Lucky's POV
"Sino ka?"
Nang madinig ko ang mga katagang yan ay napaupo ako at di makapaniwala.
"Hahahahahahahahahaha!"
Napatingin ako sa kanya na tawa ng tawa at halos mamatay na kakatawa.
"What the eff?!" Sambit ko.
"Hahaha- nakakatawa---haha ka--- Lucky!"
Napaayos ako ng upo ng madinig kong tinawag nya ko sa pangalan ko. Ibig sabihin she's just kidding na nagka-amnesia sya?
"Wala kang amnesia?" Tanong ko.
"Wala--hahahaha!"
Napapoker face ako at nang mapansin nya yun ay pilit nyang pinigilan ang tawa.
"Ahm, pfftt. Okay okay. I'm sorry. Haha. Ikaw naman kasi nakakatawa ka, may magkakaamnesia bang di naman naaksidente? At sa pagkakaalam ko, bago ako mapunta dito. Di naman ako nabagok o ano para magka-amnesia ako."
Oo nga no? Ang tanga mo pala talaga Lucky.
"Ah hehe. Sabi ko nga. Natakot lang ako."
Napataas naman ang kilay nya.
"Natatakot?"
"Yup, natatakot na baka nakalimutan mo talaga ako at ang pinagsamahan natin."
"Aww haha. Lucky is being sweet." Napangiti ako at ginulo ang buhok nya.
"Oh wait, tatawagin ko ang Doktor para sabihing gising ka na at babalitaan ko na din ang iba pa. Matagal ka din naming hinintay."
Ngumiti na lang sya at tumango. Hayy I really missed that girl... My girl
Nang makarating sa studio ay nakita ko silang tahimik na nagtitipon tipon.
Lalapit na sana ako ng madinig kong magsalita si Nathan. Dumating pala sila.
"Imma' be the one saying No! You go, I'll stay here. Bakit ba ayaw mong malaman nila?! Ayaw mong malaman nila na bumalik yang pesteng leukemia mo at may taning na ang buhay mo! Kahit wala silang magagawa, at least. Magagawa nilang pagaanin ang nararamdaman mo. At least for the last time, they can make you feel you're not alone." Tuloy tuloy na sambit ni Nate.
Nagulat ang lahat. Napayuko naman si Kyla.
"Bakit wala kang balak sabihin sa amin?" Tugon ko na ikinagulat nilang lahat lalo na ni Kyla.
Naiiyak ako. Mahalaga sa akin si Kyla dahil kaibigan ko din sya. Bitchy sya oo. Pero alam ko na mabait talaga sya.
"Lucky?" Gulat na tanong ni Nate.
"Answer me Kyla. Bakit wala kang balak sabihin sa amin? Sa akin?" Tanong ko ulit
Napapikit si Kyla at alam kong any moment iiyak na sya.
"Bakit nandito ka?" Yun lang ang naisagot nya.
"Answer me!" Pasigaw kong sambit.
"Di ko sinabi sa inyo, sa iyo kasi ayaw kong magmukha na namang kawawa! Di ko sinabi at wala akong balak sabihin dahil baka ang tingin nyo na naman sa akin ay naghahanap ng atensyon ngayong nakacoma pa si AC! Ayaw ko ng maging kawawa Lucky. I'm tired of getting all of your attentions." Sigaw nya ng umiiyak.
Di kami sumagot at ang iba ay yumuko. Tumalikod na sya at naglakad ng yakapin ko sya mula sa likod.
"I'm sorry. I'm very sorry." Pabulong kong sambit sa kanya. Ewan ko pero nagiguilty ako.
Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako.
"No need for that Lucky. So why you're here? You're supposed to be there with AC."
"I'm here para sana sabihin sa inyong gising na si AC but naabutan nga kita dito."
"Really? Then let's go! Forget all about what Nathan said. Walang magbabago guys. Just treat me na parang aalis lang ako ng pangmatagalan ha?"
"Na walang balikan?" Sagot ni junelle na mugto ang mata.
Ngumiti sya at nilapitan kaming lahat.
"I maybe gone. But all of you will remains in my heart. Forever." Lumapit kami sa kanya at niyakap sya.
I will surely miss this girl.
---
Guys kasabay lang nito yung sa moment ni Kyla na nalaman nila ang tungkol sa sakit nya. Side lang to ni Lucky. (:
BINABASA MO ANG
Nobody to Somebody
FanficHiii! It's a reyondree category! What is ReyonDree? Well only a true lacers know. By the way please do support. Thanks guys! Don't forget to vote & leave a comment for your feedback. :* Warning: There are some bad words in this story. Fan fiction la...