Chapter V

703 43 16
                                    

AC's POV

Wooo! It's Monday again! Bilis ba ng araw? Hehe. Ganyan talaga. Well on the way na ko papunta sa school namin. Saan pa ba? Hehe.

(Ikaw AC ah! Nagiging pilosopo ka.)

Hehe. Peace Author!

So yun nga, pagdating ko sa school ay nakita ko agad si Kyla.

"Kyla!"

Lumingon naman sya sakin at ngumiti.

"Oh! AC! Wala ka pang klase?"

"Wala pa. Ikaw?"

Nagtataka ba kayo kung bakit di kami magkapareha ng schedule? Simple lang, di kasi kami magkaklase. Hahaha.

"Si Lucky?" Tanong ni Kyla

"Nasa bahay pa nila. Haha. Di ko na sinabay. Bagal eh!"

"Dapat lang na di mo sinabay."

"Huh? May sinasabi ka ba?"

Para kasing may narinig ako na sinabi nya.

"Ah wala. Sabi ko una na ko sayo."

"Ah si--" Luh? Anong problema nun?

Bigla na lang nagtatakbo. Tss. Yaan mo nga siya. Basta ako good vibes ngayon! Know why?

Nagdate kasi kami ni Lucky! Whahaha. Yup I called it date kahit para sa kanya, simpleng peace offering lang yun.

"AC!"

Napalingon naman ako sa lalakeng tumawag sa napakaganda kong pangalan. Hahaha. There, I saw Travis running towards me.

"Yow! Wazzup?"

"Where's Lucky?"

"Nasa bahay pa nila. Bakit?"

"Wala lang. Hehe. Pakisabi sa kanya, pinapatawag sya ni Sir Mark sa studio."

"Huh? Sya lang?" Nagtaka ako na si Lucky lang ang pinapatawag. Kasi pag pinapatawag si Lucky o ako, laging kasama ang isa.

"Oo eh."

Napatango na lang ako at iniwan na sya dun.

Natapos ang klase namin ngayong araw ng wala akong naiintindihan.

*kring*kring

Lucky Calling

Anong kailangan neto? Sinagot ko na ang tawag.

"Hello?"

"AC! San ka?"

"Huh? Ah nandito sa school. Bakit?"

"Wala, puntahan kita jan ha!"

"O sige. Nga pala pinapatawag ka ni Sir Mark sa studio nagpunta ka na ba?"

Biglang tumahimik sa kabilang linya.

"Lucky?"

"Ah oo nagpunta na ko."

"Oh? Ano sabi sayo?"

"Wala. Punta na ko jan. Mamaya na tayo mag-usap."

"Sige. Bye."

Binaba ko na ang call. Umupo ako sa isang bench dito sa rooftop. Tinext ko na din si Lucky na dito pumunta.

Ilang minuto lang ay dumating na si Lucky.

"AC." Tugon nya at umupo sa tabi ko.

"Oh? Ano nga pala sasabihin mo?"

"Ill bid a goodbye."

Nobody to SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon