Chapter Forty Two - See

82 3 0
                                    

See

Nag let go ako. Nasasaktan ako pero mas nasasaktan si Jackie. Tama na rin siguro yung desisyon nya. Ayoko ng ikulong sya sa'kin. Ayoko ng patagalin yung pakiramdam nyang nahihirapan sya. Alam ko yung pakiramdam na nasasaktan ka dahil sa taong mahal mo pero hindi ko alam kung anong sitwasyon nya sa bawat pagtitiis at pagpapanggap na okay sya sa lahat lahat ng 'to.

Tama rin sya na kahit hindi ko man gustuhin. yun ang nangyari. Nasaktan ko sya dahil hindi ako nagtiwala na hindi nya ako maiintindihan.

Nasaktan ko sya dahil kahit mahal ko sya ay may mas mahal akong iba.

There's only One Great Love. Kahit magmahal kaman ulit ng iba. Kahit mag katuluyan man kayo o hindi. Hindi pa rin matutumbasan ng kahit nino ang pag ibig mo sa isang taong yun.

Mahirap, masakit at maraming pagdaraanan. Pero kakayanin nyo kung pareho kayong kumakapit sa isa't-isa.

Kaso. Palaging may masasaktan. Palaging kumplikado at mahirap. Palaging magulo at hindi pwedeng may pagsubok na ibinibigay sa'tin na ang sarap sukuan na lang. Palaging may humahadlang at higit sa lahat, Palaging may bumibitaw.

Minsan. Ang hirap isipin kung dapat ba yung mga nangyayari, kung bakit yun ang nangyayari pero nagpapasalamat na rin ako dahil hindi ganon ka tindi gaya ng sa iba ang problema ko.

"Dwayne. May isa pang kulang sa contract. Yung sa atin lang mismo kukuha. Ang nasign-an lang nila ay 'yong sa kasunduan at sa mga quality lahat if ever may reklamo. Pero yung partnership at yung sa pagkuha ang pinaka kailangan. Hindi mo ba 'to na check?" iniabot sa'kin ni dad yung contract na pinirmahan nakaraan ni elson.

"Wala po! Hindi ko napansin. Pagka pirma kasi umalis agad ako e. Babalik na lang po ako dun. Sorry po" tumango si daddy.

"Okay, make sure na wala ng hindi napirmahan dyan. Okay? Binasa ba naman yan lahat?"

"I think so, sir" busy kasi ako kakakilatis sa bastos na elson na hindi man lang ako nagawang mapaupo. Hindi pa nakontento at pina mukha sa'kin ang posisyon namin sa buhay ni Jack.

"Bago lang kasi nabasa nung Secretary ko. Asikasuhin mo agad"

"Yes po, makakaasa kayo"

"Okay, i'll go ahead" lumabas sya ng office ko. Kaya napa buntong hininga ako.

There's a big possibility that I'll see her again.

Want You Back (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon