Chapter XII

553 29 8
                                    

A/N: This happens kasabay ng POV ni Kyla guys 😊

AC's POV

Puti. Puro puti ang nakikita ko. Ang liwa-liwanag. Para bang nakakulong ako sa isang malaking kwarto na walang pintuan at bintana.

Nasaan na ba ako? Pakiramdam ko, ang tagal tagal ko ng natutulog. Para bang ang haba haba na ng nilakad ko.

"AC..." Tugon ng malambing na boses.

Hinanap ko ang pinanggagalingan nito pero sadyang nakakasilaw ang liwanag.

"AC..." Tawag ulit ng tinig.

"AC, please wake up." Kilala ko ang boses na yun!

Kay Lucky yun! Si Lucky ang may-ari ng boses na yun. Pero bakit naman ako tatawagin ni Lucky? Eh hindi nya nga alam na may sakit ako.

Nang maalala ko ang mga nangyari bago ako mapunta sa puting kwartong ito ay kumirot na naman ang puso ko.

Ang mga katagang binitawan ni Lucky sa akin ay parang patalim na tumutusok sa puso ko ng paulit-ulit.

"AC, it's been a month." Narinig ko na naman si Lucky.

"..it's  been a month since you fall asleep. Gumising ka na sleepy head. Hihingi pa ako ng tawad." Hihingi ng tawad?

Hinanap ko si Lucky. Ang pinanggagalingan ng boses. Takbo lang ako ng takbo.  Hanggang sa unti-unti ko ng naririnig ng malapit si Lucky.

"AC, mahal na mahal kita. Wag kang susuko please. Wag mo kong iiwan. Papakasalan pa kita." Napangiti ako sa mga salitang kanyang binanggit.

Hintayin mo ko Lucky, hahanap ako ng paraan para lumabas sa kwartong ito.

"AC, naririnig mo ba ko. AC, kung naririnig mo man ako, please forgive me. I'm very sorry. I love you." May naramdaman akong tumulo sa bandang kamay ko.

And with that, everything went black.

Lucky's POV

"AC, naririnig mo ba ko. AC, kung naririnig mo man ako, please forgive me. I'm very sorry. I love you." Pagkasabi ko ng mga salitang yun ay syang pagpatak ng luha ko.

Miss na miss ko na si AC. Lord, ano bang kailangan kong gawin para gisingin mo na sya? Please, wake her up. Tell her that I love her. Please?

Napadukdok ako sa kamay ni AC sa lungkot na nadarama. Ngunit maya-maya lang ay naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni AC.

Ako lang ang tao dito at si AC kaya't imposible na may maggalaw ng kamay ni AC.

Bumangon ako mula sa pagkakadukdok at tiningnan si AC.

And after a minute, Lord listen to my prayer. AC slowly open her eyes. And look at me through my eyes.

"AC! Thank God you're awake! I'm so glad to see you awake! Sandali tatawag ako ng doktor."

Ngunit bago pa ako makaalis ay may sinabi sya na nagpapigil ng hininga ko...

"Sino ka?"

---

Nobody to SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon