Chapter 19

408 21 5
                                    

Lucky's POV

Yes yes yoow! Talaga nga naman! Feeling ko di talaga nagbago si AC!

"Saya natin ah!"

Napatingin ako kay Kyla.

"Syempre naman! Haha" Sagot ko.

Tumahimik naman sya kaya nilingon ko sya.

"Kyla, don't tell me may gusto ka pa rin sakin?"

Gulat naman syang tumingin sa akin.

"HAHAHAHAHAHA!"

Ako naman ang nagulat ng tumawa sya.

"Bakit?"

"Hahaha--kasi---hahahaha---yung---"

"Tumawa ka nga muna." Sabi ko

"Hahahahahaha. Okay, okay. Hahaha. Kasi naman eh, pinapatawa mo ko! Ako? May gusto pa sayo? Gwapong gwapo ka naman sa sarili mo dude! Hahaha!"

"Tsk. Edi wala na, bat kailangang sabihing GGSS ako?!"

"GGSS?!" Tanong nila. Nakikinig pala sila sa usapan namin.

"Gwapong gwapo sa sarili!" Sigaw ko.

"Ahhh." Sila.

"Pero teka nga Lucky, paanong napaamo mo ulit si AC?"

"Ewan ko din. But I guess, kahit sya, nagugulat sa mga inaakto nya."

"Kasi nga di nya naman tayo naaalala tapos ganyan sya satin." Sambit ni Jez.

"Tsk. Hayaan nyo na, mas okay yung ganito." Sabi naman ni Travis

"Sabi nga, nakakalimot ang isip pero ang puso? Malabo." Seryosong sabi ni Nathan kaya napatingin kami sa kanya.

Maya-maya lang...

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA!" Sabay sabay naming tawa.

"Yah! Anong tinatawa nyo?" Inis na sigaw ni Nate

"Ang drama mo kasi Baby! Hahaha" Sabi ni Jez.

Inirapan lang sya ni Nate kaya niyakap nya ito. Tsk. Tong lovers na to.

"Bukas, mag-eenroll daw si AC sa Arquiza University. Sabi ni Mommy, sumabay na daw tayo" Singit ni Junelle.

"So I guess, see you tomorrow na lang? Baka hinihintay na ako ni AC. Haha" Sabi ko.

Tumawa naman sila at nagpaalam na rin.

Pumasok na ako sa bahay nila AC pero hindi ko pa man naisasara ang pinto ay bigla ulit itong bumukas.

"AC? San ka---"

"ANAK! Please, listen to Mommy!" Sigaw ni Tita Cherry mula sa hagdan.

"Andree, calm down. Bumalik ka dito at wag na wag kang tatakbo sa labas!" Galit namang sigaw ni Tito Arnold.

What's happening?!

"Para ano Dad?! Para paniwalain nyo na naman ako sa kwento nyo?! Sa mga kwentong gawa-gawa nyo?!" Iyak ni AC sa tabi ko.

"Tita.Tito? Ako po muna kakausap kay AC." Sabi ko na dahil mukhang hindi talaga sila papakinggang ni AC ngayon.

"Mabuti pa nga Lucky, ikaw munang bahala dyan sa best friend mo" Sabi ni Tita at pumanhik sa taas. Sumunod naman si Tito.

"AC, tell me, what's happening?"

"I already know the truth Lucky. Alam ko na ang lahat sa nakaraan ko. And to tell you, I'm not going to listen to you like what I'm doing before" Sabi nya at lumabas.

Nobody to SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon