Chapter 21 -Last Chapter-

822 34 7
                                    

Lexter POV

"Hanggang dyan kana lang!" Sabi ni Arleen. Pagtapos ay bigla akong lumutang

"Lexter!" Sigaw ni Erick

"Ibaba mo ako!" Pagpupumiglas ko ng hawakan niya ang leeg ko

"Nasaan siya?! Anong ginawa niyo sa kanya!" Galit na galit niyang tanong

"Si-sino?"

"Ang kuya ko! Bakit hindi ko siya mahanap?!"

"Wala akong alam sa sinasabi mo"

"Arleen ibaba mo siya!" Sigaw ni Brix

"Hindi! Sabihin niyo muna sa akin nasaan ang kuya ko! Bakit hindi ko siya mahanap?! Patay na ba talaga siya?!"

"Oo patay na siya, at marahil kaya hindi mo siya mahanap dahil hindi niya alam kung saan siya pupunta" -Brix

"Kung ganon dalhin niyo sa akin ang kapatid ko, hanapin niyo siya!"

"Ibaba mo muna si Lexter!" -Erick

"Hindi! Para ano, para tumakas ulit kayo?! Hanapin niyo siya kung ayaw niyong mamatay 'tong batang 'to!"

"Hi-hindi na ako makahinga" sabi ko lalo kasing humihigpit ang hawak niya sa leeg ko

"Pero hindi namin alam kung saan siya mahahanap" -Brix

"Wala akong pakelam! Basta hanapin niyo siyaaaaa!" Pagkasigaw na niya no'n ay binalot nanaman ng kadiliman ang buong paligid.

"LEXTER!" Sigaw nila Brix.

*

Patrizia POV

"Saan tayo ngayon mag hahanap?" Tanong ko sa kanila

"Basta, mag lakad lang tayo" sabi ni Ria

"Pero kanina pa tayo nag lalakad. At sa tingin ko hindi naman tayo nalayo sa kinaroroonan natin kanina" napahinto sila sa paglalakad kaya tinuro ko yung mansion, tanaw pa rin namin yun hanggang ngayon.

"Nagpapaikot-ikot lang tayo" sabi ni Renz

"Bakit hindi natin subukang humingi ng tulong kay Marco? Baka kasi may nangyayari ng di maganda kay Lexter. Baka mahuli tayo ng dating"

"Pero hindi namin alam kung dapat ba tayong maniwala sa kanya" -Ria

"Kung ayaw niyong humingi ng tulong sa kanya. Ako nalang" pagksabi ko noon ay agad akong bumalik sa mansion.

Pag pinatagal pa namin 'to baka hindi nanamin maabutan ng buhay si Lexter.

Pagbukas ko ng pintuan, nakatayo na agad sa harapan ko si Marco.

"Sabi ko na eh, babalik ka"

"Kailangan ko ng tulong mo, wala ng oras"

"Patrizia" hinawakan ni Ria yung braso ko pag dating nila

"Kung gugustuhin ng mga kasama mo, tutulungan ko kayo"

"Tss, iniipit mo lang kami. Siguro kagagawan mo kung bakit paikot-ikot lang kami sa lugar na 'to ano?" nagkibit balikat lang si Marco sa sinabi ni Renz kaya nilapitan niya ito at sinuntok. Pero parang bato ang ulo ni Marco na hindi man lang natinag.

"Renz baka nakakalimutan mong patay na tayo kaya hindi mo na ako magagawang saktan pa. Mamili nalang kayo, ang pride niyo o ang kaligtasan ng batang kasama niyo"

"Nagmamakaawa po ako sa inyo. Pumayag na kayo" pakiusap ko

"Sige, para sa mga bata. Bilisan mo" sabi ni Renz at agad kaming lumabas ng mansion. Pag tapak na pag tapak palang namin palabas bigla nalang bumuka ang lupa at nahulog kami doon.

LEXTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon