drive ka muna!")

"Kinikilig ka lang e" pinatay nya 'yong tawag.

Nagdrive ako hanggang makarating sa sakanila.

Bumaba ako ng sasakyan at nakita ko syang naka abang na sa gate nila. Agad ko syang nginitian at pinag-buksan ng pinto ng sasakyan.

"Hello madame. Your handsome is already here, please make yourself comfortable. Do not be intimidate"

"Wow dwayne ha!" tumawa sya bago pumasok sa sasakyan.

At isinara ko ang pinto. Umikot ako para maglakad at makapasok sa sasakyan at makapag drive na muli.

"Saan mo gusto pumunta madame?" inilagay nya ang index finger nya sa baba at umakto na nagiisip ng malalim.

"Pwede sa puso mo?" Agad syang tumawa

"Oo naman, welcome ka anytime" sabi ko at nakisabay sa pagtawa nya.

"That's why i love you" sabi nya. Napangiti ako dahil naramdaman ko na mahal nya talaga ako.

"I love you, too" balik ko sakanya kaya napatawa sya.

"So, how's work?"

"Okay lang. E Y-yung sa'yo? Anong balita?" Saglit ko s'yang sinulyapan sa tanong n'ya.

"Okay rin. Sana matapos na agad. Hindi ko alam kung bakit ang tagal ng pag-agree para ma-close na agad yung deal"

"B-bakit naman?" sa tono ng boses nya. Parang alangan sya magtanong.

"Hindi ko rin alam e" Yun na lang ang sinagot ko. Sa mall na lang kami pupunta. Agad kaming bumaba pagka park ng sasakyan.

Kumain kami dahil hindi pa kami kumain sa kanya kanya naming bahay nung umalis kami.

"Saan tayo pupunta after neto?" tanong nya.

"Ikaw bahala" ngumiti sya

"Movie date tayo"

"Okay" nginitian ko rin sya pabalik.

Nanood kami ng movie at namili pagkatapos.

Hawak ko ang kamay ni Jackie habang naglalakad kami para pumunta at tumingin pa sa ibang store.

Maraming tao dahil weekend ngayon pero kahit ganoon may taong nakapag palingon sa'kin na halos mabali ang leeg ko sa kakatingin pero sya o sila ay hindi man lang ako nakita.

Kasalubong namin sila pero nasa kabilang gilid sila ng daan.

Nang medyo nasa likod na namin sila ay bigla syang lumingon at agad nagtama ang mga tingin namin. Napahinto sya sa paglalakad at humarap kung nasasaan kami ni jackie at tinignan lang kami.

Pero agad syang hinawakan nung kasama nya sa balikat na nakapagpa-balik sa pag punta punta ulit ng direksyon na tinatahak nila.

Parang may kumirot sa puso ko.
Pero piniga ni jackie ang kamay ko ng mapansin na binaling ko ng atensyon sa direksyon na hindi naman patungo sa daan namin.

Tinignan ko sya at napangiti at naalala na sya pala ang tunay na mahal ako. Pero si jack.

Jack is with elson.
And I'm with jackie.

Naramdaman ko ulit 'yong puso ko.
Panandalian hindi ko malaman kung para saan ba 'yon.

Now i'm Confuse.

Want You Back (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon