Chapter 13

521 26 1
                                    

Author POV

(Yep may point of view ko po ito para mas klaro ang conversation ng mag uusap at mas malinaw ang bawat detalye)

~

Sa ginta ng langit at lupa. Sa lugar ng mga naliligaw na kaluluwa. May isang itim na babae na hindi mapakali, nanlilisik ang kanyang mga mata sa sobrang galit.

"Ang babaeng yun! Bakit di ko siya magawang saktan!" Galit na galit niyang sabi

"Dahil ang sumpa mo ay sa mga babaeng mag kakagusto lang kay Lexter. At dahil wala siyang gusto kay Lexter dahil may boyfriend siya kaya di mo siya masaktan!" Wika naman ng nakaputing lalaki

"HINDI MAAARI! May kutob ako, malakas ang pakiramdam ko na may iba sa babaeng yun!"


"Natatakot ka na ba na baka ito na ang wakas mo? Na ang babaeng yun ang maaaring makatanggal ng sumpa?"




"At sa papaanong paraan? Sabihin mo?!"


Nilapitan siya ng naka puting lalaki.




"Sa paraang di mo inaasahan. At pag nang yari yun, hindi kana kaluluwang ligaw. Mapupunta kana sa dapat mong kalagyan! Sa Imyerno!"



"At pag nang yari yun. Isasama kita.... Brix!"


"Hindi mo ko maisasama doon Arleen, dahil hindi ako kaluluwang ligaw na katulad mo. Magsisisi ka sa lahat ng ginawa mo! Sa pag patay mo sa akin, sa pag gulo mo ng buhay ni Lexter. Susunugin ka sa Impyerno! Sa apoy na walang kamatayan! At kung magsisisi ka man, huli na ang lahat! Tingnan mo ang iyong mga paa. Inuuod na, palatandaan na nalalapit na ang iyong wakas"




"HINDI! HINDIII! SINUSUMPA KO! MAMATAY MUNA ANG BATANG SI LEXTER BAGO MAG WAKAS ANG KASAMAAN KO! SINUSUMPA KO YAN!" sigaw niya

...

Lexter POV

"Bitawan mo ko! Bitiwan mo ko!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa pag kakasakal sakin ng itim na babae

"Mamatay kana! Isasama kita sa impyernooooo!" sigaw niya pag tapos ay hinigit niya ako. At sa isang iglap napunta kami sa lugar na ayaw na ayaw mapuntahan ng mga tao pag namatay sila, sa impyerno!

"Tulong ! Tulungan mo ko!" Sigaw ng mga tao na naroon. Bakas sa mukha nila ang hirap at sakit na nararamdaman nila habang unti-unting sinusunog ang katawan nila.

Nakaramdam ako ng takot, nanginginig ang buo kong katawan.

"Tulong! Ayoko dito! T-tulungan niyo ko!" Sigaw ko.

"Lexter!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Yung lalaki na nakaputi na laging natulong sa akin.

"Tulungan mo ko, parang awa mo na" pakiusap ko.

"Sumunod ka sa akin! Mag madali ka!" sabi niya. kaya naman agad akong nag lakad papunta sa kanya. Pero bago pa ako tuluyan makalapit sa kanya ay may humawak sa paa ko.

"Wag mo kaming iwan, maawa ka sa amin" sabi nung lalaki na nakahawak sa paa ko. Sunog na sunog ang katawan niya at inuuod pa

"Patawad pero kailangan ko ng umalis" sabi ko, pero ayaw parin niya akong bitawan. "pakiusap bitawan mo na ako"

"Hindi! Sama mo kami! Ayaw na namin dito!" pag pupumilit niya. Tumingin ako sa nakaputing lalaki, umiling siya. Ibig sabihin lang na hindi ko sila pwedeng tulungan.

"Nandito sila dahil sa mga kasalanan na nagawa nila nung nabubuhay pa sila. Kaya dapat lang na pag dusahan nila ang kanilang mga kasalanan. Pero ikaw Lexter, hindi ka nararapat dito! Napunta ka dito dahil sa makasalanang babae na sumumpa sayo, kaya kung nais mong makaalis dito. Kumawala ka sa kanya, dahil pag nahigit ka niya pababa hinding hinda kana makakabalik pa sa katawang lupa mo"

LEXTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon