Preparation
So tomorrow will be the meeting with that client.
So, all i need is to convince them na maganda ang product namin. Dahek. Para akong magkakasakit bigla.
Kaso hindi pwede. Once i got this deal. I'm going to buy a ring so i could ask her.
Ilang beses ako nag-practice. Sanay naman ako na nagp-present at nagri-report. Pero iba 'to. Kinakabahan ako na hindi ko alam kung bakit. Parang maiihi nga ako e. Bwiset. Siguro, syempre. First time ko 'to oh. C'mon. I have to convince someone. Hindi lang 'to. Kagaya nung report report na yan.
Bukas pa yun pero kung kabahan at pagpawisan ako. Akala mo ngayon na yung presentation ko. Nakakatae.
"Good Morning. So let's start? tsk. Panget! Ano ba daniel? Kakasimula mo pa lang oh" ka tense talaga. Peste. Nakaka ilang ulit na ako. Nakaya ko naman kanina.
"I am here to present you our product which is very. Ugh. Nakakagago" It was already 10 in the evening. Maybe is should sleep already. But c'mon
"Good Morning po Mrs.DV. so. May we start? Can we start? Shall we start? Let's start. Dahek. I'm the one who's starting over and over"
Pumunta ako sa closet at tumingin ng damit. I have to look presentable. Formal and of course, trust worthy.
Should i wear suit? Kaso. Parang sobra naman. Korni.
Polo na lang. Jeans at black shoes. Pwede nayan. Wag ng maarte.
Alright. Review na lang. Baka masayang lang yung pagpa-practice ko e. Baka iba nadin
Binuksan ko ulit yung laptop ko at binasa ulit yung ginawa ko ng presentation. Sana okay na'to at ma convince ko yun. Baka maraming tanong.
"Nak" sabi ni mama nung kumatok sya sa kwarto ko.
Tumayo ako para buksan ang naka lock ko na pinto.
"Bakit po ma?"
"Hindi ka pa kumakain, ay anong oras na'to oh" oo nga pala.
"Sige ma, baba na ako"
"Oh sige" bumaba si mama kaya pumasok ulit ako sa kwarto para i-sleep yung laptop ko.
Pagkatapos ay bumaba.
"Ma"
"Oh, anak. Kain na. Inihanda ko 'to. Kanina pa. Initin ko lang. Tagal mo kasi e"
"Syempre ma, busy ako. Alam nyo na. Good boy e"
"Kelan pa?"
"Mama naman, di na lang ako suportahan" tumawa lang si mama sa sinabi ko.
Umupo ako at tinignan si mama.
"Ma"
"What is it?"
"Ma, okay lang po ba kung.." napahinto ako at napaisip. Okay lang kaya sakanya?
"Ano? Pabitin. Di kita bigyan ng ulam e"
"Ma, okay lang ba?"
"Ano nga?"
"Yayayain ko na ng kasal si Jackie" natigil sya sa ginagawa nya. Pero nakabawi rin at tinapos yung pagiinit nung ulam at inihain sa lamesa.
"Mama. Nakakakaba yang pagtatahimik mo"
"Sigurado ka na?"
"Opo ma. Bakit? Ayaw nyo po ba?"
"Hindi naman. Syempre anak, suportado ako sa mga gusto mo. Lalo na ngayon. Sarili mo ng gastos" tumawa si mama.
"Mama, daming alam"
"Syempre naman. Kahit ano pa yan. Nakakagulat lang anak. Kasal 'yong ipapaalam mo sakin! Hindi lang basta pagjo-jowa ha! Ikaw bata ka. Palagi mo na lang ako ginugulat sa mga paandar mong ganyan. Syempre una sa lahat. Mawawala ka na dito at kaya mo na ba?"
"Ma, kakayanin ko ma. Saka ma. Yayayain ko pa lang 'yong tao. Di pa kami ikakasal"
"Aba! Sorry ha? Syempre parang ganun nadin yun"
"Pero ma, thank you" kiniss ko yung noo ni mama at niyakap sya.
BINABASA MO ANG
Want You Back (JulNiel)
RomanceNakipag hiwalay si Jackey Sophia sa kanyang boyfriend na si Dwayne daryll, through the years maraming nagbago. Patuloy bang kakapit si Dwayne? O hahayaan na lang na dalhin sya ng kapalaran sa kanilang dapat karoonan.