Nag lalakad ako papunta sa canteen ng school namin, medyo nagugutom kasi ako. Kung hindi lang ako nakakita ng dugo sa sandwich siguro hindi ko na kailangan pumunta pa ng canteen, lalo na at hindi ko naman kabisado ang school na 'to.
Habang nag lalakad ako, nakita ko si Clariza. Nakatingin siya ng sobrang sama kaya napayuko ako dahil makakasalubong ko siya. Umiwas ako sa kanya, dahil baka madamay siya sa kamalasan ko.
"Alam mo kung ayaw mo ng sandwich sana hindi mo nalang tinanggap. Hindi yung tinapon mo pa" napahinto ako sa sinabi niya. Ibig sabihin nakita niya na tinapon ko pala yun.
Tumingin ako sa kanya
"Clariza, hindi ko naman gustong itapon yun. Nabitawan ko kasi eh, pasensya na" sabi ko, tumingin siya sa akin. Yung tingin na sobrang lungkot.
"Ayos lang, simpleng sandwich lang naman yun eh" sabi niya. Mag lalakad na sana siya, pero nag salita ulit ako.
"Gusto mo sumabay sa akin kumain?" Tanong ko, na alam ko na hindi ko dapat sinabi ang mga yun.
"Talaga? Libre mo?" Tanong niya.
"O-oo, para makabawi din ako sa nagawa ko" sabi ko nalang.
"Okay sige" nakangiti niyang sabi. Bago kami mag lakad dalawa. Tiningnan ko muna yung paligid, baka kasi nandito nanaman yung itim na babae. Baka may mang yari nanaman na hindi maganda. Pero sa kabutihang palad, hindi ko siya nakita.
Canteen...
"Uy, may lovebirds" napatingin kami ni Clariza sa nag salita. Si Justine, kasama niya si Kurt.
"Paupo kami ha" sabi ni Kurt, tapos ay umupo sila sa tapat namin ni Clariza, mag katabi kasi kaming dalawa.
"Kayo ha, may something na agad sa inyo?" Pag bibiro ni Justine
"Oy Justine, shut up ka nga" saway ni Clariza sa kanya.
"Kumakain lang ng sabay may something na agad. Edi ibig sabihin may something din kayong dalawa kasi nakaen kayo ng sabay" pag bibiro ko. Nag katinginan naman silang dalawa tapos agad din naman umiwas ng tingin.
Yung tingin nila sa isa't isa, nakakatawa. Parang nandidiri sila na ewan.
"Oy ikaw kung ano ano pinag sasabi mo dyan. Kumain na nga lang tayo" sabi ni Kurt at nag simula na syang kumain.
"Lexter, sayo nalang tayo" may inabot sa akin si Justine na baunan
"Ano 'to?" Tanong ko
"Pinabaunan kasi ako ni mommy ng pagkain, ang kaso nag sasawa na ako eh. Pero masarap yan tikman mo" sagot niya
"Okay" nakangiti kong sabi. Tinanggal ko yung takip ng baunan. At pagbukas ko non na ihagis ko yun "HAA!" sabi ko sa sobrang gulat, nakita ko kasi na puro dugo yung laman non at may nagalaw galaw pang mga uod dito.
"Lexter bakit?" Pagtatakang tanong ni Justine, napatayo silang tatlo dahil nag kalat sa lamesa yung laman ng baunan.
"A-ah wa-wala. Mauuna na ako" paalam ko, agad akong umalis ng canteen at pumunta ng comfort room.
-
"Ano bang ng yayari sa akin?" Tanong ko habang nakatingin ako sa salamin. Binuksan ko yung gripo at nag hugas ng kamay doon, binasa ko rin yung muka ko para kahit papaano mahimasmasan ako.
Nung tumingin ulit ako sa salamin, nanlaki ang mga mata ko ng hindi tubig ang nakita ko sa muka ko... kundi dugo. Dahan dahan akong tumingin sa gripo, at napaatras ako ng hindi tubig ang nalabas dito kundi pulang likido.
"Hindi! Hindi!" Agad akong tumakbo palabas ng comfort room kahit pa nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang takot. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta takbo lang ako ng takbo.
BINABASA MO ANG
LEXTER
Mystery / Thriller|| Series of HNIA & AKP! || Si Lexter ay anak ni Alexis at Sixto na sinumpa ni Arleen na kapatid ni Steve. Ano ang mangyayari sa buhay ni Lexter? Magiging magulo kaya? Magiging masaya? O magiging nakakakilabot ang kanyang storya? Alamin yan dito sa...