CHAPTER 16

513 25 3
                                    

Patrizia POV

"wait guys, naiwan ko yung cellphone ko sa kwarto ni Lexter. Kukunin ko lang saglit" sabi ko sa kanila pagbaba namin ng hagdan

"Samahan na kita" sabi ni Kurt

"Ah hindi na, intayin nyo nalang ako dito saglit lang ako" sabi ko tapos ay nag madali akong umakyat ulit ng hagdan.

Habang naglalakad ako pabalik ng hagdan may nasalubong akong matandang lalaki. Titig na titig siya sa akin kaya naman napahinto ako at lumapit sa kanya

"Lolo, may problema po ba kayo?" Tanong ko

"Ikaw, ikaw yung babae" sabi niya kaya kumunot ang noo ko

"Ako? Ang ano po?" pagtataka kong tanong

"Ikaw ang babaeng makakatulong upang maligtas ang lalaking sinumpa" sabi niya

"Sinumpa?" Medyo napaisip ako sa sinabi niya, si Lexter lang ang kilala kong sinumpa. Ibig sabihin kilala niya ito "kilala nyo po si Lexter? Alam nyo po ba kung paano siya tutulungan?"

"Hindi ko siya matutungan, dahil ikaw lang ang makakatulong sa kanya. Ngunit ang buhay mo ang kapalit nito" sabi niya pag tapos ay naglakad na siya. Medyo naguguluhan ako sa pinagsasabi niya kaya hindi ko siya nasundan agad.

"Teka lolo!" Tawag ko sa kanya ng lumiko siya sa isang pasilyo, sinundan ko siya. Pero pag tingin ko roon ay wala na siya "nasaan na yun? bigla nalang---- HMMM!" pagpupumiglas ko ng may tumakip sa bibig ko. Nakaamoy ako ng kakaiba, at dahil doon nawalan ako ng malay.

***

Lexter POV

"Asan na sya?!" Inis kong tanong sa dalawa

"Sorry tol, ang sabi niya kasi kukunin lang niya yung cellphone niya kaya di na sya nag pasama" sabi ni Kurt

"Nakita ko na may kumuha sa kanya, pero di ko sila naabutan, natakot rin kasi ako eh. Pasensya na" nakayukong sabi ni Justine

"URGH!" inis kong sabi

"Anong nang yayari dito?" Tanong nila mommy

"Nasaan si Patrizia?" tanong ni tita Riza

"Ano po kasi---"

"Nawawala siya" putol ni Seliz sa sinasabi ko

"Paanong nawawala?" pag aalalang tanong ni tita Riza

"May kumuha raw sa kanya" sagot ko. Nakita ko sa mukha niya ang pag aalala tapos ay nag lakad na siya palayo sa amin

"Riza saan ka pupunta?" Tanong ni mommy sa kanya

"Kailangan malaman ito ni Patrick" sagot niya

"Tutulungan na kita mag hanap kay Patrizia" alok ni dad

"Salamat nalang, pero kailangan kong puntahan si Patrick para malaman nya yung nang yari" sabi ni tita Riza tapos ay tuluyan na itong umalis.

"Mom, i'm sorry kasalanan ko lahat ng 'to" sabi ko, lumapit sa akin si mommy at niyakap niya ako

"Wag mong sisihin sarili mo anak. Sigurado ako na matatapos na rin ang lahat ng 'to" sabi ni mommy, niyakap ko sya ng sobrang higpit dahil hinang hina na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko para matapos na ang lahat ng 'to.

~~~

"Inumin mo muna 'to" sabi ni dad tapos ay inabot niya sa akin yung kape. Bumalik na kami sa kwarto ko dito sa hospital. Sila Seliz umuwi muna silang tatlo kaya sila mommy nalang kasama ko dito.

"Salamat dad" sabi ko pagkuha ko ng kape

"Matatapos rin ang lahat, kaya wag kana masyadong mag alala dyan" sabi ni dad sabay tapik sa balikat ko, ngumiti lang ako ng bahagya sa kanya.

Napatingin naman kami sa pintuan ng pumasok si mommy dito.

"Mom, ano na pong balita? Nahanap na po ba si Patrizia?" Tanong ko.

"Oo" sagot niya, pero halatang malungkot pa rin siya

"Kung nahanap na pala siya, bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ni dad

"Eh kasi tiningnan namin yung cctv. May nakausap na matanda si Patrizia, sinundan niya ito"

"Yung matanda yung kumuha kay Patrizia?" Tanong ko

"Hindi... si Patrick, ang daddy niya ang kumuha sa kanya" sagot ni mommy

"Teka bakit naman gagawin yun ni Patrick?" Pagtatakang tanong ni dad

"Yun nga rin ang pinagtataka ko kaya tinawagan ko sya. At nung nakausap ko sya isa lang sinabi niya.... ayaw niya madamay ang anak niya sa problema ni Lexter kaya ilalayo niya ito"

Napayuko ako sa sinabi ni mommy. Tama si tito Patrick, yun nga siguro ang tama nilang gawin. Pero nakakalungkot lang kasi malalayo sa akin yung taong gusto ko.

"Anak, patawad kasi hindi ko nagawang pakiusapan si Patrick" hinawakan ni mommy kamay ko "alam kong gusto mo sya, kaya alam ko kung gaano kahirap yung pinag dadaanan mo ngayon"

"Okay lang po mom, wag kayong mag sorry"

"Pero alam kong matagal mo syang hinintay na makabalik dito sa Pinas"

"Pero mom kung sa ikabubuti naman po nya ang paglayo sa akin. Mas okay na po yun, kesa kasama ko nga sya mapapahamak lang naman sya" sabi ko, lumapit sa akin si mommy at niyakap ako

"Malaki kana talaga, marunong ka ng mag pahalaga sa taong mahal mo" sabi niya.

***

Patrizia

Pagmulat ko nalaman kong nasa kwarto na ako, sa sarili kong kwarto. Medyo nagtaka pa nga ako dahil alam ko may kumuha sa akin, kaya hindi ko alam kung bakit ako napunta sa kwarto ko.

Tumayo ako sa pagkakahiga at pumunta sa pintuan. Binubuksan ko yun, pero hindi ko sya mabuksan.

"Dad? Mom! Buksan niyo 'to!" Sabi ko habang kinakatok ko yung pinto. "Mom! Buksan niyo 'to ano ba!" inis ko ng sabi. Napaatras ako ng bumukas yung pinto at pumasok sila daddy.

"Bumalik ka sa kama mo" utos ni mommy sa akin. Tapos ay sinarado ni daddy yung pintuan

"Bakit? Ano bang nang yayari? Kayo ba yung kumuha sa akin?" Tanong ko

"Ako ang kumuha sayo" sagot ni daddy

"Bakit dad? Bakit niyo ginawa yun?"

"Dahil narinig ko yung sinabi sayo ng matanda. Ayokong madamay ka anak, ikaw lang ang meron kami ng mommy mo"

"Pero dad kaligtasan ni Lexter ang nakataya dito"

"At buhay mo naman ang pinag uusapan natin! Makinig kana lang sa amin ng mommy mo, dito ka lang sa kwarto mo at hindi ka lalabas"

"Pero dad---"

"Patrizia, makinig kana lang sa amin dahil ayaw namin na mapahamak ka" putol ni mommy sa sinasabi ko.

Napayuko ako at onti onting pumatak ang mga luha ko.

"Alam niyo kung gaano ako kaexited na umuwi dito sa Pinas, para makita ulit si Lexter. Alam niyo yung pinag dadaanan ko non tuwing tiningnan ko yung mga litrato niya. Alam niyo kung gaano kasabik na makita, makausap at mayakap siya. Alam niyo na gusto ko siya bata palang kami!" Tumingin ako sa kanila. "Mom, dad parang awa niyo na wag niyo ulit akong ilayo sa taong gusto ko. Handa akong gawin lahat para sa kanya"

"Kahit buhay mo pa ang kapalit?" Tanong ni dad

"Kahit buhay ko pa ang kapalit dad. Gagawin ko para lang bumalik na sa normal ang buhay niya. Dahil simula pagkabata niya alam kong hindi na naging normal ang buhay niya, kaya naman hindi ko sa kanya ipagkakait ang chance na maging maayos ang buhay niya"

"Pero Patrizia---"

"Please dad, hayaan niyo akong makapunta sa kanya" putol ko sa sinasabi niya. Nagkatinginan lang silang dalawa ni mommy.

***

Itutuloy...

LEXTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon