Seliz POV
"Ano ng nangyayari sa kanila?" Tanong ni tita Alexis
"Malamang ay nakaharap na nila ang mga taong tutulong sa kanila ngayon" sagot nung matanda
"Sinong tutulong?" Tanong ni tito Patrick
"Hindi ko sila kilala, pero sigurado ako mababait sila" -matanda
"Paano ba namin malalaman na okay lang sila?" -tito sixto
"Nasagot kona ang katanungan na yan, mag hintay nalang kayo" sabi nung matanda tapos ay umupo sya sa may upuan
Kinakabahan ako, hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Alam ko kung gaano kadalikado kung nasaan sila ngayo, sana maging maayos na ang lahat.
*
Lexter POV
"Hindi ko po alam yung dapat kong sabihin sa nalaman ko, pero nag papasalamat po ako kasi handa nyo po kaming tulungan" sabi ko
"Mabuti pa, gawin nyo na ang pakay nyo dito. Malakas ang kutob ko na paparating na si Arleen. Manggugulo na nanaman sya, kaya kumilos na kayo" sabi ni Brix
"Kung ganon tara na" sabi ni Patrizia
"Saan ka mag sisimulang hanapin sya?" Tanong ko
"Hindi ko alam, pero sabi nung matanda ako raw makakakita ng daan papunta sa pakay natin diba? Kaya tara na" sagot nya
"Hindi ako pwede sumama, diba yun yung sabi nung matanda? Kaya pasensya na" sabi ko
"Naiintindihan ko"
"Ako nalang ang sasama sayo" sabi ni Renz
"Sasama na rin ako" sabi ni Ria
"Mas mabuti nga na ang kami ang maiwan dito kay Lexter, mas mapapangalagaan namin sya" sabi naman ni Erick
"Umalis na kayo, bilisan nyo" sabi ni Brix kaya lumapit sila Renz kay Patrizia, hinawakan nila 'to tapos ay bigla silang nag laho
"Nasaan sila?" Pagtataka kong tanong
"Nag magic" natatawang sagot ni Erick
Pasensya na kung wala akong galang sa kanila, pangalan lang nila ang tinatawag ko at hindi tito o tita, o di naman kaya di ako nagamit ng 'po' , muka kasi na kasing tanda ko lang sila.
"Humanda ka Erick, paparating na sya" bilin ni Brix
"Sino?" tanong ko
"Dito ka, wag kang aalis sa likuran namin" sabi ni Brix tapos ay hinila nila ako papunta sa likuran nila. Tapos non ay unti unti na namang binalot ng kadiliman ang kinaroroonan namin.
"Bumalik ka nanaman dito, wala kang kadala dala!" Yung boses na yun, matagal ko ng di naririnig ang boses na yun. Nakakatakot parin ang boses nya.
"Umalis kana, hindi naman ikaw ang pinunta nya dito" sabi ni Erick
"At sino? Kayo na mga dating kaibigan ni Alexis?! Akala nyo ba maniniwala ako?!! Anong pakay mo rito at nag punta ka ritong bata ka?! Akala mo ba hindi ko alam na nag patulong ka sa matandang albularyo para matanggal na ang sumpa ko sayo!"
"Alam mo pala eh, ba't nag tatanong ka pa?" Sagot ko
"At sumasagot ka pa?! Hindi matatanggal ang sumpa sayo! HINDI!!!" sigaw nya tapos non ay may nag liparan na mga paniki, sobrang dami kaya napayuko ako dahil sinsugod nila ako.
"Ah! Alis!" Sabi ko habang tinataboy ko yung mga paniki
"Tara na!" Sabi ni Erick tapos ay hinila nya ako at tumakbo kami pareho.
BINABASA MO ANG
LEXTER
Mystery / Thriller|| Series of HNIA & AKP! || Si Lexter ay anak ni Alexis at Sixto na sinumpa ni Arleen na kapatid ni Steve. Ano ang mangyayari sa buhay ni Lexter? Magiging magulo kaya? Magiging masaya? O magiging nakakakilabot ang kanyang storya? Alamin yan dito sa...