Bahay.
"Lexter, saan ka ba ng galing ha?" Tanong ni mommy pag pasok ko ng bahay.
"Sa mall lang po" sagot ko
"Bakit hindi ka nag papaalam? Sobra kaming nag alala sayo, nakapatay pa phone mo. Buti nalang at sinundan ka ni Seliz" sabi ni dad, kinuha ko naman yung cellphone ko dahil sabi ni dad na nakapatay daw yun.
"Lobat pala cellphone ko, sorry mom, sorry dad. Hindi na po mauulit" sabi ko
"Dapat lang, sige na pumasok ka muna sa kwarto mo at mag pahinga muna, tatawagin ka nalang namin pag kakaen na" utos ni mom
"Okay po" sabi ko tapos ay pumanik na ako papunta sa kwarto ko.
Umupo ako sa kama ko at tinanggal yung sapatos ko. Tapos ay tinanggal ko rin yung t-shirt ko at nahiga na.
"Makinig ka sa akin, layuan mo siya dahil mas lalo siyang mapapahamak kapag nandyan ka" -naalala ko yung sinabi ni Seliz, ano ba talaga ang gusto niyang sabihin?
"Hays, makatulog na nga lang muna"
Pinikit ko ang mata ko, at sa pag pikit ko. Para nalang akong biglang napunta sa ibang mundo.
"Nasaan ako?" Tanong ko ng makita kong puro puti lang ang paligid ko. "Mom! Dad?!" Tawag ko pero walang nasagot.
Nag lakad ako ng nag lakad pero parang walang katapusan ang nilalakaran ko, wala akong lagusan at pintuan man lang na nakikita. At habang nag lalakad ako, may nakita akong lalaki na nakatalikod.
"Dad?" Tumakbo ako papalapit sa kanya. "Dad!" Hinarap ko siya sa akin, pero mali ako, hindi siya si dad kaya napahakbang ako palayo sa kanya
"Wag ka matakot" sabi niya
"Sino ka? Nasaan ba ako?" Tanong ko
"Nandito ka sa lugar ng mga naliligaw na kaluluwa" sagot niya kaya nanlaki ang mata ko
"N-naliligaw na kaluluwa? Ibig sabihin patay na ako?"
"Hindi ka pa patay... nandito ka, para mabalaan sa pwedeng mang yari sayo"
"Mang yari sa akin? Saan?" Kunot noo kong tanong
"Babalutin ka ng dilim, kailangan mong malabanan yun dahil kung hindi, maaring kahit kailan man ay hindi ka na makakita pa ng liwanag"
"H-ha? Manong hindi ko po gets, paki linaw nga po"
"Umalis ka na! Tumakbo ka hanggang kaya mo! Dahil kung hindi lalamunin ka ng kadiliman!" Sigaw niya
"P-pero wala naman labasan 'to"
"Takbo! TAKBO!" utos niya tapos ay tinulak niya ako ng mahina kaya wala na akong nagawa kundi tumakbo palayo sa kanya "WAG KANG TITIGIL SA PAG TAKBO!" sigaw niya. Nilingon ko siya habang natakbo ako, onti-onti siyang binabalot ng kadiliman. At gano'n din ang buong paligid, binabalot ng kadiliman. Kaya binilisan ko yung pagtakbo, dahil kung hindi pati ako'y mababalot ng kadiliman.
Saan ako lalabas? SAAN?!
-
"Lexter! Lex!" Napabalikwas ako ng bangon habang hinahabol ko ang pag hinga ko dahil sa pagod.
Ramdam na ramdan ko yung pagod sa pag takbo ko, parang hindi siya panaginip, para siyang totoo.
"Anak uminom ka muna" sabi ni mom, inabutan niya ako ng tubig kaya ininom ko kaagad yun.
"Salamat po" hinihingil ko pang sabi
"Lexter ano bang ng yayari sayo ha? Ungol ka ng ungol, tapos ngayon para ka namang hinihingal" nag aalalang tanong ni dad.
BINABASA MO ANG
LEXTER
Mystery / Thriller|| Series of HNIA & AKP! || Si Lexter ay anak ni Alexis at Sixto na sinumpa ni Arleen na kapatid ni Steve. Ano ang mangyayari sa buhay ni Lexter? Magiging magulo kaya? Magiging masaya? O magiging nakakakilabot ang kanyang storya? Alamin yan dito sa...