Chapter 11

528 28 5
                                    

Seliz POV

Nandito kami ngayon sa bahay namin, wala sila dad at mommy kaya dito na lang muna kami tumuloy. Yung dalawa kasama rin namin, hindi ko alam kung naniniwala naba sila sa amin o hindi, pero wala na akong pake doon buhay nila yan eh.

"Ano ng balak niyong gawin? Hindi pwedeng manatali na nakalaya siya, baka marami pa siyang mapatay" sabi ni Kurt

"Sa tingin ko, babae lang naman ang pinapatay niya kaya wag kang matakot Kurt" sabi ni Justine

"Tama ka Justine, babae lang ang pinapatay niya. Lahat ng babaeng didikit sa kanya at magkakagusto sa kanya" sabi ko

"Eh paano naman na ganon lang ang pinapatay niya?" Kunot noong tanong ni Kurt. Tumingin ako kay Lexter, nakayuko lang siya at walang imik

"Hindi ko alam, pero base sa pag iimbistiga ko yun lang ang tingin ko" sagot ko

"So yung lola niyo may gusto sa kanya? Kasi pinatay niya rin eh" pilosong sabi ni Kurt kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Tanga ka? Iba ang dahilan kung bakit niya pinatay si lola" sabi ko

"Kung ganon ano?" Biglang tanong ni Lex kaya napatingin kami sa kanya. Tumingin siya sa akin ng seryoso "ano ang dahilan? Bakit ko pinatay si lola?"

"Dahil sa... nalaman niya ang sumpa sayo" sabi ko tapos ay kinuha ko sa bag ko yung picture na lagi kong dala. Binigay ko yun kay Lexter "yung dumalaw kami doon, natatandaan mo yung pinicturan tayo ni lola na mag kasama noon? Yan ang lumabas sa larawan" sabi ko

Ang itsura kasi ng litrato eh ang itim niya, sobrang itim na para siyang anino. Samantalang ako eh normal naman sa picture at lahat ng backround namin, siya lang talaga ang kakaiba. Nung nakita yun ni lola pinakita niya rin yun sa akin, nung una natakot ako. Pero dahil mahilig akong mag basa ng kung ano anong libro, nalaman ko doon na sinumpa siya. Sinabi ko yun kay lola, at kinabukasan pag uwi namin, nalaman nalang namin na namatay si lola. Inalaman ko yung dahilan kung bakit siya namatay, kahit pa sinabi na nahulog si lola sa hagdan dahil sa katandaan, hindi ako naniwala noon dahil sa kinikilos ni Lexter. Kaya ang ginawa ko, sinusundan ko siya ng palihim noon at dahil doon nalaman kong siya ang pumatay kay lola dahil narinig ko siyang naiyak at humihingi ng tawad sa ginawa niya.

"Kung ganon ayaw nung sumumpa sa akin na malaman ng iba yung tungkol sa ginawa niya?" Tanong ni Lexter

"Hindi ko alam, marahil dahil yun sa kadahilanang may alam siguro si lola kung paano tanggalin yung sumpa. Natatandaan mo ba yung pumunta kayo sa pari? Napahamak lang kayo pareho 'di ba? Sa tingin ko yun ang dahilan kung bakit mo.... hays, basta yun na yun" sabi ko nalang. Ayaw ko na kasi ulit ulitin pa yung tungkol kay lola, alam ko kasing nasasaktan din siya.

"Ibig sabihin, wala na talagang pag asang matagal ang sumpa sa akin? Paano kaya kung sumuko nalang ako sa mga pulis? Siguro kapag ginawa ko yung wala na akong mapapatay na iba" sabi niya. Napabuga nalang ako ng hangin at tumingin doon sa dalawa, hahayaan ko na sila ang mag salita tungkol sa disisyon ni Lexter. Sa tingin ko kasi yun nalang talaga ang tanging paraan sa ngayon. Pero alam ko naman na mag dudusa lang siya sa loob ng kulungan, at isa pa menor palang siya kaya sa DSWD lang ang bagsak niya.

"Wag mong gawin yun, hindi ka rin naman nila ikukulong eh. Tutulungan kana lang namin para pigilan yung sarili mong pumatay" sabi ni Kurt kaya napatingin si Justine sa kanya

"Wow, seryoso kaba dyan ha? Kanina galit na galit ka" sabi ni Kurt sa kanya

"Dahil sa tingin ko hindi naman totoo ang sumpa, pero dahil sa narinig ko marunong din naman ako maawa. Sa tingin ko inosente ka kaya wag kang sumuko. Tsaka nalang siguro, pag natanggal na yang sumpa sayo. Kapag hinuli ka nila, mas lalo kang mahihirapan" sabi niya.

LEXTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon