Chapter 27

328 18 6
                                    

AC's POV

Nandito kami ngayon lahat sa hospital dahil tinawagan ni Tita Angelica si Mommy na dumalaw daw kami ngayon.

Pati pala ang buong fresh groover ay nandito. Hindi ko na muna sila pinansin dahil wala ako sa mood makipag-usap sa kahit sino.

"Kamusta na Angel?" Dinig kong tanong ni Mommy kay Tita.

Nandito kami sa loob ng kwarto ni Lucky. Malaki naman ito kaya kasya kaming lahat.

Nakatabi ako kay Lucky at hawak ang kamay nya. Gusto ko pag gumising sya, ako ang una nyang makikita.

Magsasalita na sana si Tita Angelica ng may marinig kaming isang tunog na ayaw na ayaw kong marinig.

*tooot.toooooot.tooooootttt*

"Lucky! Lucky! Mom call a doctor! Call the damn doctor now!" Histerikal kong hiyaw. Nagkagulo naman sila agad at nagtatakbo sa labas.

"Lucky. Lucky, I'm here. Wag ka munang bibitaw please?! Lucky, I need you"

"Ma'am, sa labas po muna tayo" Akay sa akin ng nurse na dumating kasama ang doktor.

"Doc, please do everything to revive him, revive him please" Pagmamakaawa ko sa kanya.

"We will try" Maikling sabi ng doctor at hinarap na si Lucky.

"Clear!" Huling narinig ko bago kami makalabas sa kwarto.

Paglabas, kitang kita ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata ni Tita Angelica, Jez, Junelle at Kyla.

Si Nate at Travis ay nakayuko lang.

Si Dad naman ay inaalo ako.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa dumating si Tito Roro na humahangos.

"What's happening?!"

"T-they're trying to revive Lucky. Lucky's condition is 50-50" Kasabay ng pagsabi ni Tita Angelica nun ay ang nakabibinging tunog.

*toooooooooooooottttt*

"Lucky!" Sigaw ni Tita Angelica sa window glass ng kwarto.

Agad akong lumapit sa window glass at nakita ko na nagsalita na ang doktor.

At alam ko ang sinabi nyang yun. He's saying the time of death of Lucky.

Nooo. Lucky! Humagulgol lang ako ng humagulgol.

Sila Travis din ay naiyak na.

Aalis na sana ang doktor at ilang nurse ng bigla silang napatingin sa machine.

Napatingin din ako doon at bigla na lang akong napalundag.

"Lucky's alive! He's still alive!" Sigaw ko.

"Anak, stop---"

"She's right! My son is still alive!" Sigaw naman ni Tito Roro.

Napatingin na silang lahat sa machine at wala silang nagawa kundi ang magtatalon sa saya.

"Thank God!" Hiyaw ni Tita Angelica.

Napatingin na rin ako sa itaas at kusang napangiti.

Maraming salamat, Lord.

Bulong ko sa hangin.

***

Maaga akong gumising para pumunta sa hospital.

Ang sabi ng Doktor, lumaban si Lucky. Lumaban sya hanggang kamatayan.

It's a miracle, perhaps at laking pasasalamat ko sa Diyos dahil ilang beses Nya ng niligtas ang mga buhay namin.

Nobody to SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon