Chapter 28

334 21 6
                                    

Julianne's POV

Tinawagan ako ni Dad na nasa hospital daw si Ate dito sa Canada.

Bago daw kasi bumalik sa Pilipinas, inatake sya ng asthma nya. Eh guilty ako kung sakali kasi baka napagod sya kakapilit sa akin na sumama sa na sa kanya.

Dali-dali akong pumunta sa nurse station at hinarap ang nurse.

Pero pagdating ko doon ay napakaraming tao, shit! Kailangan kong makita agad si Ate. Wala syang kasama dito, the hell!

Isip ka ng paraan, Julie! Bilis!

Tama!

"Nurse! Nurse!"

"Miss, fall in line please"

"But I need to see my patient, she's 50-50 right now! And I---"

"You're one of the relatives? Oh, I'm sorry Ma'am, the room number is 135, 2nd floor."

Agad akong tumakbo at hinanap ang 135. Ang genius mo talaga Julie!

Pagdating ko doon, may nakita akong babae. Sino to? Di ko na lang sya pinansin dahil baka naliligaw lang sya.

Bubuksan na sana nya ang pinto ng unahan ko sya.

"Ate?! Ate! Don't leave me please---"

"She's my girlfriend you're talking about? She's beautiful but a little bit weird." Nanlaki ang mata ko ng maling tao ang abutan ko sa kwartong ito. Yung Mr. Pa-cool! Tsaka ano daw?! Girlfriend?!

"What the hell?" Bulong ko dahil napansin kong ang sama ng tingin sa akin ng tatlong babae.

"What's your name, gf?" Tanong sa akin ng Mr. Pa-cool na'to.

"J-julianne" Di ko alam pero kusa na lang akong napasalita. Hello?! I was shocked!

"Excuse me Lucky, kakausapin ko lang yung so-called girlfriend mo" Singit nung isa sa mga babae na makatingin sa akin eh, kala mo papatayin ako.

Halata mo rin ang diin sa salita nya na napansin din siguro ng kaibigan nyang pa-cool.

"Okay, but don't harm my gf okay?" Mr. Pa-cool said. Gf, sarap sa tenga.

Hinila na ko nung babae at sumunod naman yung isa pang lalake. Ano to?! Isasalvage nila ko?!

Nakarating kami sa rooftop nung babae. Tapos yung chinito naman nag-iba ng way.

"Who the hell are you?!" Sigaw sakin nung babae.

Aba? Bat nya ko sinisigawan?

"Julianne is the name, and who the hell you think you are to shout on me?" Pagtataray ko pabalik.

"Narinig ko! What I mean is, sino ka ba at pumapasok ka na lang basta sa kwarto nung kaibigan ko?!"

Sasagot na sana ako ng mag-ring ang cellphone ko.

"Hello?" Walang gana kong sabi.

"Julianne? Where the hell are you? Ang sabi ni Papa, pupuntahan mo daw ako. Kanina pa ko nagugutom ha! Sinasabi ko sayo---"

"Ate? Buhay ka?! Oh my---"

"Peste ka Julie ha! May namamatay bang inatake ng asthma tapos naidala agad sa hospital?! Ang oa!"

Wait. Kung buhay si Ate at kausap ko sya ngayon, ibig sabihin---

"Hoy?! Ano na? Nasaan ka na ba?! Pumunta ka na dito sa Room 133, 2nd floor dahil kanina pa ko nagugu---"

Shooot! I'm so doomed! Nagkamali ako ng room na pinasukan! Pinatay ko agad ang tawag at hinarap ang babae. Kaya naman pala galit na galit sya.

"Look, I'm sorry okay? Ngayon lang nagsink-in sa akin na nagkamali ako ng room na pinasukan. Pasensya na talaga. Di ko sinasadya---"

"Sorry is not enough, pumunta ka ulit sa Room 135 at sabihin mo kay Lucky na hindi ikaw yung gf nya!"

Lucky? Oh. Si Mr. Pacool. Pati pangalan, pa-cool eh haha.

Pero ano daw?

"Why should I? Hayaan mo syang maniwala na gf nya ko, ayos nga yun eh.---"

"Anong ayos dun?!"

"Teka nga! Kanina ka pa galit na galit eh, may gusto ka ba dun?! O baka naman ikaw ang gf nya?" Panguusisa ko.

"The hell? Wala akong gusto kay Lucky at lalong di ako ang girlfri---"

"Oh hindi naman pala ikaw eh---"

"But his gf is my bestfriend kaya kung di mo tatantanan si Lucky, I'll do the plan B"

"Plan B? Oh whatever. Alis na ko, kailangan ko pang puntahan ang ate ko" Sabi ko dito at umalis na.

"Ate!" Sigaw ko agad pagpasok ko sa tamang kwarto nya.

"Damn. Can you shut up, Julianne?!" Sigaw nya pabalik.

Aba! Magaling na sya.

"Are you okay now?" Tanong ko.

"Yeah, thanks for the concern anyway. Nga pala, sasama ka na sa akin sa Pinas" Sabi nya.

"Whut?! Ate!"

"Sinabi na sa akin nung kaklase mo kamo na wala naman talaga kayong project, kaya sasama ka na sa akin para mapakilala ka na ni Dad sa future husband mo." What the hell!

Yeah, i know it's ironic pero uso pa ang fixed marriage at sad to say, ako ang napili ni Dad i-fixed marriage sa taong di ko mahal.

Si Ate daw kasi, may silbi naman at ako wala naman daw akong boyfriend kaya okay lang na ipakasal ako sa iba, well whatever I don't fcking need a boyfrie---GOTCHA!

"Ate! May boyfriend ako" Sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi.

Napakunot naman ang noo nya at biglang tumawa.

"Hahahaha! Ikaw? May boyfriend? Wag mo nga akong ginugood time, Julie. Sinong papatol sa tulad mong mas lalake pa sa kanila?" Pang-aasar nya.

Boyish ako, pero di ako tomboy! Bwisit talaga tong babaeng to.

"You don't believe me? Fine, ipapakilala kita sa kanya" Sabi ko at napangisi pa.

Magagamit ko pala si Mr. Pa-cool. Mapapanindigan ko naman ang pagiging gf nya kasi gwapo naman sya so there's no need to hesitate. Tsaka baka mag-work out. Haha.

On the second thought, bigla akong natigilan, may girlfriend nga pala sya.

Yung totoong girlfriend nya.

Kung sino man ang girlfriend nya, ngayon pa lang nagsosorry na ako sa gagawin ko.

Pasensya na, kailangan ko munang gamitin ang pagiging girlfriend nya. Isang buwan lang naman eh.

Pagtapos nun, di ko na sila guguluhin.

----------

Book2? Still thinking. Haha.

Nobody to SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon