Chapter 20

389 23 3
                                    

Yoww haha. Sorry guys, mali pala. 10 Chapters to go pa bago ang epilogue. Enjoyyy! ~~
-

Brace's POV

Ang sakit. Malaman ko nga lang na nagpapaligaw sya sa iba ay masakit na. Malaman pa kaya na may boyfriend sya?

And guess what? Ngayon ko lang nalaman. Sa ibang tao pa.

"Hey" Bati sa akin ni Joaquin---isa sa mga kaibigan ko.

"Zup" Sabi naman ni Grae.

"Asan si Andree?" John asked.

"Bro. Di mo yata kasama yung amazonang babae ah?" Nash na kadadating lang kasama si Alexa.

"Kumakain yata."

"Oh? Sinong kasama? Di'ba, ikaw lang lagi kasama ni Andree?" Alexa.

"Yung mga transferees."

"Transferees? Yung galing sa Canada? Sa inyo pala sila napunta."

"Canada? Galing sila sa Canada?" Takang tanong ko.

"Ah. Yes? Yun ang usapan eh" Alexa sabay kuha ng pagkain na nasa mesa.

Kung galing nga sila sa Canada, maaaring sila yung sinasabi ni Andree na mga childhood friends nya na kinukwento sa kanya ni Tita Cherry.

Pero sino si Lucky sa kanila? Yung taong sinasabi ni Tito Arnold na bestfriend ni Andree at first love nya daw.

Wala naman kaninang nagpakilala ng Lucky ah? Tsk.

"Hoy" Napatingin ako kay Nash.

"Ano?" Inis kong sambit. Nakitang nagmomoment yung tao eh.

"Emo ka ah. Haha" Pang-aasar nya.

Di ko na lang sya pinansin at akmang aalis na ng pigilan na naman nya ako.

"Binasted ka ni Andree no?" Sabi nya.

Sinamaan ko lang sya ng tingin na kinatawa nya pati ng barkada.

"Di pa ko basted!" Sigaw ko.

"PA?! HAHAHA. So, expected ka na ngang babastedin ka nya? So sad. Haha" Alexa.

"Pare, alam mo kasi? Dapat nung una pa lang hindi ka na nagkagusto kay Andree" John.

"Alam mong may first love yung tao, tulad ng kinukwento sayo lagi nung Daddy nya tapos eepal ka pa?" Singit naman ni Grae.

"Di'ba sabi mo, nagka-amnesia daw si Andree kaya hindi nya maalala yung first love nya? Eh pano pag nakaalala na sya? Edi taob ka na?" Joaquin.

"Alam nyo, ang supportive nyong kaibigan. Grabe" Sabi ko at akmang tatayo na ng magsalita ulit si Nash the great.

"Pare, we're just being practical here. Bakit hindi mo na sukuan si Andree? Look, almost five months ka ng nanliligaw pero hindi ka pa sinasagot. Ni hindi nya sinasabi kung may pag-asa ka ba? Pano pa kaya pag, bumalik na ang ala-ala nya? Ang ala-ala nya na magtuturo sa first love nya? Common Brace, maraming babae sa mundo, don't stick to the girl who loves other person."

Tinitigan ko lang sya at umalis na.

Tama nga kaya sila, Andree? Dapat na nga ba kitang kalimutan?

Lucky's POV

Fck it. Nagpapaligaw sya sa iba samantalang noon, dumadaan muna sa akin lahat ng manliligaw nya.

Ako pa nga minsan nagrereject ng mga manliligaw nya eh. Pero ngayon, malalaman ko na lang na may manliligaw sya at espesyal pa sa kanya ang taong yun.

Nobody to SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon