Travis' POV
Kasalukuyan kaming nasa labas ng ICU kung saan nandoon si AC.
Nandito ang Fresh Groover maliban kay Kyla at Lucky.
Alam na nilang lahat ewan ko lang kay Lucky. At ng malaman nila, labis labis ang pagsisisi nila lalo na si Junelle, Jez at Nathan.
Si Kyla matagal nya nang alam pero wala syang balak sabihin kaya nagalit si Nathan sa kanya.
Sinabihan ko na sila na wag nang ungkatin ang tungkol dito kay Lucky. Kung nasabi man sa kanya ni AC at di sya naniwala, it's his loss.
"Now tell us the whole story Travis." Sir Mark
"Kailan mo pa nalaman ang lahat ng 'to?" Dugtong pa nya.
Tiningnan ko silang lahat na nandito. Nasa lobby na kami malapit sa ICU. Sila Tito at Tita nakatayo pa din sa tapat ng ICU room.
Bumuntong hininga muna ako ng madaming beses bago ko sagutin ang tanong ni Sir Mark.
"Three months ago."
"What?!" Gulat na tanong ni Sir Cezar.
"You heard it right Sir. It's been three months mula ng malaman ko ang sakit nya pero limang buwan na syang may butas sa puso."
"Dalawang buwan nyang kinalaban mag-isa ang sakit nya?"
Tumango ako at lahat sila nakaramdam ng guilt. Nakikita ko yun sa mga mata nila.
"I feel guilty." Junelle.
"Me too. How I wish, inalam ko muna ang side nya." Jez.
Napangiti ako kahit papano dahil alam kong nagsisisi na sila sa lahat ng ginawa nila kay AC.
"T-travis bro, sorry." Nathan
"..sorry for accusing you that you & AC are together." Pagpapatuloy nya.
"I understand you bro. Kahit sino naman siguro na makitang magkasama kami lagi ay pagkakamalan na kami."
"Sorry din Travis." Jez & Junelle said in unison.
Tinanguan ko lang sila.
"Group hug guys! Para kay AC." Sigaw ni Sir Mark.
*tiiiiiiiiiiiiiiiittttttttttttttttttttttt*
Napatayo kaming lahat dahil sa tunog na yun at dali daling dinaluhan sila Tito at Tita na umiiyak.
Lucky's POV
Nandito kami ngayon ni Kyla sa park. Ang ibang fg nasa hospital kung nasaan si AC.
Tss. Ang oa nilang lahat. Gagaling din naman yun.
"Lucky, what if AC is really dying?"
Eto na naman. Napunta na naman kami sa topic na yun.
"Tss. AC is not dying." Maikli kong sagot.
"Lucky, alam ko na alam mong nagsasabi si AC ng totoo. She have a weak heart at kailangan ka nya ngayon." Napatingin ako kay Kyla.
"You also need me here."
"No, I'm already recovered. At si AC ang may kailangan sa'yo ngayon at alam ko kailangan mo din si AC."
".. Im letting you go Lucky." Napatingin ako kay Kyla ng sabihin nya ang mga katagang yun.
"B-but you still love me?" Tanong ko.
"Yes. I still love you and I won't stop loving you. Siguro dadating din yung time na makakahanap ako ng lalaki na magmamahal sa akin."
"I love you Kyla." Sagot ko.
"I already know that, stupid. You love me as a friend." Umiiyak nyang sagot.
"Sabi mo you are letting me go. Eh paano kita iiwan dito kung umiiyak ka?" Pagbibiro ko.
"Syempre, natural na sa akin ang umiyak. Tsaka sino nagsabi sayo na iiwan mo ko dito? Sasama ko sa'yo sa hospital! Kaya tara na!"
Hinila nya na ako at sumakay na kami sa taxi.
Habang nasa byahe, iniisip ko kung paano ako mapapatawad ni AC.
Kung ano ang sasabihin ko sa kanya pag nagkita kami.
"Huy. Wag ka masyadong mag-isip. Mapapatawad ka ni AC kahit anong mangyari." Pukaw ni Kyla sa atensyon ko.
"..kahit naman may pagkabitch sya sometimes, mabait yun." Pagpapatuloy nya.
Yes. Mabait nga si AC, sobrang bait. At sa sobrang bait nya, mas ginusto nyang saktan ang sarili nya kaysa malaman ko ang totoo at mag-alala sa kanya.
Ngayon nalilinawan na ako. Kung bakit sya naging ganun sa akin three months ago. Siguro heto yung matinding dahilan na sinasabi ni Daddy kung bakit sinabi ni AC na di nya na ko mahal.
AC was being a selfish again. To the point na sinasarili nya ang problema nya.
Pagdating sa Hospital ay agad kaming bumaba ni Kyla at tinanong sa Nurse kung may in-admit doon na Andree Camille Bonifacio.
"Meron po. Nasa ICU."
ICU? Sh*t. Ganun na sya kalala yet nagawa nya pang makipagmalditahan kila Kyla?
Iba ka talaga AC. You are one of a kind. Pero sana ayos lang sya.
"Lucky let's go." Aya sa akin ni Kyla.
Pagdating namin sa ICU ay nakita namin ang ibang fg at si Tito at Tita.
Nagdadalawang isip pa ko kung lalapit ako sa kanila.
Ang laki laki ng kasalanan ko sa kanilang lahat. Lalo na kila Tita at Tito pati na kay AC.
Nakinig muna kami ni Kyla sa kanila. And sh*t lang. 5 months na syang may sakit yet wala ako sa tabi nya? Sa two months na yun, kasama nya ako pero wala din akong kaalam alam.
Wala akong kwenta. At di ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari kay AC.
"Group hug Guys! Para kay AC." Sigaw ni Sir Mark.
Lalapit na sana kami ni Kyla ng biglang
*tiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiittttttttttttttttttttttt*
Kasabay nun ang pagtayo nilang lahat at paglapit kila Tito at Tita.
Nooo. AC. Wag mo kong iwan. AC please.
Nag-unahan ng bumagsak ang mga luha ko at ganun din sila.
Di pa din nila kami nakikita ni Kyla.
"Lord, please help our daughter." Iyak ni tita Cherry.
Napapikit ako habang inaalala ang nakaraan.
Yung oras na masaya pa kami ni AC.
"Lucky! Common! Hahaha."
"Wait for me AC."
At hinabol ko na sya. Nang maabutan ko sya ay kiniliti ko sya ng kiniliti.
"Hahahahahha. Lucky! Hahahaha. St-hahahahhaha stop it!"
Tawa lang kami ng tawa at humiga sa damuhan.
Ang sarap maging bata. Ang sarap ng walang inaalala kundi ang maglaro.
Pagdilat ng mga mata ko ay ang paglabas ng Doktor kasabay ng balitang ikinanlumo ko.
"She's in coma."
---
Oh my! Comatose si AC! Ano na mangyayari sa lovestory nila?
Vote & Comment Guysss.
Be a fan of Lucky Aces ❤
BINABASA MO ANG
Nobody to Somebody
FanfictionHiii! It's a reyondree category! What is ReyonDree? Well only a true lacers know. By the way please do support. Thanks guys! Don't forget to vote & leave a comment for your feedback. :* Warning: There are some bad words in this story. Fan fiction la...