Wrecked Heart
Matapos nun. Nagmukmok na ako dito sa bahay.
One week na akong hindi pumapasok. Alam ko naman na nasaktan ko siya kaso ako rin naman
Hindi pa naman siguro ako drop.
Ngayon pa lang ako umabsent.Biglang bumukas yung pinto at nakita ko si mama
"Nak, anong balak mo sa buhay mo? Dito kana lang ba? Anong problema ha? Andalang mo pa kumain. Aba masasarap naman ang mga inihahain ko" natawa ako dun. Mama talaga.
"Ma naman, syempre dabes luto mo" nakakatamad lang po talaga kumain.
"Oh e ano nga? Wag mo ako idinadaan dyan ha may problema ka talaga. Ano yun?" Gusto ng umiyak ng mga mata ko pero pilit kong pinigilan. Ayoko lalo na sa harap ni mama
"Wala naman ma. Nakakapagod lang magaral" kaya kunyari hindi ako nasasaktan dahil dun
"Hindi nga nak? Forever tambay lang?"
"Ma, wala pong Forever" hiniwalayan nga niya ako e, Forever pa.
"Bakit nak?" Seryosong sabi ni mama at naupo siya sa kama ko.
"Anong bakit ma? E wala nga" pagpupumilit ko kaya napaupo rin ako.
"May problema kayo ni jack?" Napabuntong hininga ako at napatingin kay mama.
"W-wala naman ma"
"Alam ko meron" hindi ko alam pero bigla akong napaiyak sa harap ni mama.
"Ma, wala na kami ni jack. Ayaw niya na sakin, hindi niya na ako mahal ma, pinagpalit niya na yata ako" bigla akong niyakap ni mama. Naramdaman ko na naman lahat ng sakit.
"Sigurado ka ba dyan nak?" Ewan ko. Hindi ko alam. Nagpatuloy lang ako sa pagiyak
"Ayos lang yan nak, Hindi naman tayo sigurado kung ano talaga yung nangyayari sa kanya. Wag kang masyadong magalit sa kanya anak kung hindi mo pa masyadong naiintindihan yung dahilan nya ha? Babae yun. Sigurado ka ba talaga na sila ni elson?" Napabitiw ako sa pagyakap kay mama.
"P-paano mo nakilala si elson ma?"
"Na ano narinig ko kayo na naguusap ni kelly, pero hindi ko pa kasi sigurado nun. Sorry kung nakikinig ako sa inyo minsan" Mama talaga oh.
"Ayos lang po ma. Magpapahinga lang po ako" paalam ko at nahiga ulit.
"Pahinga na naman? Naku nak. Pumasok kana bukas ha!"
"Opo ma"
Nang mahiga ako ay ipinikit ko ang mata ko at aantayin ko na lang hanggang sa makatulog ako.
"Piiiiinsaan!"
"Kelly naman. Matutulog palang ako"
"Isang linggo ka nang puro tulog lang. Maryosep insan" reklamo nya at nahiga rin sa kama ko
"Makikitulog ako"
"Pssh. Manggugulo ka sabihin mo" nanatili akong nakapikit
"Finals na next week dwayne,anong plano mo? Hindi ka papasok? Tapos SemBreak na. Nakanaman. Ikaw tutulog tulog lang rito" she's really noisy as ever kung diko lang 'to pinsan baka matagal ko ng napasakan ng basura sa bunganga 'to. Di na naubusan ng sasabihin
"Kumusta pala siya?"
"Wala akong balita Actually, hindi pa talaga ako kumukuha ng balita kasi alam mo na. Baka magalit ka hihi"
"Yak pinsan! Tigilan mo yang tawa na ganyan. Kasuka. Tss" nakapikit ako pero sigurado. Nakasimangot na siya. Bwiset lang.
"Ikaw talaga! Sarap mong ipalapa sa pating! Ipalunon sa ahas! Ipanguya sa buwaya! Ipabugbog sa gangsters! Itapon sa dagat! Ilaglag sa building! Takpan ng unan hanggang sa mawalan na ng hininga! Ipaipit sa truck! Ipagh--"
"Tama na! Karindi 'to" reklamo ko
"Aba! Lugi ka pa ee diwata na ang kumakausap sa'yo. Arte mo! Di wag mo!"
"Aba naman. Diwata?! Kumain ka ba bago ka umalis sa inyo ha kelly?" Seryosong sabi ko na ikinamulat ng mata ko.
"Hindi pa nga e. Tara libre mo ako!" Tumayo si kelly at hinila rin ako patayo. Nakanaman. Tss.
"Kelly naman"
"Tutal nakaligo ka na at dalhin mo wallet mo. Dali na dwayne! Pambawi lang. Pleeeease!" Ampanget talaga netong pinsan ko. Kinuha ko yung wallet ko at naglakad na palabas kasama ni kelly at pumunta ng mall.
---
"Grabe pinsan, amazing! libre mo pa ko ng isa pa. dali na" Balak talaga niya na ubusin ang pera ko. Kanina pa pabili ng pabili ng kung ano ano. At nakaka-limang balik na kami sa isang ice cream stand.
"Oo na" naglakad kami pabalik sa ice cream stand.
"Ay Cute ng couple oh" sabi nung dalawang babae at mukhang samin nakatingin. Tae. Yaks.
"Hoy pakyu! Mga mukhang palaka! Magpinsan kami! Ilugar nyo din ang pagiging chismosa nyo! Ipasok ko kayo sa basurahan e!" Sobrang galit ni pinsan. Baliw talaga. Napatawa tuloy ako.
"S-sorry miss" halos mailuwa ko yung mga ice cream na nakain ko katatawa sa payat na to e.
"Hayaan mo na nga sila pinsan. Kakadiri yung idea nila na yun" sabi ko tas balik sa ice cream stand.
"Alam mo ba dwayne? Biglang nagtarayuan balahibo ko! Dahil sa inis at pandidiri" sabay hagalpak niya ng tawa.
"Lugi ka pa! E ang daming nagkakandarapa sa mukha na 'to!" Sanay na kami ni pinsan sa ganyan kasi nga lagi kaming magkasama. Halos magkapalit na nga kami ng mukha kaya lagi napapaaway si kelly ang abnormal ng pinsan ko na yan. Sana si jack na lang ang kasama ko ngayon.
"Ang dami ngang nagkakandarapa pero yung tanging gusto mo! Hindi naman" sabi niya
"Alam mo kelly. Ikaw na lang magbayad ng ice cream mo ha! Nililibre na kita. Nir-realtalk mo pa ko! Sipain kita e" ganyan kami talaga magasaran. Personalan
Tss. Namiss ko siya bigla.
Ang sakit parin. Sobra.
BINABASA MO ANG
Want You Back (JulNiel)
RomanceNakipag hiwalay si Jackey Sophia sa kanyang boyfriend na si Dwayne daryll, through the years maraming nagbago. Patuloy bang kakapit si Dwayne? O hahayaan na lang na dalhin sya ng kapalaran sa kanilang dapat karoonan.