Chapter 15

428 19 7
                                    

(A/N: Iniba ko po yung name ng chapters ha? Ginawa ko na pong numeric hehe. Hirap po pag Roman Numeral eh ^^)

Lucky's POV

"Lucky, kumain ka na kaya." Napatingin ako kay Kyla.

One year. Isang taon na ng umalis si AC at iwan kami. Di namin alam kung saan sya nagpunta.

Masakit? Sobra! At mas masakit dahil di ko man lang alam kung nasaan sya. Di ko man lang alam kung ano ng kalagayan nya ngayon.

Sila Tito at Tita, hindi ko rin alam. Wala na akong koneksyon sa kanila. Kahit sila Mom at Dad, pati na rin sila Coach walang balita.

Wala kahit isa sa amin ang may ideya kung nasaan na ba sila.

Bigla silang nawala.

"Arrrrggggh!" Hiyaw ko.

"Lucky!" Sigaw naman nila na tila nag-aalala.

Nandito sila ngayon sa bahay. My friends.

"Lucky, please, don't ruin your life. AC won't be happy." Mahinahong sambit ni Jez.

Naiiyak na naman ako. Pag nababanggit nila si AC, lalong di sya mawala sa isip ko.

Isang taon na kong ganito mula ng umalis sya. At konting konti na lang mababaliw na ako.

"Son." Napalingon kaming lahat kay Dad na kararating lang.

"Son please, Jez is right. Di magiging masaya si AC kung nasaan man sya pag nalaman nyang nagkakaganyan ka dahil sa kanya." Dad's right. Actually all of them are right.

Pero kahit anong gawin ko, di ko magawang ayusin ang buhay ko.

"Tomorrow, uuwi na tayo ng Pilipinas, and you will continue your study there."

Napalingon ako kay Dad. WTF?!

"Dad! Bakit? This is my home. This is where I born and raised! Di ako aalis dito ng dahil lang kung inaakala nyong maaalala ko si AC sa bawat sulok ng Fresh Groove!"

"Calm down son, FG Productions will build a base there at the Philippines. At di lang ikaw ang uuwi. Lahat kayo. Lahat tayo. Cezar, Mark and I will go back & forth here at Canada."

"Tsk"

"AC is also there!" Nakangiting sambit ni Kyla.

O_O

For real?!

Jez' POV

"AC is also there!" Nakangiting sambit ni Kyla.

O_O WTF?! Napatingin kaming lahat kay Kyla. Secret yun eh!

Yeah, alam namin na nasa Pinas si AC. Kaya nga kami nagpursige lahat na umuwi sa Pinas para kay Lucky. Para umayos na ulit sya.

But I didn't expect na madudulas si Kyla ngayon.

Alam ko excited sya, actually all of us are excited. Pero gusto talaga namin si Lucky na lang mismo ang makaalam na buhay at nandun si AC sa Pinas.

Paano namin nalaman? Tito Arnold called us a week ago.

Pero ang masaklap pa. AC got a mild amnesia.

Di nya kami naaalala lahat. Walang may alam kung kelan babalik ang ala-ala nya.

Habang pauwi raw sila Tito sa Pinas, nagcrash ang eroplanong sinasakyan nila. Luckily, kasama sila sa maswerteng 20 katao na nakaligtas. But AC got injured, nagkaroon sya ng majot head injury.

That time, di malaman nila tito ang gagawin kaya't tinawagan nila sila Coach dahil naging malapit naman na sila sa isa't-isa.

Sumugod sila Coach sa pinas noon, pero di nya sa amin pinaalam dahil hindi raw makakabuti na mag-alala pa kami ng sobra. Mga bata pa raw kasi kami. Psh.

Nung sinugod si AC sa hospital, binigyan sya ng first aid para sa puso nya at agad agad ginamot ang ulo nya. I imagined how AC suffered. Weak heart + Major head injury, I'll definitely die pero matapang si AC, lumaban sya. Lumaban sya ng mag-isa para sa amin, para sa parents nya, para kay Lucky.

8 months na-coma si AC. At neto lang rin sya gumising. Nagulat na lang daw sila Tita at Tito na hindi sila kilala ni AC.

"W-what?!" Nakangangang sambit ni Lucky.

Napangiti naman ng hilaw si Kyla at tumingin sa amin na parang nanghihingi ng tulong.

Si Kyla talaga, di mapipigilan ang bibig pag masyadong excited. Hays.

"Lucky, AC is alive. But she forget us." Nathan.

"H-how? I mean, she has a weak heart not a weak memory! Pinapatawa nyo ba ako?!" Sigaw ni Lucky.

"Naaksidente sila AC habang pauwi sa Pinas. Nagcrash ang eroplanong sinasakyan nila. AC got a major head injury, after gamutin ng ulo nya, na-coma sya. Habang naka-coma, nirecommend ng mga doktor na operahan na si AC sa puso. Delikado yun, pero sinabi ng mga doktor na mas magiging delikado dahil kung sakaling mag-agaw buhay si AC, hindi nila malalaman agad kung ano ang dahilan, kung dahil ba sa puso nya o dahil sa ulo nya. Pero di rin sinabi ng doktor na magiging succesful ang operation ni AC. Kaya naging napakabigat na desisyon ang ginawa nila Tito. Sinakripisyo nila ang lahat at ipinaubaya na lang ang lahat sa Diyos. And now, miracle happened. 3 months ago, AC awaken. Pero di nya tayo maalala, at kaya tayo pupunta sa Pinas ay para tulungan sya, para tulungan ka." Mahabang paliwanag ni Travis.

Sa aming lahat, alam kong isa si Travis sa pinaka nahirapan ng matanggap namin ang balitang na-coma si AC. But still, he managed to live, and I salite Travis for that.

Lucky's POV

AC is alive! She is alive and kicking! Halo-halo ang nararamdaman ko, galit dahil ngayon lang nila sinasabi sa akin to, lungkot dahil hindi kami naalala ni AC pero nangingibabaw ang saya dahil buhay sya at maayos na ang kondisyon.

Agad-agad akong tumayo na ikinagulat nila.

"Walang mangyayari kung magmumukmok tayo. *sigh* Honestly, gusto kong magalit sa inyo ngayon dahil nilihim nyo ang lahat ng to sa akin, lalo ka na Dad, you know how much I wanted to see AC, or kahit man lang magkaroon ng balita sa kanya. Pero naisip ko, ginawa nyo lang yun para wag ako lalo malungkot. And now is the time, kailangan tayo ngayon ni AC, at ngayon, sisiguraduhin kong babalik na ang lahat sa dati. Yung dating tayo na masaya, yung dating FG dancers na walang inaalala kundi ang nalalapit na kompetisyon." Nakangiti kong sambit.

Napangiti silang lahat at tumayo.

"Group Hug!" Sigaw ni Junelle.

Nagyakapan naman kami.

"Wait for us AC! Yuhooo!" Sigaw ni Travis.

Natawa ako, dahil alam kong miss na miss nya na rin si AC tulad ng pagkakamiss ko rito.

Hintayin mo kami AC, we will make you remember how much we loved you.

I will make you remember how much this handsome guy loved and cared for you. *wink*

-------

Oh? Buhay si AC guys, kaya kalma na! Hahaha. But? Same AC pa rin ba ang dadatnan nila sa Pinas?

Abangan!

Vote. Comment. Be a fan! :)

Nobody to SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon