C H A P T E R 7

562 30 2
                                    

Dedicated to HambreRose . Thanks sa soporta :)

...

Onti onti akong dumilat. At pag gising ko, wala na ako sa gitna ng kalsada.

"Nasaan ako?" Bumangon ako pero may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Seliz"

"Humiga ka ulit mag pahinga ka muna" sabi niya.

"Nasaan ako? Anong ng yari?" Kunot noo kong tanong.

"Nasa hospital ka, hindi ko naman kasi alam sayo kung bakit matutulog ka sa gitna pa ng kalsada" sermon niya

"H-hindi ako natutulog no'n Seliz. Nakita ko kasi na puro dugo ang damit ko at yung kamay ko, kaya naman nawalan ako ng malay" sabi ko

"Kalalaki mong tao takot ka sa dugo. Buti nalang naka preno yung kotse na muntik ng makabangga sayo, kundi patay kana sigurado"

"Salamat nalang talaga sa Diyos at hindi niya ako pinabayaan"

"Saan ka ba nang galing kasi? Bakit hindi mo kasama sila tita?"

"Kay--- sa bahay nila Keyzie"

"Ano?! 'Di ba sabi ko sayo wag kang pupunta doon?!" galit niyang sabi

"Wala naman akong ginawa doon eh--- hindi ako sigurado kung anong ginawa ko doon. Para akong nawala sa sarili ko, nung bumalik na ako sa katinuan--- nasa gitna na ako ng kalsada, puro dugo" sabi ko. Nakita ko naman yung pamumutla ng muka niya. "Anong ng yari sayo?" Kunot noo kong tanong

"Lexter, matigas kasi ulo mo! Sigurado akong pinahamak mo siya!" Sabi niya tapos aalis na sana siya pero hinawakan ko kaagad yung kamay niya.

"Teka ano ba ang ibig mong sabihin?" Tanong ko... pero ang sagot niya ay isang...

*P a k!* malakas na sampal.

"Tulog ka paba ha?! Gumising kana Lexter! Sa tingin mo bakit puro dugo ang mga kamay mo at damit mo ha?!"

"W-wag mong sabihin na--- pinatay ko siya?" Nanghihina kong sabi. Para kasing di ako makapaniwala sa iniisip ko.

Tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Hindi ko alam kung patay na siya ngayon, pero siguradong sinaktan mo siya. Ayoko nang madamay pa sayo Lexter kaya huling tulong ko na sayo 'to. Bayad na lahat ng bill mo rito, pwede ka ng lumabas. At wag kang mag alala hindi ko sinabi kela tito yung tungkol sayo para hindi sila mag alala" sabi niya tapos ay tuluyan na siyang umalis.

Naiwan akong tulala dito, pilit kong inaalala kung ano ba ang ng yari talaga. Pero kahit anong gawin ko, wala talaga akong maalala miski isa.

-

Pagka galing ko ng hospital dumeretsyo na ako ng bahay. Gusto ko sana dumaan sa bahay nila Keyzie kaso natatakot ako eh, dahil baka mamaya totoo nga yung nasa isip ko.

"Lexter, bakit ngayon ka lang?" Tanong ni dad

"Ahm, nag kita po ulit kasi kami ni Seliz may napag kwentuhan lang po kaya ngayon lang nakauwi" pag papalusot ko

"Bakit iba na yung damit mo?" Tanong naman ni mommy kaya napatingin ako sa damit ko.

Itong damit na 'to pinabili ko pa ito sa isang nurse para lang makauwi na ako.

"Kumain po kasi kami ng ice cream kanina. Eh natapunan po kaya nag palit ako ng damit" pag papalusot ko ulit "ah sige po akyat muna po ako. Gusto ko muna pong matulog" paalam ko tapos ay agad akong pumanik sa taas.

Pag pasok ko sa kwarto ko agad akong humiga sa kama ko at napahawak ako sa ulo ko. Masakit kasi siya, dahilan siguro 'to ng pagka bagsak ko kanina. At para mawala yung sakit ng ulo ko, natulog muna ulit ako. At sa pagpikit ng mata ko, may nakita nanaman akong imahe.

LEXTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon