Gone
"Dale?"
"We need to talk"
"Na naman? Di ba kayo nagsasawa dalawa? Ganito na lang. Nood muna tayo. Tara" hinila kami ni pareho papunta ng kwarto. Kala mo wala akong dala kung makahila sya.
"Pero, you need to know this" sabi naman ni dale.
"Mamaya na nga yan. Good vibes lang muna. Okay?" kontra ni kelly sakanya.
"Pero importante 'to"
"Naku ba dale, manahimik ka nga" tinusok ko yung tagiliran ni kelly kaya inis syang napalingon sa'kin. Pero nginitian ko lang sya ng nakakaasar. Itinaas nya ang kamay nya ng nakasarado ang mga ito na susuntukin nya na ako anytime.
"Hindi pwede kelly, si.."
"Tumahimik ka nga sabi e! Ihanda ko na 'tong pagkain. Oy dwayne! Kumuha ka nga ng lalagyan ng chichirya don. Pitsel at ice pati mga baso narin! Bilis! Bilis" paguutos nya. Bastos talaga. Di pa tapos magsalita 'yong tao e.
"Kunyare ka pa ha, tapos gusto mo ako pa talaga kumuha para ano ha. Mga galawan mo, grabe talaga si kelly" asar nya akong tinignan at parang sinasabihan nya ako na tigilan ko ang pangaasar sa kanya kasi nandyan si dale. E ano?
"Ako na nga lang ang kukuha! Bwiset! Tinatamad ka lang e" reklamo nya. Di no.
"Sige na, sige na. Ako na. Ayoko naman masira 'yong moment nyo. Ay yung mood mo pala" tumawa ako bilang pangasar.
"Kelly" tawag ko sa kanya bago ako makalabas ng pinto parang konti na lang sasapakin nya na ako nung lumingon sya sa'kin.
Nginitian ko sya at tinaas baba ko yung mga kilay ko bago ko tuluyan isara ang pinto at lumabas. Ako pa uutusan mo a. Asar asar ka tuloy.
"Nak"
"Oh ma"
"Nakita nyo si dale?"
"Opo, dun sila sa kwarto"
"Anong oras na 'to pala no? Osige, bumili ka muna ng suka, toyo, paminta, bawang at sibuyas. Magsama ka na rin ng asukal pati laurel" wow.
"Mama-malengke lang ma? Sana sinabihan mo na ako kanina para dun na lang ako namili, ang layo paman ng mga tindahan rito"
"Nagri-reklamo ka?!"
"Hindi po ma" kiniss ko si mama sa pisnge at naglakad palabas ng bahay. Bahala dyan sila kelly. Para masolo time. Ay. I-text ko pala. Para di na bumaba.
To: Kelly Camille
Hoy! Kelly! Saglit lang! Bibili lang ako ng ingredients ni mama. Sabihin mo na rin pati kay dale na sabay na kayo kumain. Ay! Sabay na kayo kumain sa'min. HAHAHAHA. Bagay kayo a.
Isinend ko yun kay kelly. Asar na naman yun. Tsk. Ang layo ng tindahan dito. Mga tatlong kanto pa. Sasabihin ko talaga kay mama na magpatayo ng tindahan dito pagmaka-graduate ako e. Ako magma-manage. Nang hindi na rin malayo ang bilihan. Peste.
Maya maya pa. Narinig ko na yung pag ring ng phone ko.
From: Kelly Camille
Bwiset ka talaga e. Hindi ka ba talaga magsasawa asarin kami? Bilisan mo naman at mahiya kang pag antayin yong dyosa.
To: Kelly Camille
Dyosa? At yung leading man nya? Sige po mahal na kamahalan. Antayin nyo lang ang aking pagbabalik. Nawa ay magbunga na ang inyong pagmamahalan. Sweet 😍😘❤
From: Kelly Camille
Wag mo antayin na mapikon ako sa'yo. Dahil baka magdilim ang paningin ko at makalimutan ko na magpinsan pala tayo.
Hindi ko na sya nireply-an.
Hay Jack, ano ba kasi yung nagyayari sa'yo? Bakit ba ayaw mo na sabihin sa'kin lahat. Akala ko pa naman. Kaya kong mag move on. Hindi pala.
Masyado akong nagugulahan sa lahat ng 'to. Kung pwede lang sana matuto ako magteleport at kung nagi-exit man na may ganun. Promise to the deepest part of ny heart. Pupuntahan kita kahit nasan kaman. Kaso walang ganun. Hindi pwede yon.
Narating ko yung tindahan, bumili agad ako ng mga kailangan ni mama. At bumalik.
Nakakamiss ka asarin.
Nakakamiss yung pagsi-seryoso mo kapag stress ka at kinukulit kita.
Nakakamiss yung bawat tawa mo sa mga walang kwentang bagay na pinagsasabi ko.
Nakakamiss marinig yung 'i love you' mo
Nakakamiss yung feeling na mahalin mo.
Nakakamiss na ipadama sa'yo na nandito lang ako at mahal na mahal kita.Habang naglalakad ako pabalik.
Nagulat ako ng may dumapo sa balikat ko na paru-paro kaya napahinto ako sa paglalakad at tinignan yon.Hindi nagtagal ay umalis rin sa balikat ko ang puting paru-paro at pinagmasdan ko itong lumipad sa kung saan.
Napabalik ako sa sarili ko ng tumunog yung cellphone ko.
From: Kelly Camille
Dwayne, San kana? Bilisan mo.
Atat naman. Hindi ko na sya ni-reply-an dahil nga sa malapit na rin ako sa bahay kaya lumakad na ulit ako.
"Ma, oh" inilapag ko sa mesa 'yong mga pinabili ni mama at inayos yung mga pinapakuha ni kelly kanina pa.
Dahil ayos na yung mga kukunin ko. Umakyat na ako sa kwarto na bitbit ang mga yon.
Pagbukas ko ng pinto.
Nagulat ako dahil umiiyak na si kelly at dinadaluhan sya ni dale na parang maiiyak nadin. Anong ginawa nya?! Agad kong nilapag sa sahig yong mga dala ko."Anong ginawa mo dyan, dale?!" Pagalit kong sabi. Kaya mas lalong napahikbi si kelly.
"D-dwayne, wala na sya"
"Ha? What? Sino? Wala?" Sunod sunod kong tanong. Nagpakawala ng isang malakas at mabigat na hikbi si kelly.
"Si J-jack dwayne, she's gone. Jack was gone" bumilis yung tibok ng puso ko at hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko.
Dahil sa sinabi ni kelly, kusang tumulo yung mga luha sa mata ko at nanlambot ang tuhod ko sanhi ng pagbagsak ko sa sahig.
Yung paru-paro kanina.
That's impossible.
This is impossible.
This can't be happening.
I should've been there.
No, not her.She's gone. She can't be gone. Jack..
BINABASA MO ANG
Want You Back (JulNiel)
RomanceNakipag hiwalay si Jackey Sophia sa kanyang boyfriend na si Dwayne daryll, through the years maraming nagbago. Patuloy bang kakapit si Dwayne? O hahayaan na lang na dalhin sya ng kapalaran sa kanilang dapat karoonan.