Alexis POV
*krinnggg* kinuha ko yung cellphone ko ng tumunog ito.
"Hello? Sino 'to?" Sabi ko pag sagot ko ng tawag
"Annyeong haseyo" sabi nung sumagot sa kabilang linya
"Ha? Ano yun?" Kunot noo kong tanong
"Haha, ang sabi ko hello. Nasaan ka?" Tanong niya
"Wait, Patrick?" Sabi ko tapos ay tiningnan ko yung number na gamit niya "nasa Pilipinas ka?" tanong ko
"Oo, hindi lang ako. Kasama ko rin si Riza tsaka si Patrizia" sagot niya
"Talaga? Kailan pa?"
"Kahapon lang, mag kita tayo mamayang gabe. Sama mo yung mag ama mo"
"Sige sige, saan ba?"
"Tetext ko sayo kung saan"
"Okay sige" sabi ko tapos ay pinatay ko na yung tawag
"Alexis, wala paba si Lexter?" Tanong ni Sixto
"Nag text si Seliz, nasa kanila daw si Lexter. Baka mamaya umuwi na rin yun" sagot ko
"Ah, sino kausap mo nga pala kanina?"
"Oo nga pala, si Patrick yun nasa Pilipinas na sila ni Riza gusto nila tayo makita mamaya"
"Talaga? Sige, tawagan mo na si Lexter para umuwi na siya"
"Sige" sabi ko
...
Lexter POV
"Anong ng yayari dito?" Tanong ni Seliz pagbaba niya.
"Wala" nakangiti kong sabi
"Nababaliw na tong pinsan mo" sabi ni Kurt
"Hindi naman, masaya lang ako" sabi ko.
*kriingg* kinuha ko yung cellphong ko ng tumunog ito.
"Excuse lang" sabi ko sa kanila, tapos ay lumayo ako kaonti bago ko sagutin yung tawag. "Ma? Bakit?" Tanong ko pag sagot ko.
..."Umuwi kana Lex, may pupuntahan tayo" sabi niya
"Saan?"
..."Nandito na sa Pinas ninong at ninang mo, si Patrick at Riza, kasama nila si Patrizia"
"Si Patrizia? Mom, alam mo naman yung nagawa ko sa kanya dati 'di ba? Muntik na siyang mamatay dahil sa akin, baka di pa niya ako napapatawad" sabi ko
..."Ano kaba? Ang tagal na non, baka nakalimutan na yun ni Patrizia. Basta umuwi kana, sasama ka samin ng papa mo"
"Aysh, okay mom" sabi ko tapos ay pinatay ko na yung tawag.
"Pinapauwi kana?" Tanong ni Seliz kaya tumingin ako sa kanila
"Oo, may puputahan daw kasi kami" sagot ko
"Saan?" Tanong ni Kurt
"Makikipagkita kami sa ninong ko"
"Ah, sige na alis kana" sabi niya
"Sige, Seliz, Justine, mauuna na ako ha" paalam ko
"Sige" sabi nila. Kinuha ko yung bag ko tapos ay umalis na ako.
~
Pagdating ko sa bahay, nakaready na sila mommy kaya agad akong naligo at nag palit ng damit. Pag tapos non ay agad din kaming umalis.
"Mom, kinakabahan po ako" sabi ko nung nasa tapat na kami ng restaurant kung saan daw sila magkikita nila ninong at ninang.
"Bakit ka naman kakabahan? Ang gwapo mo kaya" sabi ni dad. Hindi nga pala niya alam yung ng yari noon dahil nakakulong pa siya
BINABASA MO ANG
LEXTER
Mystery / Thriller|| Series of HNIA & AKP! || Si Lexter ay anak ni Alexis at Sixto na sinumpa ni Arleen na kapatid ni Steve. Ano ang mangyayari sa buhay ni Lexter? Magiging magulo kaya? Magiging masaya? O magiging nakakakilabot ang kanyang storya? Alamin yan dito sa...