Seliz POV
Agad akong nag madali pumunta ng hospital kung saan dinala si Lexter. Tinext ko na rin yung dalawang kumag para sumunod sa akin.
"Patrizia, kamusta na siya?" Tanong ko nung nakita ko siya sa labas ng room 36
"Ang sabi ni tita, kapag hindi pa siya gumising sa loob ng 24 hours, idedeclare na comatoes siya"
"Ano?! Comatoes agad?" tanong ko, sakto naman na lumabas ng kwarto sila tita at yung magulang ni Patrizia. Kilala ko sila dahil minsan ko na silang nakita sa bahay ni lola noon.
"Seliz, paano mo nalaman na nandito kami?" Tanong ni tito
"Ahm kamusta na po si Lexter, ano po bang nang yari?" Pag iiba ko ng usapan.
"Ang sabi ng doktor maaaring inatake siya sa puso" sagot ni tito.
"Sakit sa puso? Paano pong nang yari yun?" Tanong ko
"Sa side namin, karamihan sa mga kamag anak namin namamatay dahil sa sakit sa puso" malungkot na sagot ni tita pag tapos ay para siyang wala sa sarili na nag lakad palayo sa amin.
"Susundan ko lang siya, kayo na muna bahala kay Lexter" sabi ni tito tapos ay umalis na rin siya
"Dad pwede na po ba kaming pumasok sa loob?" Tanong ni Patrizia sa daddy niya
"Oo, puntahan niyo na siya. Susundan lang namin yung dalawa" sabi ng daddy. Tumango lang si Patrizia sa kanya, tapos ay pumasok na kami sa loob ng kwarto.
Nakakaawa si Lexter ng makita namin siya. Ang daming nakalagay sa dibdib niya, pag tapos ay may oxygen pang nakalagay sa bibig niya. Para bang sa tingin ko wala ng pag asa pang magising siya, pero alam kong lalaban siya! At sigurado ako na may ibang dahilan kung bakit di siya nagising.
"Oppa, wake up" malungkot na sabi ni Patrizia, hahawakan niya sana yung kamay ni Lexter pero pinigilan ko siya kaya napatingin siya sa akin. Umiling lang ako sa kanya at naintindihan naman siguro niya ang gusto kong sabihin dahil tumango naman siya. Mabuti ng makasigurado, baka mamaya nandito lang yung itim na babae na sumumpa kay Lexter, baka madagdagan lang ang problema.
"Gigising siya sigurado yan" sabi ko
"Sana nga, sana gumising siya. Kababalik ko lang dito kaya ayoko siyang mawala agad. Marami pa akong ikukwento sa kanya" sabi niya.
"Seliz" napatingin ako sa may pintuan. Yung dalawang kumag dumating na.
"Oh?" Sabi ko
"Seliz, may good news at bad news kami sayo" sabi ni Kurt, nag katinginan kami ni Patrizia saglit
"Good news muna. Ano yun?" Tanong ko
"May nahanap na kaming makakatulong kay Lexter para maalis ang sumpa" sagot ni Kurt kaya medyo sumeryoso ang mukha ko. Ang tagal kong nag hanap ng makakatulong kay Lexter pero wala akong mahanap, tapos sila may nahanap agad.
"Pero ang bad news...... patay na siya" dugtong ni Justine, kaya tingnan ko sila ng masama.
"Sira ulo kayo noh! Tss mga baliw!" Inis kong sabi
"Ito kasing si Kurt eh, sabi ko wag na sabihin" maamong sabi ni Justine.
"Bakit? Atleast may nahanap tayo 'di ba?" Sabi naman ni Kurt
"Manahimik kayo, hindi kayo nakakatulong!" saway ko sa kanila
"Oo na, sorry na" sabi ni Kurt tapos ay napatingin siya kay Lexter "ano bang nang yari sa kanya?" Tanong niya
"Inatake daw sa puso. Pero sa tingin ko may ibang nang yari sa kanya" sabi ko
"Tulad ng ano?" Tanong ni Patrizia
"Ang alam ko lagi niyang napapanaginipan yung sumumpa sa kanya. Kaya sigurado ako, may kinalaman yun kung bakit di siya nagigising ngayon" sagot ko
"Kung ganon, kapag di siya nagising sa loob ng 24 oras marahil ay may ginawang masama sa kanya yung sumumpa sa kanya?" -Patrizia
"Ganon na nga"
"Eh paano natin siya matutulungan?" Tanong ni Justine
"Hindi ko alam" seryoso kong sagot. Dahil hindi ko talaga alam kung paano ko siya tutulungan, dahil hindi ko naman alam yung ng yayari sa kanya.
~
Lexter POV
Napapagod na ako, hanggang saan ba ako tatakbo? May hangganan ba talaga itong lugar na 'to? O mananatili na ako dito habang buhay?
"Oppa wake up" narinig ko ang boses ni Patrizia, pero bigla rin yun nawala.
"Patrizia?! Nasaan ka?!" Sabi ko habang patuloy ako sa pagtakbo.
"Gigising siya sigurado yan" boses naman ni Seliz ang narinig ko. Mag kasama silang dalawa, baka matulunga nila ako.
"Sana nga, sana gumising siya. Kababalik ko lang dito kaya ayoko siyang mawala agad. Marami pa akong ikukwento sa kanya" sabi ni Patrizia, at sa boses niya halatang malungkot siya.
"Gigising ako Patrizia, pangako yan!" Sabi ko, pag tapos ay binilasan ko ang pag takbo ko kahit na pagod na pagod na ako.
Habang natakbo ako, narinig ko ang boses ni Kurt at ni Justine nag uusap sila ni Seliz, pero di ko na alam ang pinag uusapan nila dahil nakafocus ako sa pag takbo. AT SA WAKAS ! Naaaninag ko na ang liwanag, marahil ay yun na ang hangganan nitong kinaroroonan ko, makakabalik na ako sa katawang lupa ko!
"AT SAAN KA PUPUNTA!" boses ng itim na babae ang narinig ko, naabautan na niya ako! Tinakpan niya ang mga mata ko kaya napatigil ako sa pag takbo.
"Bitawan mo ako!" Sabi ko habang nag pupumiglas sa kanya. Nararamdaman ko na unti unti niya akong hinihila pabalik.
"Hindi kana makakawala dito! Dito kana mabubulok!" bulong niya sa akin.
"Hindi! HINDDDIIII!" sigaw ko
~
Patrizia POV
"Gusto niyo kumain? Bibili kami" sabi nung isang lalaki.
"Wag na Kurt, busog pa ako"" sabi ni Seliz
"Justine, ikaw gusto mo kumain?" Tanong ni Kurt doon sa Justine
"Hindi na, busog pa rin ako" sagot ni Justine
"Ikaw---" hindi na niya natapos sasabihin niya sa akin dahil biglang nag seizure si Lexter.
"Anong nang yari?" Kabado kong tanong.
"Nag f-flat yung heart beat niya! Tawagin niyo ang doctor!" Sigaw ni Seliz kaya agad na lumabas sila Justine
"A-anong nang yari? Bakit siya nanginginig?" Tanong ko
"Hindi ko alam! Mukha bang alam ko yung nang yayari?" Natataranta niyang sabi. "Lexter! Lexter naririnig mo ba ako?! Lumaban ka! Labanan mo kung ano man nang yayari sayo!" Sabi niya habang hawak hawak niya ang kamay ni Lexter.
At kahit alam kong bawal. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin si Lexter para mapigilan na rin siya sa panginginig.
"Patrizia anong ginagawa mo?! Wag mong gawin yan!" Saway ni Seliz, pero hindi ko siya pinakinggan. Bahala na, bahala na talaga kung ano man ang mang yayari sa akin pag tapos nito!
"Oppa, kung naririnig mo ako. Please gumising ka! Gumising ka, wag mo ako iwan! Saranghae oppa, saranghae!"
"Patrizia!" saway ulit ni Seliz sa akin.
At maya maya pa ay tumigil na sa pag nginig si Lexter at narinig ko nalang na....
eeennnggggggg
Pag tingin ko, ganto na ang nakita ko...
/\/\/\/\/\/\/\____________
wala na siyang heartbeat.
"Lexter?" Sabi ni Seliz, napatakip nalang ako ng bibig pag tapos ay napaiyak nalang ako.
"Wala na siya? Wala na si Lexter?" Sa isip ko
...
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
LEXTER
Mystery / Thriller|| Series of HNIA & AKP! || Si Lexter ay anak ni Alexis at Sixto na sinumpa ni Arleen na kapatid ni Steve. Ano ang mangyayari sa buhay ni Lexter? Magiging magulo kaya? Magiging masaya? O magiging nakakakilabot ang kanyang storya? Alamin yan dito sa...