C H A P T E R 2

810 31 3
                                    

After 7 years.

Lexter POV

"Mom, tara na po!" Tawag ko kay mommy

"Wait lang anak, ito na" sabi niya, tapos ay bumaba na siya ng hagdan at lumapit sa akin "okay na ba ang itsura ko anak?" Tanong niya

"Yes mom, excited na ba kayong makasama ulit si daddy?" Nakangiti kong tanong

"Super. After 17 years sa wakas makakalaya na rin siya" nakangiti niyang sagot.

"Ako rin mommy, excited na rin ako. Kasi sa wakas, first time kong makakasama si daddy" sabi ko, hinawakan ni mommy ang kaliwang pisngi ko.

"At sigurado akong nanabik na rin ang daddy mong makasama ka. Kaya tara na sunduin na natin siya"

"Tara po" sabi ko sabay ngiti.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse. Tapos ay agad yun pinaandar ni mommy.

Pitong taon na ang nakakalipas. Sa ngayon 4th year high school na ako. Yung mga misteryong ng yayari sa akin nung bata pa ako, lahat yun nawala na simula ng bumalik kami ng Manila. Pinagamot ako ni mommy sa isang pari at tinanggal nito ang masamang ispiritu na nasunod sa akin. Simula no'n di ko na siya napapaginipan, nawala na rin ang pagiging mainitin ang ulo ko, at yung palaging nabulong sa akin para gumawa ng maling bagay lahat yun nawala na.

Pero, hindi pa rin ako matahimik. Kasi kahit hindi na siya nagpapakita sa panaginip ko, feeling ko naman palaging may nakatingin sa akin kahit saan ako mag punta.

-

Presinto

"Alexis! Lex!" Tawag sa amin ni daddy, agad siyang lumapit sa amin at niyakap kami ng sobrang higpit "sa wakas, wala ng rehas ang papagitan sa atin. Malaya na ako!" Tuwang tuwa niyang sabi, tapos ay kumalas na siya sa pagkakayakap sa amin.

"Masaya ako na nakalaya kana" sabi ni mommy

"Ganon din ako mama" sabi ni daddy. Tapos ay tumingin siya sa akin "ang laki mo na ha" ginulo niya ang buhok ko

"At pogi rin dad" pagbibiro ko.

"Mana sa akin, halika nga dito payakap ulit ako" sabi niya tapos ay niyakap niya ulit ako ng sobrang higpit.

"Tol"... Kumalas sa pagkakayakap si dad sa akin ng tawagin siya ni tito Seven.

"Bro" nilapitan siya ni dad at niyakap niya ito. "Kamusta?" Tanong niya ng kumalas na siya sa pagkakayakap

"Ayos lang, sila Liza (asawa niya) tska si Seliz (anak niya) pasunod na sila may naiwan kasi sila sa kotse" sabi ni tito

"Ganon ba? Pumunta nalang tayo doon, tapos kumain tayo sagot ko" sabi ni dad

"Okay ayos yan, tara!" Sabi niya kaya naman nag lakad na kami papunta sa parking lot.

Yung ng yari kay lola? Hindi alam ni tito Seven yun, ayaw ipaalam ni dad dahil baka magalit daw sa akin si tito, at ayaw din niya ipaalam yung ng yayari sa akin dahil baka daw katakutan nila ako.

"Hon" tawag ni tito kay tita Liza

"Uy, pasunod palang sana kami eh. So saan tayo?" Tanong ni tita

"Sa malapit na restaurant nalang siguro. Kasi pagtapos natin kumain de-deretsyo na kaming mall para mamili ng gamit ni Lexter para sa darating na pasukan" sabi ni mommy.

"Okay sige" tumingin sa akin si tita "pogi ha, kaya crush ka nitong si Seliz eh" nakangiti niyang sabi

"Mommy, pinsan ko kaya yan" saway sa kanya ni Seliz. Kasing edad ko lang siya.

"Ay oo nga pala haha, sorry na ang layo kasi ng itsura ninyong dalawa. Itong batang 'to para talaga siyang Koreano... Eh ikaw hindi ko alam kung saan ba kita pinag lihi" pagbibiro ni tita kaya naman nag walkout si Seliz at pumasok na sa kotse nila. Habang kami natatawa nalang sa pinag sasabi ni tita

"Hon naman, ang hilig mo talaga mang asar. Halika na nga... Sa restaurant nalang tayo mag kita tol yung malapit sa mall" sabi ni tito

"Okay" sagot ni dad, tapos sumakay na sila tito sa kotse.

"Tara na" sabi ni mommy kaya sumakay na kami sa kotse. Si dad na yung drive, silang dalawa ni mommy ang na sa unahan, ako naman na sa backseat.

Habang na sa byahe kami pinikit ko muna ang mata ko. Habang nakapikit ako, may nakikita akong imahe pero blurred siya kaya di ko masyadong maaninag kung ano ba yung nakikita ko.

"Tulong, tulungan mo ako" Sabi nung imaheng nakikita ko, boses babae siya

"Sino yan?" Tanong ko

"Ahhh!" Sigaw niya pagtapos ay may nag taliksan sa aking mga dugo. At dahil may trauma na ako sa dugo dahil sa nagawa ko kay lola. Hindi ko mapigilan na hindi mapasigaw.

"Waaahhh!"

"Lex! Hoy!" Tawag ni mommy kaya napamulat ako.

Ano yun? Pumikit lang ako saglit may napaginipan na akong masama?

"Lexter, okay ka lang ba?" Tanong ni dad

"O-opo, m-may naalala lang po ako" pag papalusot ko

"Sigurado ka ba?" Pag alalang tanong ni mommy

"Opo" sabi ko, ayoko kasi siyang mag alala.

"Nandito na pala tayo, tara na" sabi ni dad, tapos ay pinark na niya yung kotse at bumaba na sila ni mom.

"Lex, tara na" sabi ni mommy

"Okay" sabi ko, tapos ay bumaba na rin ako

Pag pasok namin sa restaurant pumunta na kami sa table kung nasaan sila tito. Tapos ay umupo na kami.

"Naka-order na kami tol, intayin nalang natin" sabi ni tito.

"Sige" -dad

Habang hinihintay namin yung pagkain, naalala ko nanaman yung napaginipan ko. Napaka samang panaginip no'n, parang noon lang. Pitong taon na ako walang napapaginipang masama, hindi kaya bumalik nanaman yung sinasabi ni mommy na masamang ispiritu na nanggabala sa akin? Pero imposible, napaalis na yun ng pari.

"Hoy Lex, kain na daw"

"H-ha?" Napatingin ako Seliz "o-kay sige" sabi ko nalang, tapos kinain ko na yung pagkain na nasa harapan ko.

"Lexter sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong ni mommy

"Po? Ahm... May naiwan po pala ako sa kotse, kukunin ko muna po" pag papalusot ko ulit tapos ay tumayo na ako at lumabas ng restaurant. Alam ko kasing nakakalahata na sa akin si mommy, ayoko siyang mag alala.

Pag labas ko ng restaurant, may nakabangga akong babae kaya naupo ito.

"Ahh" daing niya

"S-sorry miss, hindi ko sinasadya" sabi ko tapos ay tinulungan ko siyang tumayo

"Okay lang, sige una na ako" sabi niya pag tayo niya.

Yung boses niya, yun yung boses sa panaginip ko ha.

"Wait miss" sabi ko kaya naman huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin

"Bakit?" Tanong niya. Hindi talaga ako pwede mag kamali, yun nga yung boses na humihingi ng tulong sa akin.

"Ahm a-ano, pwede ko bang malaman pangalan mo?" Tanong ko

"Keyzie" nakangiti niyang sagot

"Keyzie? Ah i'm Lexter" sabi ko tapos ay nilahad ko yung kamay ko. Tiningnan niya muna yun bago siya makipag shake hands sa akin.

Kailangan kong makasigurado na hindi mang yayari sa kanya yung masamang panaginip ko. Kung kailangan ko siyang bantayan at sundan kahit saan, gagawin ko yun. Wag lang siya mapahamak.

...

Itutuloy...

LEXTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon