Makalipas ang dalawang linggo.
...
"Lex, gising na. Baka mahuli ka sa klase n'yo" sabi ni mommy. Kinusot ko yung mata ko tapos ay naupo ako sa kama.
"Good morning mommy" nakangiti kong bati sa kanya.
"Good morning din, sige na kilos na. Tapos bumaba kana ha"
"Okay po" sabi ko kaya lumabas na siya ng kwarto ko. Ako naman tumayo na at pumasok na agad sa banyo.
Unang araw ng pasukan ngayon. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula ng mamatay si Keyzie. Hindi pinag lamayan yung katawa niya noon dahil nga naagas na daw. Pagkuha sa bangkay nilibing agad yun, hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakadalaw sa puntod niya. Hindi ko kasi kaya eh, parang natatakot ako na ewan. Pero siguro naman hindi ako yung pumatay sa kanya dahil hindi nanaman ako binalikan ng mga pulis noon eh, kung ako nga yung pumatay kay Keyzie sana hinuli na nila ako.
-
"Mom, una na po ako" paalam ko.
"Hindi ka muna ba kakaen?" Tanong niya
"First day of class mommy, baka malate ako eh. Sa school nalang ako kakaen mamaya" sabi ko tapos ay lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya.
"Okay sige mag iingat ka ha"
"Opo, bye po" paalam ko.
"Lexter, kay daddy di ka ba mag papaalam?" Napatingin ako kay dad na pababa ng hagdan.
"Uy sorry dad akala ko pumasok na kayo sa trabaho n'yo eh. Mauuna na po ako" paalam ko
"Okay sige" tinapik niya yung balikat ko pag lapit niya sa akin "aral ha, hindi babae" pag bibiro niya
"Grabe ka naman dad, aral pupuntahan ko doon promise" nakangiti kong sabi
"Good, sige na nag hihintay na ata yung driver sa labas. Mag iingat ka okay"
"Okay dad, bye" sabi ko tapos ay lumabas na ako ng bahay at sumakay agad sa kotse.
"Alis na po tayo?" Tanong ng driver
"Opo" sagot ko kaya naman pinaandar na niya yung kotse.
-
Pag dating ko sa school. Umalis na rin agad si manong driver kasama yung kotse syempre. Baka kasi mag karoon din si mommy ng biglaang lakad kaya kailangan nandoon siya.
Habang nag lalakad ako, napansin kong pinag titinginan ako ng mga estudyante. Kaya napahinto ako at napatingin doon sa nakaparadang kotse para mag salamin.
"Wala naman dumi yung muka ko ha, bakit kaya nila ako pinag titinginan" kunot noo kong sabi.
"Kasi pogi ka" napatingin agad ako sa likuran ko ng may mag salita.
"Ahm????"
"Justine" pakilala niya tapos nilahad niya yung kamay niya.
"Lexter" pakilala ko naman tapos ay nakipag shake hands ako sa kanya.
"Transfer ka lang ba dito?" Tanong niya nung nag bitaw na kami ng kamay.
"Oo" sagot ko. Hindi kasi ako nag tatagal sa school na pinapasukan ko, palipat lipat ako dahil nga sa kalagayan ko.
"Kaya pala, alam mo masanaya kana. Ganto talaga dito, pag gwapo ka pag titinginan ka nila. Ako nga sanay na sanay na eh" sabi niya sabay ngiti.
"Ah hehe, gano'n ba yun? Sige una na ako" sabi ko
"Okay bro" sabi niya kaya umalis na ako.
Bakit ganto yung feeling ko? Parang may mali kay Justine? Nakakailang tuloy.
BINABASA MO ANG
LEXTER
Mystery / Thriller|| Series of HNIA & AKP! || Si Lexter ay anak ni Alexis at Sixto na sinumpa ni Arleen na kapatid ni Steve. Ano ang mangyayari sa buhay ni Lexter? Magiging magulo kaya? Magiging masaya? O magiging nakakakilabot ang kanyang storya? Alamin yan dito sa...