C H A P T E R 6

597 31 5
                                    

Alexis POV

"Pa, parang ang tagal naman ata nila doon. Puntahan na kaya natin sila" sabi ko, medyo kinakabahan kasi ako eh.

"Wait lang ma, malapit na raw si Seliz dito" sabi niya. Tumawag kasi si Seliz at sinabing gusto niyang makita si Lexter kaya naman pinapunta nalang namin siya dito. "Oh ayan na pala eh" sabi niya. Pumarada yung kotse nila sa harap namin, agad na bumaba yung driver at pinag buksan ng pinto si Seliz.

"Tita, tito nasaan po si Lexter?" Tanong niya at para bang nag mamadali siya.

"Nasa office pa ni pastor" sagot ni Sixto.

"Puntahan na po natin siya, tara na po" sabi niya tapos nauna na siyang mag lakad saamin ni Sixto, at dahil doon nag katinginan kaming dalawa.

"Anong ng yayari doon? Bakit nag mamadali siya?" Kunot noo kong tanong

"Malay ko, sundan nalang natin siya. Tara na" sagot niya kaya sumunod na kami agad kay Seliz.

-

Pag pasok namin ng office ni pastor Nestor. Nakita nalang namin syang walang malay na nakahiga sa sahig. At pag tingin namin kay Lexter, nangingitim ba ang mga labi nito at--- hindi na nahinga.

"Lex?! Lexter!!!" Agad akong lumapit sa kanya at inalog alog siya.

"Dalhin na natin siya sa hospital" sabi ni Sixto, bubuhatin na sana siya nito pero pinigilan siya ni Seliz.

"Wag, buhay pa siya. Ilabas n'yo nalang yung pari. At pati na rin kayo lumabas" utos nito.

"H-ha? At bakit?" Kunot noo kong tanong. Tiningnan niya ako, yung tingin n'ya sobrang nakakatakot. "Seliz?"

"Lumabas na kayo tita, labas na!" Sabi niya. Kaya napaatras naman ako.

"O-okay" sabi ko, tinulak ko si Sixto at sinenyasan na buhatin yung pari palabas. Pag tapos lumabas na kami. Pag labas namin agad na sinarado ni Seliz yung pinto.

...

Author POV

Lumapit si Seliz kay Lexter. Hinawakan nito ang puslo niya.

"Lexter, alam kong naririnig mo ako" sabi niya.

Habang si Lexter na patuloy pa rin sa pag takbo sa lugar ng kaluluwang ligaw. Napatigil ito sa pag takbo ng marinig niya ang boses ni Seliz.

"Seliz?... Tulungan mo ako!!!" Sigaw niya.

Naramdaman ni Seliz na pumintig ang pulso nito. Senyales na naririnig siya ni Lexter.

"Pumikit ka, tapos sabayan mo ako sa pag dadasal. Yun lang ang natataring paraan para makaalis ka diyan" sabi ni Seliz

Kaya naman pumikit nga si Lexter. At ng mag simulang mag dasal si Seliz, sinasabayan niya ito.

"Iligtas mo ako panginoon"

"Iligtas mo ako panginoon"

"Alisin mo ako sa lugar na 'to"

"Alisin mo ako sa lugar na 'to"

"Sa pangalan ni Jesus"

"Sa pangalan ni Jesus"

"Amen"

"Amen"

Pagtapos no'n ay bigla nalang dumilat ang katawang lupa ni Lexter. Bumangon ito habang hinahabol nito ang kanyang pag hinga.

"Tubig, penge tubig" sabi niya. Kaya tumayo si Seliz para kunin yung tubig na nasa lamesa. Pag abot niya nito kay Lexter agad niya itong ininom sa sobrang pagod.

LEXTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon