Chapter 19

489 26 2
                                    

Lexter POV

Tatlong araw na ang nakakalipas, nakalabas na ako ng hospital. Si Patrizia naman kasama ko na ngayon, pinayagan na siya nila tito na tulungan ako, kaya ngayon nandito kaming lahat sa bahay nung matanda para gawin ang pag alis sa akin ng sumpa.

"Bago mo simulan yung gagawin mo, may gusto lang akong itanong" sabi ni tito doon sa matanda

"Ano yun?"

"Bakit si Patrizia pa? I mean bakit ang anak ko pa ang sinasabi mong nakatakda para makaalis ng sumpa? Bakit hindi isa sa pamilya niya, dyan sa mga kaibigan niya. Paano mo ba nasabi na ang anak ko ang nakatakda?" Tanong ni tito, lahat kami napatingin sa matanda. Ngayon ko lang rin naisip, bakit nga ba si Patrizia ang sinasabi niyang nakatakda para matanggal ang sumpa sa akin?

"Dahil sa nag liliwanag niyang mata. Marahil ay hindi niyo ito makikita dahil hindi kayo ako. Wala kayong kakayanan para makita ito. Siya lang ang may kakayanan makaalis sa lugar ng mga ligaw na kaluluwa"

"Doon ako laging napupunta tuwing nanaginip ako" sabi ko

"At hindi ka makaalis dito tama ba?" Tanong ng matanda sa akin

"Oo, dahil lagi itong binabalot ng dilim at dahil doon kinakailangan kong umalis para hindi ako mabalot ng kadiliman" sagot ko

"Eh paano naman ang anak ko? Paano kung mabalot siya ng kadiliman na sinasabi ni Lexter?" Tanong ni Riza

"Hindi yun mang yayari. Dahil hindi naman siya ang sinumpa at dahil sa kanyang mga matang nag liliwanag ay makikita nya ang lagusan papunta sa kanyang pakay" sagot ng matanda

"Kung ganon sige, simulan nyo na para matapos na" sabi ni tito tapos ay lumapit sya kay Patrizia at niyakap 'to ng mahigpit "sana pag tapos nito maging masaya ka ng lubusan. Mahal na mahal kita anak"

"I love you too daddy" sabi ni Patrizia, umalis na sa pag kakayakap sa kanya si tito tapos ay tumingin ito sa akin

"Salamat po" sabi ko, tinapik lang nya yung balikat ko at ngumiti

"Ingatan mo sya" bilin nya

"Pangako po" sabi ko

"Simulan na natin" sabi ng matanda kaya naman humiga na kami ni Patrizia sa kama. Dalawang kama yun at mag kalayo kaming dalawa.

May sinuot sya sa kamay naming dalawa parang bracelet pero mag tali yun na nag dudugtong sa amin ni Patrizia.

"Ano po ito?" Tanong ko

"Ito ang mag sisilbing mata namin sa mang yayari sa inyo. Sa oras na maputol ang tali ibig sabihin non ay nag tagumpay si Patrizia na makaalis sa lugar ng mga kaluluwang ligaw. At sa oras na muling mag dugtong ang naputol na tali, ibig sabihin ay magkasama na muli kayong dalawa. Pag nang yari yun maaari ng wala na ang sumpa sayo"

"Eh paano kung hindi nag dugtong yung mga tali? Anong sabihin non?" Tanong ni mommy

"Edi ibig sabihin may napahamak sa kanila. At malalaman lang natin kung sino yun kapag nasunog ang tali sa suot nila" sagot ng matanda. Nakita ko sa mukha nila mommy na natatakot sila sa pwedeng mang yari kaya ngumiti ako sa kanila. "Mag dasal muna tayo bago nating simulan ang lahat ng 'to" sabi ng matanda kaya lahat kami ay pumikit.

....

Pag tapos naming mag dasal, lumapit sa akin ang matanda at may binulong sa akin.

"Pag nakita mo siya ulit halikan mona sya agad wag mo na sayangin pa ang pagkakataon"

"Po?"

"Aysh, wala pinapalakas ko lang loob mo!" Sabi niya sabay palo sa dibdib ko

"Ah!" Daing ko

LEXTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon