*This will be the longest update guys! Since ito na ang last chapter before epilogue*
AC's POV
Maaga akong nagising dahil sa isang masamang panaginip. Ikakasal daw si Lucky.
Iwinaksi ko ang napaginipan ko dahil alam kong imposible ito lalo pa na ang bata pa namin nila Lucky para pumayag sila Tita Angelica sa kasalan nila ni Julie, kung meron nga.
"Hey" Napatingin ako kay Travis na pumasok sa kwarto ko.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya
"Kanina ka pa hinahanap nila Tita Che"
"Tell them na lalabas na ako, magbibihis lang"
"AC, whatever happens, I'm always here" Wika nya na kinatigil ko.
"Nothing will happen, Travis. I swear" Sagot ko sa kanya at nagtuloy na sa banyo.
Travis' POV
Pinagmasdan ko sya habang papasok sya sa banyo.
Ngayon pa lang naiiyak na ako para kay AC. Napakalupit ng tadhana para sa kanya.
Alam ko na ang lahat. Alam ko ng nakakaalala si Lucky.
Alam ko ng buntis si Julie.
Alam ko ng engaged sila ni Lucky.
At hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalit sa kanilang dalawa. Lalo na kay Lucky.
Alam kong hindi sya ang ama ng pinagbubuntis ni Julie but the reason why I get angry is because nagiging duwag sya.
Kayang kaya nyang lusutan ang gulong ito. Pero mas pinili nyang saktan si AC at ang sarili nya kaysa lumaban.
"Bro" Napakuyom ang kamao ko ng tawagin nya ako.
Nandito kami sa terrace ng bahay na tinutuluyan namin kasama si Nathan.
"Wag mo kong tawaging bro" May diin kong sabi.
"Bro--" Hinila ko sya sa kwelyo at tinitigan ng matalim.
"Whoah! Chill lang Travis!" Awat sa akin ni Nathan.
Binitawan ko naman si Lucky at tinalikuran.
"Bakit Lucky? Bakit ka naduduwag?" Tanong ko pagkatapos ng mahabang katahimikan.
"I can't. Hindi ko na kayang masaktan pa ulit si AC. Ilang beses ko na syang napaiyak at alam kong pag bumalik ako sa kanya, hindi lang isang beses syang luluha." Paliwanag nya habang nakatingin sa mga tao sa labas.
"Bro, sa ginagawa mo, mas lalo mong nasasaktan si AC" Singit ni Nathan.
"I know. Pero hindi nyo kasi ako maintindihan."
"Then make us understand you" Wika ko.
"Travis" Tanging nasabi nya.
"Naalala mo pa ba Lucky?"
"..naalala mo pa ba yung sinabi ko sayo noon na pag sinaktan mo si AC, kukuhanin ko sya sayo?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa labas.
"I guess, heto na ang araw na yon. Pero, lumalaban pa si AC, Lucky. Sa inyong dalawa, nakakapit pa rin sya. Sa inyong dalawa, sya pa rin yung hindi bumibitaw kahit binitawan na sya"
"Hindi ko sya binitawan at hinding hindi ko sya bibitawan"
"Talaga? Pero sa ginagawa mo, hindi mo lang sya binitawan, itinulak mo pa sya palayo"
"Alam ko. Ang gago ko kasi."
"Tell us Lucky, ikaw ba ang ama ng pinagbubuntis ni Julie?" Singit ni Nathan.
![](https://img.wattpad.com/cover/68584544-288-k458203.jpg)
BINABASA MO ANG
Nobody to Somebody
FanfictionHiii! It's a reyondree category! What is ReyonDree? Well only a true lacers know. By the way please do support. Thanks guys! Don't forget to vote & leave a comment for your feedback. :* Warning: There are some bad words in this story. Fan fiction la...