CHAPTER 10

520 25 4
                                    

Alexis POV

"Brix" sabi ko, kaya napatingin sa akin si Sixto "Ah, sorry"

Tumayo siya at lumapit sa akin

"Ma, may problema ba? Napapansin ko kasing minsan tulala ka, tapos natawag mo pa akong Brix" Tanong niya, at sa muka niya halatang nag aalala siya sa akin

"Pasensya na talaga pa, ahm nagugutom ka ba? Gusto mong pag handa kita ng makakaen?"

"Sa tingin mo ba makakaen ako ng ayos kung ganyan ka? Sabihin mo kung ano yung problema, wag mong solohin" sabi niya, napabuntong hininga naman ako

"Ang totoo kasi nyan, ilang araw ko ng napapanaginipan si Brix, may sinasabi siya sa akin pero hindi ko naman maintindihan kung ano yun. Basta narinig ko lang sa kanya na ingatan ko si Lexter. Tapos non bigla nalang siyang nawawala... Pa nag aalala ako kay Lexter, matagal ng patay si Brix, kaya ang pinag tataka ko... paano niya nakilala si Lexter?" Sabi ko, bigla naman kumunot ang noo niya na para bang nag tataka rin sa sinabi ko.

Sobra na akong nag aalala sa anak ko, sana naman okay lang siya ngayon.

**

Lexter POV

Pagbalik ko sa school, dumeretsyo agad ako sa room kung saan ko naiwan gamit ko, sakto naman na uwian na. Pag kuha ko ng bag ko, lumabas na ulit ako, at doon nasalubong ko sila Justine

"Oh tol, saan ka ng galing?" Tanong ni Justine

"Ahm, may emergency kasing ng yari eh" sagot ko

"Emergency? Tss" sabi ni Kurt, tapos non umalis na siya

"Anong problema non?" Tanong ko

"Wag mo na siyang intindihin, tinotopak lang yun" sabi ni Clariza

"Ah, sige una na ako ha" paalam ko, aalis na sana ako pero hinawakan ako ni Clariza sa braso "bakit?" Tanong ko

"Pupunta kami mall ni Jus, sama ka?" Tanong niya

"Hi-hindi na, next time nalang" sabi ko

"Tol, nag cutting kana nga eh. Tatanggihan mo pa ba kami ngayon? Tara na" sabi ni Justine tapos ay hinila na niya ako kaya wala na akong nagawa.

...

Pag dating namin sa mall, bumili lang kami ng ice cream tapos ay pumunta kami ng 4th floor kung saan wala masyadong tao.

"Dito muna tayo, tapos arcade tayo pag ubos na yung ice cream natin" sabi ni Clariza.

"Wait cr lang ako" paalam ni Justine

"Sige" sabi ko nalang. Napatingin ako sa paligid. Wala talaga masyadong tao dito, mabibilang lang sa kamay ang nandito tapos sobrang layo pa nila sa amin. Wala pang mga store dito, siguro ginawa talaga 'to para matambayan.

Habang natingin ako sa paligid, bigla akong kinabahan. Biglang tumaas ang mga balahibo ko ng hindi ko alam kung bakit, at ang nakakainis pa bigla pa akong nahilo.

"patayin mo siya" narinig kong may bumulong sa akin kaya hinanap ko yun. "Itulak mo siya" bulong niya ulit

"SINO YAN?!" tanong ko

"Lexter, anong problema?" Tanong ni Clariza. Tumingin ako sa kanya, pagtapos non ay nandilim na ang paningin ko.

Ang susunod ko ng nakita, nasa loob na ako ng presinto kasama si Justine.

"Okay kana ba?" tumingin ako sa nag salita, yung pulis.

"A-anong ng yari? Bakit nandito tayo?" Tanong ko kay Justine, pero hindi niya ako inimik.

LEXTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon