AC's POV
Kinabukasan, sobrang bigat ng pakiramdam ko. Naalala ko na naman ang pangyayari kagabi.
Kung paano gumuho ang mundo ko.
"Anak?" Biglang pumasok si Mommy sa loob ng kwarto ko.
"Are you feeling better now?" Tanong nya at sinalat ang leeg ko.
Nilalagnat kasi ako ng dahil sa pagpapaulan ko kagabi. Masakit ang ulo ko pero walang wala ito sa sakit na nararamdaman ng puso ko.
"Mom, how's Lucky?" Tanong ko.
"I cooked your favorite adobo!" Sabi nya trying to ignore my question.
"Thanks Mom but I'm asking, how's Lucky?" Tanong ko ulit.
"Bababa na ako, sumunod ka na---"
"Mom, is there something wrong? M-may nangyari bang masama kay Lucky?" Kinakabahang tanong ko ng iwasan nya pa rin ang tanong ko.
Natigilan sya saglit at hinarap ako. Tiningnan nya ako ng nag-aalala.
"Mom?" Tanong ko.
"*sigh* Lucky is in coma at walang nakakaalam kung kailan sya gigising at kung gigising pa sya"
Lucky is in coma
Lucky is in coma
Lucky is in coma
Lucky is in coma
Lucky is in coma
Nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Mommy. Comatose si Lucky. May sinabi pa si Mommy pero wala na akong naintindihan kundi naiyak na naman ako.
Yinakap ako ni Mommy at inalo. I don't know. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Mom, am I that bad? Bakit ganun? Bakit ang sama sa akin ng tadhana? Bakit ang sama ng tadhana sa aming dalawa ni Lucky?" Sabi ko habang yakap nya ako at patuloy na pumapatak ang luha ko.
"Sana ako na lang yung tuluyang namatay---"
"Sssshhhh, don't say it baby. You're not bad. Kahit kelan hindi ka naging masamang tao. It's just, masyadong mahigpit ang kapit nyo ni Lucky sa isa't isa kaya patuloy kayong sinusubukan ng tadhana. Baby, just hold on. Magiging okay din ang lahat." Sabi nya sa akin at yinakap pa ako lalo.
***
Angelica's POV(Tita Angelica)
Tinawagan ko si Ate Cherry para ipaalam sa kanila na comatose si Lucky. Kailangan nilang malaman lalo na ni AC kung ano na bang lagay ni Lucky.
Sa aming lahat alam kong sya ang pinakanahihirapan sa nangyayari ngayon bukod sa amin ng daddy ni Roro.
Masyadong mapaglaro ang tadhana sa kanilang dalawa ni Lucky.
"Hello?" Napatingin ako kay Roro na may kausap sa cellphone.
"Yes chief? May balita na kayo?---Okay pupunta po ako dyan----Bye" Binaba nya ang tawag at humarap sa akin.
"Hon, I need to go, May balita na raw si chief sa insidenteng nangyari sa anak natin. Pupunta lang ako dun para alamin. Babalik ako, ikaw munang bahala kay Lucky ha? Bye" Sabi nya at hinalikan ako sa noo.
Roro's POV(Tito Roro)
I'm on my way papunta sa presinto kung saan iniimbestigahan ang insidenteng nangyari kay Lucky at sa truck driver na nakabungguan nya.
"Good Morning Sir." Bati sa akin ni Chief.
"Good Morning, anong balita?"
"Nahanap na namin ang truck driver na nakabanggaan ng anak nyo at nagsalita na sya"
Bigla akong kinabahan.
"Nasaan sya?" Tanong ko.
"Sumunod ho kayo sa akin"
"Sya. Sya ho ang truck driver na bumangga sa anak nyo." Turo nya sa isang lalake na nasa loob ng selda.
Di ko napigilan ang sarili ko at hinigit ko ang kwelyo nya.
"Damn! Alam mo bang comatose ang anak ko ng dahil sa ginawa mo?! Hindi ka marunong mag-ingat! At pag may nangyari sa anak ko, babalikan kita rito---"
"Sir pasensya na po, p-pero may nag-utos lang po sa akin. Hindi ko po intensyon na mangyari yun sa anak nyo. Pasensya---"
"May nag-utos sayo?! Sino?! Sabihin mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Sir, kumalma po kayo" Pigil sa akin ni Chief.
Hinila nya ako mula sa lalaki at pinigilan ng iba pang pulis tsaka ako dinala sa opisina nya.
"Sir. Heto ang cellphone ng anak nyo na makakasagot sa tanong nyo"
Kinuha ko ang cellphone na binibigay nya at ini-scan ito.
Sa phone log, may isang number doon na tumawag kay Lucky sa mismong gabi na naaksidente sya. At isang missed call mula din sa tumawag sa kanya.
Nagpunta ako sa messages at di nga ako nagkamali, nagtext din sa kanya ang number na tumawag sa kanya.
Pero laking gulat ko ng makita ko kung anong laman ng mensahe nito.
Pagbabanta tungkol kay AC at picture ni AC na bugbog sarado. Pero kung tititigan itong mabuti, edited ang picture.
Unti-unti kong naiintindihan ang nangyari. Lucky has been frame up. Inakala nyang totoong hawak ng sender si AC kaya hindi na sya nagpaligoy-ligoy pa at binalak puntahan ang address na tinext sa kanya.
Pero nakita ko din na tumawag sa kanya si AC limang minuto makalipas nyang makatanggap ng text. At sa saktong oras na namatay ang usapan nila ni AC ay ang oras na nabangga si Lucky.
Binalikan ko yung truck driver at hinigit ang kwelyo nya.
"Tell me, who fckin ordered you?!" Tanong ko ng madiin sa kanya.
"H-hindi ko sya kilala. B-basta binigyan nya lang ako ng pera at sinabi sa akin ang g-gagawin ko. Pakiusap Sir, pakawalan nyo na ako dito, kailangan ako ng pamilya ko---" Binitawan ko na sya at umalis na sa presinto.
Napahampas na lang ako sa manibela ng kotse.
"Fck!" Hiyaw ko. Hindi namin alam ang kalaban. Kung si Lucky ba talaga ang pakay nya o ako. Kung si AC ba talaga o si Lucky.
Pagbalik ko sa hospital ay nakita ko sila Angelica na nasa labas.
Agad agad akong lumapit sa kanya at nun ko lang nakita na halos lahat sila ay umiiyak.
"What's happening?!" Tanong ko.
"T-they're trying to revive Lucky. Lucky's condition is 50-50." Sabi nya habang umiiyak.
"*toooooooooootttttttt* Napaupo ako sa sahig ng marinig ang tunog na yun.
The sound between life and death. Damn.
-----------
Four chapters to go! Follow me on twitter: @lostfayerii kung gusto nyo pa ng book 2 😅😅😅
BINABASA MO ANG
Nobody to Somebody
FanficHiii! It's a reyondree category! What is ReyonDree? Well only a true lacers know. By the way please do support. Thanks guys! Don't forget to vote & leave a comment for your feedback. :* Warning: There are some bad words in this story. Fan fiction la...