CHAPTER 17

442 21 0
                                    

Justine POV

Bago kami umuwi sinamahan muna naming tatlo nila Kurt si tita Alexis para tingnan yung cctv. Pagtapos non, dumeretsyo na kami sa parkinglot dahil nandoon na yung driver namin.

"Sabay na kayo" sabi ko sa kanila

"Hindi na, may pupuntahan pa ako" sabi ni Seliz

"Ah okay sige, ingat kana lang" sabi ko

"Sige" sabi niya

"Teka, siya yung matanda diba?" Sabi ni Kurt kaya napatingin kami sa tinuturo niya

"Yung kausap ni Patrizia bago siya kunin ng daddy niya" sabi ko

"Seliz saan ka pupunta?" Tanong ni Kurt nung pumunta ito sa dereksyon ng matanda.

"Tara" sabi ko kay Kurt kaya sinundan namin agad si Seliz

"Manong, saglit lang" sabi ni Seliz pag lapit niya dito. Huminto naman ang matanda at tumingin sa amin.

"Anong kailangan niyo?" Tanong niya

"Anong sinabi niyo kay Patrizia?" Tanong ni Seliz sa kanya

"Sinong Patrizia?" -Matanda

"Yung babae na kausap niyo sa loob ng hospital" -Seliz

"Siya ba? Sinabi ko lang naman sa kanya na siya ang makakapag tanggal ng sumpa sa batang lalaki" -Matanda

"Kay Lexter?" Sabi ko

"Hindi ko siya kilala, pero siya yung lalaki na may balat sa pulso" -matanda

"Si Lexter nga yun" sabi ni Kurt

"Kung ganon paano matatanggal ni Patrizia yung sumpa kay Lexter?" Tanong ni Seliz

"Matatanggal niya ito, kapalit ng buhay niya" sagot ng matanda

"Sa paanong paraan? Kailangan niya mag pakamatay ganon? O kailangan siyang ialay?" tanong ni Kurt

"Kailangan niyang pumasok sa panaginip ng batang sinumpa" sagot ng matanda tapos ay nag lakad na ito

"Teka paano siya makakapasok sa panaginip ni Lexter" tanong ni Seliz

"Hindi na libre lahat ng bagay iha" sabi ng matanda tapos ay nag lakad na ulit 'to

"Handa kaming mag bayad ng kahit magkano" sabi ni Seliz kaya huminto sa paglalakad yung matanda at tumingin sa kanya "pero pag nabigo ka sa gagawin mo, buhay mo ang magiging kabayaran ng lahat dahil buhay rin ang nakataya dito" dugtong ni Seliz

"Seliz, sigurado kaba sa sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya pero di niya ako pinansin.

"Gusto ko ang iyong pananalita iha, kung ganon ay pumapayag na ako sa gusto mo"

"Kung ganon, anong gagawin natin?" Tanong ni Seliz

"Dalhin niyo ako sa batang lalaki na sinumpa" sabi nung matanda kaya nagkatinginan kami ni Kurt

"Dapat ba tayong maniwala sa kanya?" Mahinang tanong ni Kurt sa akin

"Wala na tayong choice" sabi ko

***

Seliz POV

Pag tapos namin makausap yung matanda agad namin syang dinala sa kwarto ni Lexter sa hospital.

"Tito" sabi ko pag pasok namin

"Oh bakit bumalik kayo? May problema ba?" Tanong ni tito

"Wala po, pero may kasama po kami" sabi ko tapos non ay pumasok na yung matanda sa loob

"Ikaw yung kausap ni Patrizia kanina diba?" Sabi ni tita

"Parang na aalala kita" sabi ni Lexter

"Ako nga yun iho" sabi nung matanda

"Anong ginagawa mo dito? Tska bakit ka nga pala biglang nawala noon?" Tanong ni Lexter

"Hindi mo na kailangan pang malaman ang dahilan. Naparito ako dahil handa na akong tulungan ka" sagot ng matanda

"Pero sabi mo hindi mo ko kayang tulungan diba?" -Lexter

"Noon, dahil hindi ko pa nakikita ang babaeng tutulong sayo. Ngunit kanina ay nakita ko na siya" -matanda

"Si Patrizia? Ibig sabihin siya ang babaeng mag sasakripisyo ng buhay para sa akin?" Tanong ni Lexter

"Siya nga" sagot ng matanda

"Hindi ako papayag! Ayoko madamay si Patrizia sa kamalasan ko!"

"Ngunit nadamay na siya" sabay naming sabi ng matanda kaya nag katinginan kami

"Sa tingin ko ay marami kang alam iha" sabi ng matanda sa akin

"Mahilig lang akong mag basa tungkol sa mga gantong bagay" sabi ko

"Kung ganon, pwede bang ikaw nalang ang mag sabi sa kanya kung ano ang pwedeng mang yari sa babae" utos ng matanda

"Noon palang sinabi ko na sayo na lumayo ka kay Patrizia kung ayaw mo siyang madamay. Pero hindi mo ako sinunod, kaya kahit hindi isakripisyo ang buhay niya maaaring ngayon ay ginugulo na siya ng sumumpa sayo" sabi ko kay Lexter

"Pero... ano bang gagawin? Ayoko siyang mapahamak" sabi ni Lexter

"Kailangan pumasok sa panaginip mo yung babae, kailangan niya mahanap ang taong pinag simulan nang pag sumpa sayo" sabi ng matanda

"Si Steve" sabi ni tita

"Sinong Steve?" Tanong ni Lexter

"Kapatid siya ni Arleen, napatay siya noon at ang sinisi ni Arleen ay ako kaya naman bago siya mamatay isinumpa nya ang magiging anak ko. At ikaw nga yun" sagot ni tita

"Kung ganon, paano siya makakapasok sa panaginip ni Lexter?" Tanong ko

"Kailangan sila pumunta sa tinitirahan ko, nandoon lahat ng gamit ko para matulungan ko kayo. Pero kailangan nandoon rin ang babae at bukal sa puso niya ang pag tulong sa inyo, dahil kung mapipilitan lang siya maaari niya itong ikapahamak ng sobra" sagot ng matanda

"Pero mukhang malayo nang mang yari yun. Nilayo na ni tito ang anak nila, ayaw nila tong madamay sa kamalasan ko" malungkot na sabi ni Lexter

***

Patrizia POV

Bumukas yung pintuan at pumasok si mommy dito na may dalang pagkain. Lumapit siya sa akin, nakaupo ako sa lapag habang nakasandal sa kama ko.

"Kumain ka muna" sabi ni mommy

"Mom, paano niyo nagustuhan si dad?" tanong ko

"Paano? Dahil pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako. Lahat ginawa niya para sa akin" sagot ni mommy

"Kung ganon, bakit hindi niyo ko maintindihan ni daddy? Bakit pilit niyo akong nilalayo sa taong mahal ko?" Naluluha kong sabi

"Dahil mahal ka namin, at lahat gagawin namin wag ka lang mapahamak"

"Pero mommy, hindi niyo ba naiisip na yung anak ng pinag kakaitan niyo ng magandang buhay eh anak ng matalik niyong kaibigan. Nakwento niyo sa akin noon na marami na kayong pag subok na nalagpasan, tapos sa ganto mom bigla niyo silang iiwanan"

"Patrizia iba ang sitwasyon ngayon, makinig kana lang sa amin ng daddy mo pwede ba, intindihin mo na lang kami!" Sabi ni mommy tapos ay lumabas na siya ng kwarto ko at sinarado na naman yun mula sa labas, napayuko nalang ako dahil mukhang hindi ko sila mapipilit na palabasin ako dito.

patawad Lexter, patawad at wala akong magawa -sa isip ko

***

Itutuloy...

LEXTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon