Chapter XIV

470 21 4
                                    

AC's POV

Nakahiga ako ngayon dito sa hospital bed at nakatitig sa kisame.

Tapos na akong icheck ng doktor at guess what guys? Stable na ang lagay ko, but still, may butas pa din ang puso ko.

Pwede na akong operahan any moment of this week. Kaya lang parang ayoko. Kasi iniisip ko kung sino man yung magdodonate sa akin ng puso.

Iniisip ko baka di naman talaga sya mamamatay pa diba? Hayy. Why life is so unfair?

Di pa dumadalaw sila Kyla at Nathan dito pero nasabi na sakin ni Lucky that they're here & malala na ang sakit ni Kyla.

I feel pity for Lucky dahil alam ko kahit papano, naging malapit sya kay Kyla. I wanna say to Kyla that it's not over yet. That her life is still worth fighting for. Pero paano ko sya makakausap kung ayaw nya magparamdam sa akin?

Napabuntong hininga ako ng malalim na ikinatingin sa akin ni Junelle at Jez which are mga bantay ko ngayon.

"So stressed?" -Jez.

"I'm just thinking 'bout Kyla." Sagot ko.

"Kyla is a good friend of ours. Pero kung ayaw nya pa magpakita sayo, hayaan mo muna."-Junelle.

"Yeah. And for sure, one of these days,magpapakita din sya sayo." -Jez.

"Sana nga." -Sagot ko at tumingin na sa labas ng bintana.

Kyla's POV

It's been a month & yet, di pa din ako namamatay. Ay ewan ko ba. Tss. Naguguluhan na nga ako. Tuloy, isang buwan na ding di makahanap ng donor sila Tita para kay AC.

They knew. They already knew about my condition. At alam na din nila na ako ang mag dodonate kay AC kung sakaling mamatay na ako.

AC is very thankful as much as Lucky. Actually they are all thanking me already kahit di ko pa nagagawa ang parte ko sa mundo. Yun naman ang role ko dito. Ang kunwaring maging kontrabida kay AC at Lucky but at the end tulungan si AC na magpatuloy sa buhay na gusto nya.

Pero ewan ko ba naman, at hanggang ngayon ay buhay pa ako.

"Don't think too much. Doktor na ang magsasabi kung ano ang kalagayan mo." -Nathan said

At sa loob ng isang buwan, parati syang nandyan para sakin. Nakaalalay.

"Nathan is right. Don't stress yourself beautiful." -Josh.

Isa pa sya. Matapos nyang malaman ang kalagayan ko, lagi nya na akong sinasamahan. He even courted me. But I already said that I won't make it to say yes to him because of my condition. But still, he managed to wait.

"Thanks for the concern." -Sambit ko at ngumiti.

Nathan's POV

Napabuntong hininga ako. I'm so happy na hanggang ngayon ay buhay pa si Kyla. Pero di din maiwasang malungkot para sa kanya.

Para syang pinaglalaruan ng tadhana. Di nya tuloy maipakita ang totoo nyang nararamdama. I knew that she moved on already for Lucky. And she is deeply falling inlove with this guy beside me.

"Don't dream about me bro. Di tayo talo. Haha" -Wika ni Josh at tumawa pa.

"Asa pa." -Tugon ko at tumayo na.

"Bro! San punta?" Dinig ko pang sigaw nya pero di ko na sya pinansin at dumiretso sa 4th floor.

Dadalawin ko si AC. Yes, you read it right, nasa iisang hospital lang si Ky at AC. But they don't know.

Room 105

Bago ako pumasok ay nakailang buntong-hininga muna ako. Nagdadalawang isip kasi ako kung papasok ba ako o hindi. Psh.

"Pasok ka." Tugon ng boses sa likuran ko na ikinagulat ko naman.

Nilingon ko ang may-ari ng boses at di nga ako nagkamali.

"Lucky."

"Bro." Sambit nya sabay beso. Yung manly natural! -_-

"Is AC's okay now?" Tanong ko muna sa kanya. Kasi baka mamaya, di pa pala sya okay.

"Yeah. And don't worry, stable sya ngayon."

Tumango ako at sabay na kaming pumasok sa loob.

Ngunit wala kaming dinatnan na AC sa loob. Where is she?

"AC?! AC!" Sigaw ni Lucky.

Malaki ang room ni AC pero kung may tao o wala, makikita mo agad.

Nagpunta pa si Lucky sa cr pero wala talaga. No signs of AC.

Lumakad ako palapit sa hospital bed. At di nga ako nagkamali, there's a letter on it. Binasa ito ni Lucky. Nakibasa ako syempre.

Lucky,
Hi! I'm so happy kasi okay na ulit tayo. Okay na ulit kami nila Jez. Si Kyla at Nathan, sure ko okay na rin kami! Hehe. Ahm, lucky, sorry for everything. Sorry for making you feel worried. Sorry for being such a pain in the ass. I didn't want to. Di ko naman ginusto na magkasakit. Peste lang kasi kailangan pang may mamatay para mabuhay ako. Nakausap ko ang doktor ni Kyla, and guess what? She's healed. 100% healed. Marahil di nyo pa alam, hihi sorry na. Pero baka ipaalam na rin sa inyo mamaya. Ako? I'm dying, stable ako pero nararamdaman ko na any moment, mawawala na ko. Only miracle can save me. Kung ooperahan man ako, I guess, di sya magiging succesful. Kaya mas minabuti ko munang lumayo ulit. Sorry Lucky and the rest. Sorry to all of you and thank you for everything. Alam ko naguguluhan ka, kasi kung kelan okay na ulit tayo tsaka pa ko nag inarte, sorry ulit hihi, di ko kasi kayang maging masaya hangga't alam kong aalis din ako sa huli. Lalaban pa rin ako Lucky, pero siguro kailangan ko munang lumaban mag-isa. See you when I see you Lucky! My number one fan/best friend/best partner in crime! Continue chasing your dreams! I'll always be here. :) Ciao!
-AC^^

Lucky's POV

Habang binabasa ko ang sulat ni AC di ko mapigilang umiyak. Bakit? Bakit AC? Kaya ko namang harapin ang lahat. Di ako mahina kung yun ang inaakala mo.

Hangga't magkasama tayo, kaya natin! AC naman eh, I know this is gay, pero anong magagawa ko? Iniwan ako ng mahal ko sa pangalawang pagkakataon.

Ang masaklap pa, hindi third party ang dahilan.

I'm so fucked up. Napaupo ako sa kama, at umiyak ng umiyak.

Si Nathan, di rin makapaniwala.

Di kita maintindihan AC! Nagagalit ako sa'yo dahil sinosolo mo na naman ang problema mo, pero mas nagagalit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa.

------

Waaaa! Sorry for very late update hehe.

Vote. Comment. Share!

Nobody to SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon