Chapter 22

386 23 7
                                    

Brace's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, drinking liquors.

I hate it. I hate it when my love loves another person.

Ang sakit malaman na si Reyond Ancheta at si Lucky na first love ni Andree ay iisa.

First Love. Best friend. Best buddy. Partner in crime.

Anong laban ko dun?! Tsk.

"Sir" May biglang kumatok kaya naman napaayos ako ng upo at itinago ang alak sa ilalim ng kama ko.

"Ano yun?" Tanong ko sa maid ng buksan ko ang pinto.

"May bisita ho kayo" Sabi nya. Buti na lang hindi nya naamoy ang hininga ko. Konti pa lang naman naiinom ko kaya siguro hindi nya naamoy.

"Sino?"

"Si Miss Andree po" Sabi nya na ikinakunot ng noo ko.

Anong ginagawa nya dito? She's not supposed to be here.

"Tell her wala---"

"Tell me wala ka dito? What's your problem Brace?" Napatigil ang pagsasalita ko ng may magsalita sa likod ni Manang.

"Ah, sir, Miss Andree, maiwan ko po muna kayo." Manang.

"What's your problem Brace Arquiza?" Tanong ulit ni Andree.

"Wala. Umalis ka na" Sabi ko at akmang isasara ang pinto ng hinarang nya ang kamay nya at biglang pumasok sa loob ng kwarto ko.

Argh! Stubborn lady!

"Umalis ka nga dito Andree."

"Ano to? Alak? Umiinom--"

"Akina yan! Wag ka ngang pakialamera! Wag mo kong pakielaman tutal wala ka naman talagang pakialam sa akin!" Di ko na napigilang sigaw.

"B-brace"

"Listen Andree, umalis ka na dito. Hindi kita kailangan kaya please umalis ka na." Sabi ko ng mahinahon.

"Brace, I'm sorry. Sorry for everything. Pero hindi ko talaga kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo, hanggang Kuya lang ang kaya kong itawag sa---"

"ALAM KO ANDREE! ALAM KO NA SIMULA PA LANG KAYA HINDI MO NA KAILANGANG IPAMUKHA SA AKIN. HINDI MO NA KAILANGANG IPANGALANDAKAN NA HINDI MO KO KAYANG MAHALIN! KASI---ang sakit Andree, ang sakit sakit*sob*" Sabi ko at tuluyan na kong naiyak.

Ngayon lang ako umiyak sa isang babae. At sa harap ng babae.

"Brace, sorry. Wag ka naman ganyan please? Nakokonsensya ako" Sabi nya sabay punas sa luha ko.

"Andree, ni minsan ba nagkagusto ka sa akin? Ni minsan ba minahal mo ako ng higit pa sa isang kaibigan?"

"B-brace, alam mo ang sagot ko dyan---"

"Yes and that's bullsh*t!" Nagulat na naman sya sa pagsigaw ko.

Nilapitan ko sya at yinakap ng mahigpit.

"Andree. Please, wag mo kong iiwan. Mahal na mahal kita. Andree, gagawin ko ang lahat wag ka lang umalis sa tabi ko. Andree, please." Umiiyak kong sambit.

"B-brace, alam mong hindi pwede. Bumalik na ang ala-ala ko at sinasabi ng puso't isip ko na si Lucky lang. Si Lucky lang ang mahal ko. Sya lang ang para sa akin. Brace, pasensya ka na. You don't deserve a girl like me. Marami pa dyang iba Brace, mas maganda at mas mamahalin ka ng higit pa sa pagmamahal na ibibigay mo sa kanya." Mahabang sabi nya.

"I want only you Andree. I know, I look like a desperate but dmn, ngayon ko lang to naramdaman Andree. Please, kahit hindi mo ko mahalin, hayaan mo lang akong mahalin ka. Let me love you Andree Bonifacio." Sabi ko.

"Loving me is like playing a game you know you'll never win, Brace Arquiza" Sabi nya.

Yes, I already know that. Alam kong talo na ako pero masisisi nyo ba ako?

"Andree, please, just let me. Susuko ako pagdating ng panahon, pero sa ngayon, hayaan mo munang mahalin kita kahit alam kong masasaktan ako."

"Brace, hindi pwede. Hindi ko hahayaang maging doble pa ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Tama na yung sakit na dinanas mo ng dahil sa akin. Please Brace, let me go. Let yourself go" Sabi nya na ikinatawa ko ng mahina.

"I guess, tama ka. Mas maganda nga siguro kung bibitawan na kita. Pero hetong tatandaan mo, mahal na mahal kita Andree Camille Bonifacio. At lumipas man ang mahabang panahon, mananatili ka sa puso ko. Mananatili kang espesyal sa buhay ko."

And with that, everything went black pero bago pa ako tuluyang makatulog, nagsalita ulit sya.

"Sleep now Brace Arquiza, tomorrow will be the start of your life without Andree Bonifacio. I love you, Kuya."

Andree's POV

"Sleep now Brace Arquiza, tomorrow will be the start of your life without Andree Bonifacio. I love you, Kuya." Sabi ko at hinalikan sya sa noo sa huling pagkakataon.

*Kring.Kring*

"Hello?" Sambit ko sa kabilang linya.

"AC, anak, nakahanda ka na ba?" Mommy

"Yes Mom, pabalik na ko ng bahay" Sabi ko at tumayo na.

"Nasabi mo ba sa kanya?"

"Hindi po. Pero alam ko, mas makakabuti sa kanya ang gagawin kong desisyon."

"Sige Anak, no matter what happens, we got your back." sabi nya at binaba na ang tawag.

Tomorrow will be our flight. Yes, babalik kami ng Canada.

Kung saan kaming nagsimula lahat. Kung saan kami nagsimula ni Lucky.

Mas makakabuti kay Brace kung mawawala muna ako sa tabi nya.

Bago ako lumabas ay naglagay muna ako ng note at dinikit sa lampshade nya.

Sinulyapan ko syang muli na mahimbing na natutulog at tuluyang lumabas ng bahay nila.

--------

My ghaaad! Sorry sa mga Team Andrace out thereee! ReyonDree po ako. Hehe.

Babalik na sila sa Canada? Let's see what will happen next.

Keep reading!

Nobody to SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon