Adrenaline
Tumakbo ako ng mabilis sa abot ng makakaya ko.
Tumatakbo ako palabas ng university. Bigla akong nanlamig. Yung tipong hindi ko na maramdaman ang sarili ko.
adrenaline na tinatawag nila, nararamdaman ko yun ngayon.Nung makalabas na ako. Nagabang agad ako ng taxi na masasakyan ko.
"Kuya airport po. Please pakibilis" sabi ko ng maka sakay na ako
"Sorry sir hindi ko mabibilisan masyado. Traffic e. Yari ako kung saka sakali" pssh. Sobrang malayo pa ang airport dito e. Pero paano yun? Pano kung umalis na sya? Teka.
Dialing Kelly Camille..
"C'mon kelly answer the phone"
*Toot*toot*
Ay shet wala na kong load. Nakalimutan ko. Hindi kasi ako gumagamit ng plan. Ayan tuloy kung kailan kailangan.
"M-manong,meron ho ba kayong pang tawag?" Pakapalan na 'to
"Aba hijo wala e. Meron ka bang pang bayad sa akin?" Watda
"Meron po! Nalimutan ko lang ho mag-paload!" Reklamo ko. Ano na ang gagawin ko. Tss. Pakapalan na talaga.
Ibinaba ko yung bintana at kuma-usap ng kung sino.
"Ate, meron ka pong pang tawag?" Sabi ko sa babae na naka sakay sa jeep.
"Meron. Kaso baka nakawin mo pa! Wag na" srsly?
"Ate sa gwapo ko na 'to? Bayaran ko lang ho. Please" i know it sounds conceited but c'mon! She was insulting me. Pasalamat siya! Kailangan ko yung load nya.
"Pakita mo muna!" Kainis naman 'to si ate oh.
Kinuha ko yung wallet ko at binigyan siya ng pera kasabay ng pagbigay niya ng cellphone niyang di ko alam kung cellphone ba talaga 'ng maitatawag.
Pano ba 'to? Bura bura pa yung letters and numbers sa keypad. Tss.
Tiis na nga lang.
Ti-nype ko yung number ni kelly.Dialing 09*******....
"Hello"
("Hello sino ka?")
"Kelly ako 'to"
("Sino nga? Ang tanga naman oh! Paki-gamit naman po yung common sense oh. Tinatanong ng maayos. Pan-tanga yung sagot. Ako 'to e hindi ko nga alam kung sinong ako yang pinagsasabi mo!") Pikon na sabi ni kelly. Aba.
"Kelly! Si dwayne 'to"
("Sinong dwayne?")
"Yung pinsan mo! Tanga! Paki-gamit naman yang utak mo! At paki-lagyan rin ng common sense dahil mukhang wala ka rin nun!"
("Ouch dwayne!")
"Ang dami mong sinasabi kelly"
("Oh e ano ngang kailangan mo? Saka kaninong number ba 'to? Wala kang load? Osige san lo-loadan kita mamaya")
"Ewan sa'yo! Anong oras flight nila?"
("2pm yata") 2pm? Ilang hours ba ang advance na pagpunta sa airport kung paibang bansa? 2 padin o 4? It was 12pm, so baka wala pa sila sa airport kung 2hrs lang. Buti na lang. Para kahit traffic baka umabot pa. Sana umabot pa.
"Sige kelly. Thank you so much. Paki sabi narin kay dale hahambalusin ko siya ng bakal kapag magkita ulit kami"
("Osig--")
"Kuya yung cellphone ko!" Sigaw nung babae sa jeep. In-end ko yung call at inabot yung cellphone niya sakanya
"Oh ayan na ang cellphone mo na bulok na ipinagmamalaki mo sakin pero joke lang ate! Salamat" then I smiled at her. Napabuga ako ng hangin. What a relief. Sana maabutan ko pa siya.
---
It was quarter to two when I arrived into the airport.
I curse that traffic. Akala ko mapapaaga ako dito but I was wrong. Napakatagal nun.Sht. Pumasok ako sa airport. Saan ba yun? Shocks naman
"Jaaaack!" Sumigaw ako kasi hindi ko alam kung nasaan ba siya ngayon.
Kung nandito na ba siya o wala.
"Jackey Sophia!" Sumisigaw ako. Alam kong nakakahiya at any moment lalapitan ako ng guards para pigilan sa ginagawa ko. Pinagtitinginan narin ako ng mga tao na nandito.
"Jack!" Sobrang naiiyak ako. Napa upo ako bigla. Hindi ko alam kung bakit but I want to see jack. I want to talk to her, apologize and beg for her not to go, I want to tell her how much I love her.
"Jack" I whispered.
Tumayo ako at tinignan yung list ng mga flight ngayon. Yung departure nila. 2pm flight.
Nung makita ko yun. I ran. Yung babae na nagbabantay hinarangan ako pero diko sya pinansin.
"Sir!" Sigaw niya pero hindi ko siya pinansin at tumakbo lang.
Hanggang sa maramdaman ko yung mahigpit na hawak ng isang tao.
Nang mapalingon ako. Yung guards. Dalawa sila.
"Kuya please, let me in"
"Sorry sir but we can't let you in if you weren't registered on this flight and this flight was about to leave" sabi nila
"Please just let me in! Jack was inside"
"Pasensya na sir. Trabaho lang rin ho" hinila nila ako palabas.
"Kuya sandali lang please" pagmamaka-awa ko.
"Sir, sorry po talaga"
"Kuya dal--" nung marinig ko yung pag andar ng eroplano. Napahinto ako sa pagsasalita. No. No.
"Jaaaaaaaack!" Sigaw ko habang pinipilit kong makawala sakanila. Pero dumarami lang sila at pinilit ako na umalis dun
"Sir kung hindi po kayo aalis dito. Mapipilitan kami na--"
"It's no use" sabi ko "this is all your fault!" I know I shouldn't blame them.
"Sorry, sorry, I am leaving, sorry for the disturbance, I can manage. Sorry" sabi ko bago ako lumabas dahil wala na rin akong magagawa.
Naupo ako sa mga upuan doon.
Itinakip ko yung dalawa kong kamay sa mukha ko.Nagulat ako nung may humawak ng madiin sa balikat ko.
Napatingin ako sa tao nayun at napatayo ng makita siya.
Niyakap ko sya ng sobrang higpit at umiyak sa balikat niya."wala na sya, kelly"
BINABASA MO ANG
Want You Back (JulNiel)
RomansaNakipag hiwalay si Jackey Sophia sa kanyang boyfriend na si Dwayne daryll, through the years maraming nagbago. Patuloy bang kakapit si Dwayne? O hahayaan na lang na dalhin sya ng kapalaran sa kanilang dapat karoonan.