Bitter
"So, how was it? How does it feel?"
Isang linggo na ang nakalipas. Sa totoo lang. Nakakapikon kasi pinapatagal yung deal.
I know, business is business pero hindi ba sya nakakaramdam na kahit katiting lang na awkwardness sa aming dalawa? Kung hindi, edi hindi. Kung oo, mas maganda. Alam ko. Kailangan ko 'to.
Kaso kesa naman magkikita kami para sa deal na 'to lagi. Tapos kalokohan naman na mas ako pa yung affected o ako lang yung affected.
"You're right. Both of it feels comfortable"
"I know. Maayos rin ba?"
"Oo naman"
"Nakatulog ba 'kayo' ng mahimbing"
"Yes"
"Kasing himbing ba ng tulog mo ng mga panahong iniwan mo ako?" I shouldn't feel this. Pero sa twing nakikita ko sya. I really can't hide some of my bitterness towards her. She's well and healthy. Walang bakas na nang galing sya sa sakit o ano mang operasyon.
"Excuse me?"
"Oh. May nasabi ba akong hindi maganda?" Sarcastic kong sabi.
"Wala naman" Her confidence and guts while talking to me straight as if nothing wrong happened between us before. Makes me feel bitter. Really. Di ko alam kung pano nya nagagawa yun.
Minsan na napunta ulit ako kila kelly. Ayun. Sinabon sabon ako dahil napaka bitter ko raw, although alam nya kung saan ako nang gagaling. Kung tititigan mo lang naman kasi sya ng maigi. Masasabi mo talaga na kalokohan lahat ng bagay na iniyakan at pinag-puyatan ko noon. Nyeta, hindi ko matanggap.
Halos mabaliw ako para sa kasinunghalingan na naganap noon. Para lang dito? May paharana harana pa ako sa kanya. Palasing lasing ako kasi akala ko wala na sya.
Minsan nga nawiwindang ako at naiisip kung talaga bang totohanan 'to o panaginip lang.
Pati nga si dale, nagmumura na kasi pati sya naloko. Tae. Pati si kelly. Yumpala, kalokohan lahat. Taragis.
"So, what about the deal?" Tanong ko ng mukhang hindi sya interesedo pag-usapan ang deal. So para saan pala 'tong meet-up meet-up na'to? Date? Tae. Kasala na sya at magyaya na rin ako ng kasal. Kwits. Pero potek gusto ko pa rin malaman yung dahilan nya. Kung bakit kailangan pa talaga nya akong saktan.
"You should wait, dwayne"
"Gaano ka tagal? One and a half year? Five years?" Tinignan nya ako na para bang may nasabi na naman akong masama.
"If that's what you want. Then, why not?" Napasimangot ako at tinignan sya. Talaga bang balak nyang patagalin ang pagdurusa ko?
"O gusto mo lang akong makasama ng matagal?" Napatawa sya.
"Dwayne, ako po? atat ka ba talagang umagree kami? Dahil lagi tayong magkikita sa mga meetings nyo? We're going to be part of it and you know that right?" She's right. She's really smart. Dahek.
Napainom na lang ako sa kape na inorder namin kanina.
Hindi sya nagsasalita kaya hindi rin muna ako nagsalita. Sumandal na lang ako sa upuan.
Tinignan nya ako kaya tumingin rin ako sakanya. Tumawa ulit sya. Tao pa ba 'tong kasama at kausap ko? Si jack ba talaga 'to? Baliw na yata e.
"Kumanta ka naman oh, Kamiss yung boses mo" nanadya ba sya? Sht.
"Okay" alam kung awkward pero um-oo parin ako para wala syang masabi. Tumikhim muna ako bago nagsimula.
"True friends lie underneath,
The witty words, don't believe
I can't believe a damn thing they say, anymore
Lie! Lie! Liar! Liar you'll pay for your sins
Lie! Lie! Liar! Liar you'll pay for your sins" Hindi ko alam. Pero ito talaga 'yong lumabas sa bibig ko na kanta dahil sa sobrang pagiisip ko na sinunghaling sya. Habang sya. Seryosong natitig lang sa'kin. Kung hindi ganto nangyari yung dati. Malamang kinilig pa ako sa request nya."So tell me how does it feel,
How does it feel to be like you?
I think your mouth should be quiet
'Cause it never tells the truth now
So tell me, so tell me why,
Why does it have to be this way?
Why can't things ever change?" Things will never change. But i don't really understand why. Why does it have to be this way?"I'm falling over, and over again
From all the words that you have said
It's written on my heart for everyone to see" Nahulog ako sa kasinunghalingan nya ng paulit ulit"From the place I was, to the place I am, to the place I wanna be
For the mountains I've been climbing over and under and over" kahit san pa ako mapunta. Ganun parin.Inulit kong kantahin ang chorus.
Kasabay ng pag pikit ng mga mata ko"So come down now, come down from your tower now
Come down now from your tower, oh" Hindi ko sya gustong bumaba dahil mataas ang narating nya o nagmamataas sya. Kundi dahil gusto ko isama nya sa pagbaba nya ang lahat ng katotohanan na hinahanap ng puso ko dahil hindi ko makukuha ang closure ng wala yun.Nung muli kong imulat ang mga mata ko. Nakita ko syang nakangiti.
Bigla syang tumawa
"Di ko alam na napaka bitter mo pala"
"Oo, dahil sa'yo" natigil sya sa pagtawa, ngumiti. Tumayo at umalis. Tanggala.
BINABASA MO ANG
Want You Back (JulNiel)
RomanceNakipag hiwalay si Jackey Sophia sa kanyang boyfriend na si Dwayne daryll, through the years maraming nagbago. Patuloy bang kakapit si Dwayne? O hahayaan na lang na dalhin sya ng kapalaran sa kanilang dapat karoonan.