C H A P T E R 1

1K 34 6
                                        

"Hey Oppa! Wait!" Sabi nang batang si Patrizia. Si Patrizia ay anak nila Patrick at Riza. Anim na taon na siya ngayon.

"Patrizia, can you please leave me alone!" Inis na sabi ni Lexter. Si Lexter ay sampung taon na sa ngayon.

"Oppa, i want to play with you... Please" malungkot nyang sabi.

"Play? Tss, call your hanyeo, tapos doon ka makipag laro!"

"Pero kuya... Gusto ko ikaw ang kalaro ko!"

"Pwede ba wag ka makulit! Oras na sumunod ka sa akin hinding hindi mo na ako makikita pa!" Banta ni Lexter, kaya naman huminto na sa pag sunod si Patrizia sa kanya.

-

Pumunta si Lexter sa isang lugar na parang gubat. At kung ano ang dahilan ay hindi niya alam. Basta ang kanyang pakiramdam ay parang may nahila sa kanya papunta dito.

"Lexter"

Napalingon si Lexter sa kanyang likuran nang may tumawag sa kanya.

"Sino yan!" Tanong niya

"Lexter"

Hinanap nang paningin ni Lexter kung saan nag mumula ang boses na yon, ngunit wala naman syang makitang ibang tao sa kanyang kinaroroonan niya.

"Magpakita ka! Wag kang duwag!" Inis nyang sabi.

"Makikita mo rin ako... Oras na matuto ka nang umibig"

"Tss, ano bang pinag sasabi mo diyan ha?! Sino ka ba?!"

"Ako, ako si---"

"Lexter!" Nilingon niya ang kanyang mommy nang tawagin siya nito. Agad itong lumapit sa kanya na halatang nag aalala. "Anak, ano bang ginagawa mo dito ha?"

"Mom, hi-hindi ko rin alam. Para kasing may nahila sa akin papunta rito"

"Umuwi na tayo!"

"Wait mom, may ibang tao dito. May tumatawag sa akin kanina" medyo nanlaki ang mata ni Alexis sa sinabi niya

"Uuwi na tayo ng Manila, babalik na tayo doon" sabi niya tapos ay hinila na niya si Lexter papunta sa bahay nila.

-

Pag dating nila sa kanilang bahay agad niyang pinaasikaso sa mga katulong nila si Lexter para mapaliguan na ito at maiayos ang mga gamit nila.

"Alexis, talaga bang babalik na kayo ng Manila?" Tanong ni Riza

"Oo, hindi parin kasi siya natahimik. Sinusundan parin niya kami kahit saan kami pumunta. Ayaw niyang tigilan ang anak ko! Hindi kayang paalisin ng mga pari dito ang masamang kaluluwa ni Arleen, kaya babalik na kami ng Manila. Baka sakali doon, baka maalis na ang kaluluwang nasunod sa anak ko"

"Kung ganoon, saamin nalang kayo sumabay ni Riza. Tutal papunta na rin kami ng airport" aya ni Patrick

"Sige, mabuti pa nga" sabi ni Alexis.

Simula ng isilang si Lexter, lumuwas na sila nito ng probinsya dahil na rin sa kagustuhan ni Sixto. Tumira sila sa lola nito sa loob ng sampung taon. Pero nung limang taon si Lexter namatay ang lola ni Sixto dahil sa kagagawan nito. Itinulak ni Lexter sa hagdan ang lola niya na dahilan kung bakit ito nahulog. At kung bakit niya yun ginawa ay sa kadahilanang may nag utos daw sa kanya, ang babaeng hindi niya nakikita pero lagi niyang nakakausap. Ang kaluluwa ni Arleen.

Simula noon hindi na matahimik si Alexis kaya kung kani-kaninong pare na niya ito pinatingnan, ngunit walang ng yayari at walang nag babago sa bata. Palagi parin itong nagigising sa hating gabi at umiiyak dahil may itim na tao raw siyang nakikita sa panaginip niya. At ngayon naman ay dinadala na ito sa gubat kung saan maaari siyang mapahamak.

LEXTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon