CHAPTER 18

467 22 0
                                    

Patrick POV

"Kumain naba siya?" Tanong ko kay Riza pag upo niya sa sofa, sa tabi ko.

"Hindi ko alam, iniwanan ko na lang yung pag kain niya doon. Naaawa ako sa kanya Patrick"

"Miski naman ako, alam ko yung pinag dadaanan niya. Alam ko na para sa taong mahal mo lahat gagawin mo. Pero di ko kayang isakripsyo ang anak natin, di ko kayang mapahamak siya"

"Yun rin ang iniisip ko, pero... paano sila Alexis? Dahil ba dito mawawala yung matagal na nating pagiging mag kaibigan sa kanila?"

"Siguro naman naiintindihan nila tayo, susubukan ko rin na kausapan sila ulit. Hihingi ako mismo ng tawad sa kanila" sabi ko, hinawakan niya yung kamay ko.

*kriiingg!*

Sinagot ko yung tawag sa telepono na nasa gilid lang ng inuupuan namin..

"He----"

"Hello?" natigilan ako ng marinig ko boses ni Patrizia. Nakaconnect kasi yung telepono niya sa kwarto kaya naririnig ko siya.

"Patrizia?" Boses ni Lexter. Magsasalita sana si Riza pero agad kong tinakpan bibig niya at sumenyas na wag siyang maingay.

"Lexter?... bakit ka napatawag?"

"Kasi.... gusto ko humingi ng tawad, sorry kasi nadamay ka sa kamalasan ko" ramdam ko sa boses ni Lexter yung lungkot niya

"Wala ka dapat ihingi ng tawad, una palang alam ko na pwede akong madamay sa mga nang yayari sayo pero di ako lumayo, alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Dahil ayoko, dahil mahalaga ka sa akin, dahil.... gusto kita Lexter" napapikit ako sa sinabi niya, pero diko magawang pigilan sila sa pag uusap nila.

Saglit na tahimik si Lexter, pero nakarinig ako ng hikbi mula sa kanya.

"Gusto rin kita, pero mukhang di tayo nararapat para sa isa't isa" sabi ni Lexter

"Naiyak kaba? Tsaka ano ba pinag sasabi mo diyan? Diba gusto mo rin ako? Bakit di mo ko ipag laban tulad ng ginagawa ko ngayon? Handa kong gawin lahat para sayo, kahit buhay ko pa ang kapalit"

"Hindi ako papayag sa gusto mo! Ayoko madamay ka"

"Lexter" boses yun ni Alexis

"Mom nakapag disisyon na ako. Handa na akong mawala, wag lang madamay yung taong mahal ko" sabi ni Lexter

"Lexter ano bang pinag sasabi mo! Wag mong solohin lahat, hayaan mo kong damayan ka para malagpasan lahat ng yan! Diba mas mabuti ng mawala tayo parehas ng lumalaban kesa sa wala tayong ginagawa? Tsaka pag nawala ka paano ako?! Ilang taon akong nag tiis na malayo sayo, sana wag mo na akong pahirapan pa! Hayaan mo kong tulungan ka, please"

"Pero paano sila tito?"

"Tatakas ako, pupuntahan kita dyan"

"Walang tatakas!" Bigla kong sabi.

"Sinong tatakas?" Tanong ni Patrizia

"Dad? Kanina niyo paba kayo nakikinig?" Tanong ni Patizia

"Oo, hindi ka aalis sa kwarto mo. Hindi ka tatakas naiintindihan mo?!"

"No dad, i'm sorry pero nakapag disisyon na ako" pagkasabi niya non binaba na niya yung telepono.

"Patrizia!" Sabi ni Lexter

"Stop calling her"

"Pero tito... mahal po namin ang isa't isa"

LEXTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon