Lucky's POV
"She's in coma."
"She's in coma."
"She's in coma."
Paulit-ulit sa isipan ko ang mga katagang yan.
Mababaliw na yata ako. AC naman kasi eh, bakit mo tinago sa aming lahat 'to?
Isang buwan na matapos nyang ma-coma. At nung araw ding yun, napatawad nila akong lahat. Mabait sila lalo na si Tito at Tita dahil ni minsan daw ay di sila nagalit sa akin.
Nagpupunta sila Mom & Dad sa Hospital pero ako nandito lang sa kwarto ko. Nahihiya ako kay AC, ako ang dahilan kung bakit sya nakaratay ngayon sa kama.
Ako ang dahilan kung bakit sya na-coma. Isang buwan na din mula ng umalis ako sa Fresh Groove Productions. Nawalan ako ng ganang sumayaw.
"Lucky! Bumaba ka na dyan sleepy head!" Dinig kong sigaw ni Travis mula sa baba.
Isang buwan na din halos mula ng magsimula silang bulabugin ako. Araw araw silang nandito at kinukumbinse ako na pumunta kay AC. Pero di ko talaga kaya na makita syang nakahiga at mahimbing na nakapikit ang mga mata.
"Luckyyyyy! Papasok na kami!" Sigaw ni Junelle.
Wala si Kyla at Nathan dahil napagpasyahan nila na umalis muna. Nasa Pilipinas sila ngayon kasama ang mga magulang nila.
Tumayo ako para i-lock ang pinto para di sila makapasok pero nakalimutan kong may susi sila.
Kaya heto sila ngayon. Isa-isang pumapasok sa kwarto ko.
Si Travis, Junelle, Jez, Marlon, Ben at si Charlize.
"What's your problem guys? Leave me alone." Cold kong sambit.
"Lucky, don't be so cold. Ayaw ni AC ng ganyan." Jez.
Sumang-ayon naman ang iba.
"Whatever, ano ba kasing ginagawa nyo dito?" Sagot ko.
"Ano pa ba? Eh di aayain ka ulit na pumunta sa Hospital!" Marlon.
"I can't. Di ko pa talaga kaya."
"Ayaw mo ba na paggising ni AC, ikaw ang una nyang makita?"
"Tss. Sabihan nyo na lang ako kapag gumising na sya. Alis na kayo."
"Tumayo ka na dyan." Junelle.
"No" Matigas kong sabi.
"Okay then, di na din kami pupunta." Ben
"What? Hahayaan nyo si AC na mag-isa dun?" Tanong ko.
"Ayaw mo sumama eh, tsaka malamang nagsasawa na si AC sa presensya namin." Sagot ni Charlize.
"Tss." Ang tangi kong nasagot.
"Nga pala Lucky, ooperahan next week si AC. May nahanap na sila Tita na donor." Biglang sabi ni Marlon.
"Ooperahan? Diba masama yun? Comatose sya tapos ooperahan nila?"
"Di naman daw masama sabi ng Doktor. Wala namang kaso yun. Ang may kaso ay kung lalaban ba si AC." Malungkot na sambit ni Travis.
"Lalaban sya. Di sya pwedeng di lumaban." Sagot ko.
"Yes. Alam naming lalaban sya. Palaban kaya yun. Haha. Pero mas pipilitin nyang lumaban pag nandun ka." Jez.
"Pupunta ako. Sa araw ng operasyon nya. But for now, leave me alone muna guys. I just want to be alone right now."
Nagsimula na silang umalis pero ilang minuto lang ay bumalik si Travis.

BINABASA MO ANG
Nobody to Somebody
Fiksi PenggemarHiii! It's a reyondree category! What is ReyonDree? Well only a true lacers know. By the way please do support. Thanks guys! Don't forget to vote & leave a comment for your feedback. :* Warning: There are some bad words in this story. Fan fiction la...