Lexter POV
Ito naba ang katapusan ko? Hindi naba ako makakabalik sa katawang lupa ko?
Pinikit ko nalang ang mga mata ko ng bumubulusok ako pababa sa nag babagang apoy, wala ng tutulong sa akin, wala na akong pag asang mabuhay pa, siguro hanggang dito nalang talaga ako.
"Saranghae oppa" naalala kong sinabi yun ni Patrizia kaya napadilat ako. At doon nakita ko yung lalaking natulong sa akin. Bumubulusok siya papunta sa akin, ngunit alam kong hindi siya mahuhulog sa apoy dahil may mga pakpak siya. Kung ganon isa siyang anghel.
"Humawak ka sa akin" sabi nito, at nang mahawakan niya ako ay agad siyang lumipad paitaas.
"Anghel ka pala" sabi ko sa kanya, tumingin siya sa akin at ngumiti
"Tama ka, isa akong anghel. Ako ang anghel na naatasan na bantayan ka simula ng pag buntis ka ni Alexis"
"Kilala mo si mommy? Sino kaba? Ano ang pangalan mo?"
"Ako si... Brix, at oras na para bumalik ka sa katawang lupa mo dahil nag aalala na sila sayo" pagkasabi niya no'n ay napapikit ako dahil nasilaw ako sa liwanag na bumalot sa aming dalawa.
**
Patrizia POV
"Time dead... 8:05pm" sabi ng doktor
"Hindi! Hindi!" Iyak ng iyak na sabi ni tita Alexis. Napayakap nalang ako kay Seliz dahil doon.
"Dok! Buhay pa siya! Nabuhay siya!" Sabi nung nurse kaya napatingin kaming lahat kay Lexter, at doon nakita namin na nakadilat na si Lexter.
"Tubig, tubig!" Sabi ni Lexter ng tanggalin niya yung oxygen sa bibig niya.
"Anak" sabi ni tita tapos ay agad niyang niyakap si Lexter. Binigyan naman ni tito ng tubig si Lexter.
"Buhay siya" mahina kong sabi na may ngiti.
"Alam kong mabubuhay siya" sabi ni Seliz
Lumapit yung doktor kay Lexter tapos ay chineck ito.
"Okay na siya, wala na kayong dapat ipag alala" sabi ng doktor.
"Mabuti naman kung ganon" sabi ni tita.
"Mauuna na kami, kapag may kailangan kayo tawagin niyo lang kami" sabi ng doktor tapos ay lumabas na sila ng mga nurse.
"Anak, ano bang nang yari sayo ha? Sabihin mo" pag aalalang tanong ni tita
"Mahabang kwento mommy, napapagod pa po ako. Gusto ko po sanang mag pahinga muna" sagot ni Lexter
"Kung ganon sige, babantayan kita" sabi ni tita pero tumingin sa amin si Lexter
"Ang gusto ko sana sila Seliz ang mag bantay sa akin" sabi ni Lexter kaya napatingin silang lahat sa amin.
"Sige, kung yan ang gusto mo" sabi ni tita tapos ay lumapit sa amin si tita "kayo muna ang bahala sa kanya, sa labas muna kami"
"Sige po" sabi ni Seliz, tapos ay lumabas na sila tita kasama sila mommy. "Problema mo? Alam mo bang sobrang nag aalala sayo sila tita!" medyo inis na sabi ni Seliz.
"Alam ko yun" sabi niya. Saglit siyang tumahimik, tapos ay nag salita ulit "napunta ako sa impyerno. Sobrang natatakot doon, at kaya ako napunta doon ay dahil sa sumumpa sa akin. Inihagis niya ako sa nag babagang apoy, muntik na kong di makabalik dito sa katawan ko pero buti nalang may nag ligtas sa aking isang anghel" kwento niya.
"Totoo? Anghel ang nag ligtas sayo?" Parang di makapaniwalang tanong ni Kurt
"Oo, maniwala man kayo o sa hindi pero totoo talaga yun" sagot niya. Tapos ay tumingin siya sa akin "narinig ko yung sinabi mo" sabi niya sa akin.
"H-ha? Anong sinabi?" Kunwari ay hindi ko alam ang sinasabi niya
"Gusto mo pa bang ulitin ko? Lumapit ka sa akin" utos niya
"Bakit?" Tanong ko
"Basta, bilis" sabi niya. Tumingin ako kay Seliz tumango lang siya sa akin kaya lumapit na ako kay Lexter. "Umupo ka" utos niya ulit kaya sumunod nalang ako sa kanya. Mayamaya pa ay lumapit siya sa akin, at may sinuot sa leeg ko. "Lagi kong dala 'to, bigay 'to ng pari sa akin bilang proteksyon. Pero hindi ko siya sinusuot, siguro kasi para sayo talaga yan" sabi niya. Tiningnan ko yung sinuot niya sa leeg ko, isa yung rosario.
"Paano ka kung ibibigay mo sa akin 'to?" Tanong ko
"Sanay na ako sa mga nang yayari sa akin, kahit nakakatakot. At isa pa ayoko ng may madamay pa, lalo kana.... saranghae Patrizia" sabi niya tapos ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Lexter, may boyfriend ako" sabi ko kahit wala naman talaga. Sinusunod ko lang ang gusto ni Seliz. At dahil sa sinabi ko, binitiwan na niya ang kamay ko.
"Oo nga pala, muntik ko ng malimutan dahil sa sinasabi mo" nakangiti niyang sabi.
"Oppa, mahal naman talaga kita pero bilang kuya" sabi ko, tumango-tango lang siya pero bakas sa mukha niya ang lungkot. Kung pwede ko lang sabihin na mahal ko talaga siya, ginawa ko na.
"Patrizia, pwede bang lumabas muna kayo nila Justine" utos ni Seliz.
"Ha? Bakit tahimik lang naman kita dito ha" Tanong ni Justine
"Basta, kailangan ko lang makausap si Lexter. Bilis na!" sabi niya
"Sige mauuna na kami" paalam ko kay Lexter tapos ay hinila ko na palabas yung dalawa.
...
Lexter POV
"Tungkol saan ang pag uusapan natin?" Tanong ko kay Seliz pag alis ng tatlo. Lumapit siya sa akin, at halatang galit na galit siya.
"Hindi kaba talaga nag iisip ha?! Pinapahamak mo si Patria! Ano bang pinag sasabi mo sa kanya ha!" Inis na inis niyang sabi.
"Binigyan ko naman siya ng proteksyon 'di ba?"
"Eh paano kung hindi yun gumana? Edi napahamak siya! Parehas kayong dalawa ang iintindihin ko?! Mag isip ka nga Lexter!" Bulyaw niya sa akin
"Pero Seliz----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang pumasok ulit si Justine sa loob at hingal na hingal. "Bakit? Anong nang yari?" Kunot noo kong tanong.
"S-si Patrizia...." hingal na hingal niyang sabi.
"Anong nang yari sa kanya?"
"Kasi... ano... bigla siyang nawala" sabi niya
"Anong nawala? Paanong nawala?" Tanong ko
"Pababa kami ng hagdan, tapos nahuli siya ng paglalakad. Pagtingin namin ni Kurt sa likod wala na siya" sagot niya
"Si Kurt, nasaan siya? Hinahanap na ba niya si Patrizia" tanong ko ulit
"Oo" sagot niya
"Tutulong ako sa pag hahanap" sabi ko, tatanggalin ko na sana yung nakakabit sa akin pero pinigilan ako ni Seliz
"Kailangan ko pang mag pahinga" sabi niya
"Okay na ako, mas kailangan ako ni Patrizia" pagkasabi ko non tinanggal ko na lahat ng nakalagay sa akin at lumabas ng kwarto.
Pag may nang yaring masama kay Patrizia, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
...
Itutuloy
BINABASA MO ANG
LEXTER
Mystery / Thriller|| Series of HNIA & AKP! || Si Lexter ay anak ni Alexis at Sixto na sinumpa ni Arleen na kapatid ni Steve. Ano ang mangyayari sa buhay ni Lexter? Magiging magulo kaya? Magiging masaya? O magiging nakakakilabot ang kanyang storya? Alamin yan dito sa...