Chapter 25

347 16 3
                                    

Lucky's POV

Kinagabihan, di ko mapigilang mapangiti ng maalala ang sinabi ni AC sa akin.

Flashback

"Lucky?"

"Hmm?"

Nandito kami ngayon sa studio. Nakaupo lang kami dito habang pinapanood magpraktis ang iba naming kasamahan.

"Can you promise not to leave me?"Sabi nya

"Of course! Kahit di mo yan tanungin. Hinding hindi kita iiwan." Sabi ko at hinawakan ang kamay nya.

"Make a promise." Parang batang sabi nya.

"I'll promise not to leave your side, as long as you're willing to stay by me." Sabi ko naman.

"I'm willing. I'm always willing" Sabi nya na ikinangiti ko ng malapad.

End of flashback

Nakakakilig talaga yun hindi ba? Minsan lang kami magkaroon ni Ac ng ganung usapan.

Kaya hindi ko maiwasang kiligin kapag nagsasalita sya ng mga salitang nakakapagpakabog sa dibdib ko. Sounds gay? I don't care.

Nagmamahal lang. Hehe

*kring.kring*

Natigilan ako sandali ng marinig ang cellphone ko na nagriring.

Sinong tatawag sa akin ng ganitong oras?! It's already 10:00 in the evening.

Hindi si AC ang caller, alam ko kasi wala pang alas9 ay tulog na yun. She's sleepy head.

Napakunot lalo ang noo ko ng makitang unknown ang caller.

Who the hell would call me in the middle of the night?

Sinagot ko na lang ang tawag dahil mukhang hindi titigil ito.

"Hello?" Panimula ko.

Pero walang boses akong natanggap.

"Hello?" Pag-uulit ko.

Pero bigla na lang namatay yung tawag. Weird. Tsk.

Hindi ko na lang pinansin iyon at nag-umpisa ng maglinis ng katawan.

Patulog na sana ako ng magring na naman ang cellphone ko. Pero this time, isa na lang missed call galing pa rin sa number kanina at isang text message na nagpagising sa sistema ko.

From: 09****

If you want so saw your girlfriend alive, go here at **** alone. Or else, she's dead.

At may isang multimedia na picture nga ni AC na bugbog sarado! Shet!

I tried to contact her but shit! She's out of reach.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis na kinuha ang kotse ni Dad. Di ako pinapayagan ni Dad magmaneho because I'm under age pero hell! Hindi ko pwedeng pabayaan si AC!

Marunong naman ako magmaneho ng kotse. Binilisan ko ang pagmamaneho dahil alam kong bawat oras na dumadaan, mas kinakabahan ako.

Paliko na ako sa highway with the speed of 120 km/hr ng tumunog na naman ang cellphone ko.

Di na ko nag-abala pang tingnan ang caller at agad na sinagot ito.

"Hello?!" Sabi ko.

"Lucky? Nasaan ka? Are you okay?" Natigilan ako ng marinig ang boses nya. Am I being tricked?!

Tiningnan ko ang pangalan ng number na tumawag sa akin at di nga ako nagkamali,

AC called me! Shit! I was trapped! Buti na lang hindi pa ko nakakarating sa destinasyon ko.

Nobody to SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon