Chapter Forty Four - Sorry

110 4 2
                                    

Sorry

Kumain muna ako. Nakakagutom kaya.

Pag tapos maglalakad lakad muna. Tumingala ako para damhin ang hangin. Sa pagmulat ko ng mata ay inikot ko ang paningin ko sa lugar at nakita na, May rooftop sila dito?

Pumasok ako ng resort at pumunta a elevator, pinindot ko ang pinaka mataas na numero ng palapag dito. Nang nasa dulo na ako ay agad kong hinanap ang hagdan nila paakyat. Kahit saglit lang, i need to unwind. Kahit sandali, Kahit konti. Just a relaxation kahit mga Five minutes lang.

Buti na nga lang kinakaya ko lahat ng stress sa buhay ko. Hindi pa ako nababaliw at wala pa ako sa hukay.

Swerte ko pa din. I wonder what Jackie's talkin' about.

Pagkarating ko sa Rooftop. Nakarinig ako ng Hikbi. Nilingon ko yung tao sa likod ko.

May babaeng nakaupo sa isa sa mga upuan.

Isang babaeng pamilyar na pamilyar na sa'kin.

Why is she Crying?

"Jack?" agad syang lumingon

Nasaktan at nanlumo ako sa nakikita ko. Bakit? Anong dahilan ng pag iyak mo? Sabihin nya lang na si elson at hindi ako magdadalawang isip na bawiin ka sa gagong yun! Wala akong pake kung anong mangyari. I'll get you back.

"D-dwayne? What are you doing here?" napatayo sya at nagpunas ng mga tumutulong luha sa pisngi nya na nagmumula sa magaganda nyan mata. Nginitian ko lang sya bilang sagot.

"What happened?"

"W-wala" i don't believe you

"Tell me, you can tell me anything. I'm here to listen. As a.. Friend" Napaangat sya sa'kin ng tingin kaya ngumiti ako at umupo sa upuan katabi ng kanya kaya umupo rin sya.

"Wala nga. I'm fine, dwayne. Are you here to have a vacation again. With Jackie? Okay na kayo?" napangiti ulit ako. Ngumiti rin sya. Mapait ang pagkakasabi nya nun pero hindi ko alam kung sa'kin lang ba yun.

"I guess, i'm right" sabi nya.

"Your.." napatikhim ako dahil sagwang sagwa ako pakinggan lalo na kung galing mismo sa'kin "..husband, didn't sign all the contract. So i had to drive all the way from the city just to make everything done"

"Done" napatango sya.

"Why?"

"Nothing. Uhm dwayne. Isn't it awkward for you to. you know, open up the topic, ugh. Nevermind" basag pa rin ang boses nya. Dala na rin siguro ng pagiyak nya kanina.

"Kahit ano Jack, i'll listen. What was it?"

"Okay na ba kayo ni Jackie?"

"Tutal jack, nandito na rin tayo. Pwede ko bang malaman yung nangyari noon? And why did you end up marrying someone else?" pagiiba ko. sumandal sya at tinakpan ng isa nyang kamay ang itaas na bahagi ng mukha nya at tanging mga labi nya nakikita ko.

"Hindi ko na kaya 'to" sabi nya na ikana kunot ng noo ko.

"Ayaw mo na ba sakanya?" humikbi na naman sya.

"Bakit hindi mo pa iwan kung ganun?!" galit kong atas. I know. Marriage is sacred. It's a vow of two people merging as one. But if you're not happy anymore. Can it still be one? Or you're the only one who's trying to make things up so the marriage will still work.

"Ano bang sinasabi mo?!" ngayon at tinanggal nya na ang kamay nya sa mukha. Hindi ko alam kung galit ba sya o ano.

"Kung hindi mo ako iniwan noon.." hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Nakita ko ang galit sa mga mata nya ng lumapat yun sa'kin.

"Anong gusto mong gawin ko ha? May choice ba ako? Wala!"

"We all have a choice" i can sense the finality on my voice.

"I know we do pero kahit gusto natin piliin yung mga choice na yun dwayne, hindi pwede! Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo?! Wala kang alam kaya pwede ba? Umalis ka na lang dito!" nagulat ako sa sinabi nya. Bakit nya ako pinapaalis?

"Who are you to command me, jack? Where's your right of pushing me once again?! Ang sakit naman jack! Paano ko maiintindihan kung hindi nyo magawang ipaintindi sa'kin lahat ng mga bagay bagay?! Parang hindi na kita kilala. Parang hindi na ikaw yung minahal ko" at minamahal ko. Pero bakit parang kahit nasasaktan ako sa nangyayari. Ayokong umalis dito? Ayokong umalis sa'yo?

"Our today is different from who we are before. Alam mo yan dwayne! People changed as the time goes by. Hindi lahat nanatili sa isang lugar. Lahat tayo kailangang umusad. Hindi lang tayo ang nahihirapan sa mundo, kagaya natin.." isang hikbi ang pinakawalan nya "..hindi tayo nanatili sa mga lugar na'tin. Umusad ako at naiwan kita, sabay dapat tayo pero binitawan kita at hinayaan magisa sa lugar at mga bagay na natahak na natin ng sabay, Nauna akong umalis at ikaw.." tinignan kong maigi ang reaksyon nya. paos na boses nya na ang naririnig ko. Maaring kakapigil nya sa bawat hikbi "..hinayaan kitang masaktan pero nakausad ka pa din naman diba? Mas pinili mong umusad sa mas nakabubuti, pinili mo sya. Hindi lang tayo ang tao rito para umasta tayo na tayo lang ang may karapatan sa lahat! Nahirapan ako! Pero pinaalam ko ba sa'yo? Kailangan pa ba kitang idamay sa paghihirap ko? Kaya nga ako bumitaw! Pero ngayon? sinusumbatan mo ako dahil ginawa ko ang dapat kesa sa gusto ko? Akala mo hindi ko nahahalata kapag naguusap tayo? Bastusan ka rin e. Nakakagago oh sige i changed because the old heart of Jackey that you used to love was already dead pero kahit sabihin ko yun sa'yo wala ng mababago e. Eto tayo. Ito ako at ayan ka! Magkaiba na ang landas natin"

"What do you mean? Huh? Ako pa ba ang may kasalanan dahil sa pagsusumbat ko. Kaya nga e, hindi lang tayo ang tao sa mundo pero parte pa rin tayo ng mundo kaya Nasaktan ako, jack! At nasasaktan pa din ako!"

"Ikaw lang ba ang may karapatang masaktan?! Ikaw lang ba ang nasasaktan? Sarili mo lang ang iniisip mo! Gago!" tumayo at akmang aalis pero agad kong hinawakan yung kamay nya.

"Aalis ka na naman? Iiwan mo na naman ako?" naramdaman ko na lang na may basa sa mukha ko.

"Ayokong umalis pero dapat dwayne, kailangan"

"Kailangan? Bakit? Wag na please" tumayo ako at niyakap sya. Humikbi sya at niyakap ako pabalik. Hinigpitan ko yun. Bago ko lang napagtanto. Ayoko ng closure. Ayoko mawala sya. Ayoko. Kukunin ko ulit sya. Hindi ako papayag. Hindi.

"Sorry dwayne. Sorry. Sorry" kumalas sya sa pag yakap ko sakanya. Kaya tinignan ko sya sa mga mata.

"Sorry din"

Lumunok muna ako bago ko itinagilid ng kaunti ang ulo ko bago inilapit ang mukha ko sakanya. Pumikit ako bago ko pa maramdaman na dumampi ang labi ko sa malambot nyang labi.

-----
Ang heavy nun! Susme. Hahahaha.

Want You Back (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon