C H A P T E R 3

726 29 2
                                    

Mall.

Para akong baliw dito na sinusundan si Keyzie. Tuwing lilingon siya sa akin agad akong nag tatago, kapag di ko kasi ginawa 'to siguradong mag aalala lang ako ng sobra sa kanya.

"Nasaan na siya?" Kunot noo kong tanong ng bigla siyang mawala sa paningin ko.

"Ako ba hinahanap mo?" Napatingin ako sa likuran ko at napaatras.

"U-uy, ikaw pala. Ah h-hindi, hindi ikaw yung hinahanap ko" pag sisinungaling ko

"Talaga ha, akala mo ba di ko napapansin na kanina mo pa ako sinusundan" nakangisi niyang sabi

"Sinusundan kita? Hindi nuh, may bibilihin din ako dito. That's why im here" pag papalusot ko

"Okay, sige bye" nagkibit balikat siya tapos ay umalis na

"Ah teka" hinabol ko siya at pumunta sa harapan niya kaya napahinto siya sa pag lalakad

"Oh bakit?"

"Naisip ko lang, tutal wala ka naman kasama. Wala rin akong kasama, hmm, baka gusto mong samahan nalang kita"

"Ah...."

"Please" pag pupumilit ko

"O-okay, sige" sabi niya

"Yun!" Sabi ko "so tara? Anong bibilhin mo dito?" Tanong ko

"Actually wala akong bibilhin dito, pupuntahan ko mommy ko dahil pinapunta niya ako dito. May pet shop kasi siya dito"

"Talaga? Kung gano'n tara na" sabi ko kaya nag lakad na kaming dalawa.

Pag dating namin sa pet shop, agad niyang pinuntahan mommy niya habang ako nag titingin ng mga Shih Tzu dito.

"Gusto mo ba niyan?" Tiningnan ko yung nag salita. Kasma niya si Keyzie, siguro siya yung mommy niya.

"Ah, opo, maganda po siya" nakangiti kong sabi sabay tingin kay Keyzie

"Yung aso o yung anak ko?" Tanong niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"A-ahm parehas po" sabi ko sabay ngiti.

"Ah mommy siya si Lexter, siya yung kasama ko po ngayon" singit ni Keyzie

"Gwapo siya ha, bagay kayo" nakangiting sabi ng mommy niya

"Mom, ano ba kayo" saway sa kanya ni Keyzie

"Oh bakit?" Tanong niya dito, tapos ay tumingin ulit siya sa akin "ako nga pala si Karla, mommy ni Keyzie. Kapag liligawan mo anak ko, mag sabi ka lang at papayagan kita agad" natatawa niyang sabi kaya naman medyo napanganga ako.

"Ah---"

"Mommy, aalis na kami sige na bye" putol ni Keyzie sa sinasabi ko tapos ay hinila na niya ako palabas ng shop ng mommy niya.

Habang nag lalakad kami palayo sa pet shop. Kung ano ano ang sinasabi ni Keyzie, at hanggang ngayon hawak pa rin niya yung kamay ko.

"Nakakainis talaga si mommy! Lakas mang asar" Sabi niya

"Ahm okay lang yun. Nakakatuwa nga mommy mo eh" sabi ko. Napahinto siya sa pag lalakad kaya huminto rin ako sa pag lalakad, tapos no'n napatingin siya sa kamay ko na hawak niya. At dahil doon agad niyang binitiwan yung kamay ko

"S-sorry, di ko napansin na hawak ko pa pala kamay mo" sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.

"Ayos lang" nakangiti kong sabi

"Okay, ah sige una na ako ha" paalam niya

"Ihatid na kita sa inyo" sabi ko

"Ha? Wag na, 'di ba sabi mo may bibilhin ka pa?"

LEXTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon