Bahay.
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko, nakaupo sa kama habang tinitingnan ang litrato ni Keyzie na galing kay Seliz.
Naalala ko yung pinag usapan namin kanina, kung paano niya ako pinagtabuyan.
...
"Dahil siya na ang susunod na mamatay"
"A-anong susunod na mamatay? Anong pinag sasabi mo diyan?!" Inis kong tanong sa kanya
"Wala na akong ibang sasabihin sayo, pero kung gusto mo talaga siya na hindi mapahamak--- lumayo kana sa kanya!"
"Pero kung talagang mapapahamak nga siya, 'di ba dapat hindi ako umalis sa tabi niya para mabantayan siya?"
"Hindi mo alam yung sinasabi mo. Mas mapapahamak siya pag nandyan ka"
"Eh bakit nga?! Anong kinalaman ko sa picture na 'to?!"
"Inuulit ko Lexter, wala na akong ibang sasabihin pa sayo. Umalis kana!" Hinila niya ako palabas ng kwarto niya, at nung nakalabas na ako itinulak pa niya ako.
"Seliz---"
"Wag mo na ako kukulitin tungkol diyan naiintindihan mo?--- Umalis kana!" Putol niya sa sinasabi ko tapos sinarado na niya yung pinto ng kwarto niya.
...
Malalaman ko rin Seliz kung ano ang ibig mong sabihin.
-
"Lexter, gising na"
"Hmm" kinusot ko ang mata ko "dad? Maaga pa po"
"May pupuntahan tayo kaya bumangon kana diyan" sabi niya kaya naman umupo ako sa kama.
"Saan po?" Tanong ko
"Sa pari, ipapatingin ka ulit namin ng mommy mo" sagot niya
"Kailangan pa po ba yun?"
"Oo, kaya bumangon kana diyan at maligo na. Tapos bumaba kana ha, bilisan mo" sabi niya tapos lumabas na siya ng kwarto ko.
Napabuga ako ng hangin at napakamot sa ulo ko. Tapos kinuha ko yung picture sa ilalim ng unan ko.
"Siguro nga mas mabuting pumunta ako sa pari, baka may alam sila tungkol dito" sabi ko, tinago ko ulit sa unan ko yung picture at agad na naligo.
Pag tapos ko maligo at mag bihis, agad akong pumunta kela mommy, pero bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko, kinuha ko muna yung picture at tinago yun sa bulsa ko.
"Tara na?" Sabi ni dad
"Hindi muna po ba ako mag aalmusal?" tanong ko
"May baon kaming pagkain mo. Malayo kasi ang byahe 'nak. Doon kasi ulit tayo pupunta sa pari na nagpagaling sayo noon" sagot ni mommy.
"Ah okay, tara na po" sabi ko
"Tara" sabi ni dad.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse. Parehas silang nasa unahan nakaupo, at syempre sa backseat ako.
"Oh kumain kana" sabi ni mommy at inabot niya sa akin yung dala niya.
"Thank you po" sabi ko pagkakuha ko nito. Nilabas ko yung sandwich. Kakagatin ko na sana yun pero may naramdaman akong gumalaw sa kaliwang kamay ko kung saan ko hawak yung sandwich.
"Uod?" Mahina kong sabi ng makita ko kung ano yung nagapang. Agad ko yung pinitik para maalis sa kamay ko.
Saan ng galing yun?
BINABASA MO ANG
LEXTER
Mistério / Suspense|| Series of HNIA & AKP! || Si Lexter ay anak ni Alexis at Sixto na sinumpa ni Arleen na kapatid ni Steve. Ano ang mangyayari sa buhay ni Lexter? Magiging magulo kaya? Magiging masaya? O magiging nakakakilabot ang kanyang storya? Alamin yan dito sa...