Chapter 18

429 20 3
                                    

"AC."

"AC..."

"AC, wake up."

"Hmmm." Sambit ko ng may bahagyang tumapik sa pisngi ko.

Napadilat naman ako ng may maaninag na mukha.

O_____O Bat ang lapit ng mukha sakin neto?!

Naitulak ko sya agad at napaayos ng upo.

*Tug dug. Tug dug.*

Ayan na naman ang abnormal heartbeat ko!

"A-anong ginagawa mo!?" Nauutal kong tanong.

He chuckled. Ghaad. Ang gwapo nya magchuckle! Ay shemay! Stop flirting Andree.

"Kanina pa kita ginigising, tulog mantika ka pa rin pala." Sagot nya.

"Tsk. Nasaan na sila?" Tanong ko.

"Nasa loob na. Kanina pa tayo nandito sa bahay at like what I said, kanina pa kita ginigising." Wika nya

"Oh ano pang ginagawa natin dito? Tara na." Ako at akmang tatayo na ng pigilan nya ako.

*Tug dug. Tug dug. Tug dug.* Kailangan ko na yatang magpacheck-up!

"B-bakit?!" Pilit kong buuin ang boses ko dahil pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at hindi sinalubong ang nanghihigop nyang mga mata.

"Can we talk?...Please?" Mahinahon nyang tanong.

Talk? Bakit? May sasabihin ba sya? Tsk. Ang weird ha. Kanina ko lang sya nakausap, tapos ganito sya sa akin.

Ang weird din naman ng sarili ko dahil napatango ako at hinintay na lang sya sa labas ng van.

Inakay nya ako sa swing dun sa may park na nasa tapat lang ng bahay namin.

Naupo kami doon at walang nagsasalita sa amin for more than 3 minutes.

"AC." Finally, he speak.

AC... nag-echo sa tenga ko ang pangalan ko ng tawagin nya ako.

Parang dati-rati nya na akong tinatawag na AC. Parang pamilyar sa akin ang boses nya. Argh!

Napahawak ako sa ulo ko.

"AC! Okay ka lang? Anong masakit?" Tanong nya.

Umiling lang ako at pinakiramdaman ang sarili ko. Nang makaramdam ako ng kaunting ginhawa ay umayos na along upo at tiningnan sya.

"Okay lang ako, ano ngang sasabihin mo?"

"A-ah. C-can I call you AC?" What? Nagpunta pa kami dito tapos yun lang sasabihin nya sa akin?

Seriously? Tsk. Why I look like a disappointed one?!

"Yun lang sasabihin mo?!" Tanong ko.

"Meron pa. Pero tinatanong kita, can I call you AC?" Napaisip ako.

Bakit nga ba ayaw kong nagpapatawag ng AC? Kasi hindi ko feel? Pero bakit pag sya ang tumatawag sa akin ng AC, ang sarap pakinggan?

Nababaliw na ba ako?

"Sure." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Wala namang masama kung tawagin nya akong AC. At isa pa, magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Weird, oo.

Kahit nga ako nawiwirduhan sa sarili ko. Parang ang tagal-tagal ko na syang kilala kahit kakakilala ko lang sa kanya kanina.

Tapos nung sabihin ni Ace na namimiss nya na kaming makitang sumasayaw ng magkasama, pakiramdam ko malaki talaga ang parte nya sa past ko.

Nobody to SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon