PROLOGUE

31 1 0
                                    

SCHOOL ALLEY WAY

"Wag mo akong lapitan! Diba sabi mo multo ako?!"

Nakakabadtrip 'yong ganito, palagi kang sinusundan ng kaaway mo. Hindi naman siya nangangain ng tao pero ang sama naman ng ugali niya. Kung ano ka gwapo at cute ang mukha, ganoon naman ka pangit at acute ang ugali. Naiirita na talaga ako sakanya, he's so stupid!

"Hindi kita nilalapitan, dadaan lang ako!"

Aba nanigaw pa talaga? Mabuti nalang at wala masyadong tao dito ngayon sa alley ng school kasi nasa grandstand sila nanonood ng football. Walang hiya talaga itong lalaking 'to. Wag siya mag loko sakin kasi hindi pa niya alam kung gaano ako katindi magalit. Mabait ako, pero pag inabuso iyon, pasensyahan nalang.

"Hoy! Baboy! Wag mo akong sigawan kasi hindi ako bingi! Saka dadaan ka lang eh bakit parang sasagasaan mo ako?!  How stupid it is!"

Nakita ko ang pag ngiti sa mukha niya. Wala talagang hiya.

"Don't call me baboy, hindi ako mataba! Ikaw nga eh maganda ka nga parang baliw naman!"

Shitness madness! Pagkatapos niyang sabihin iyon umalis na siya agad? Sisipain ko pa sana ang anak ng bato na iyon eh. Nakakapanira siya ng modo.

Hindi ko siya kaklase, hindi ko rin siya kaibigan, hindi ko talaga siya kakilala. Ang alam ko lang traidor siya, bastos, bwisit! Unang beses ko nakilala ang mukha niya sa T. L. E room. Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto, ay bumungad siya. Alam mo kung anong nangyari, nabighani ako sa ka cutetan at kagwapuhan niya, pero siya sinigawan ba naman ako ng ' Waaah multo!'. Bakit ganito naba ako ka pangit? Atsaka hindi ako pangit, itaga niya yan sa pwet niya. Tinanong ko si Sir kung sino ang pangalan ng gong-gong na iyon ngunit nickname lang ang ibinigay ni Sir sa akin. Siya raw si Edor. Kita mo nickname niya palang tra-Edor na! Ano pa kaya ang buong pangalan. Buhay talaga! maraming taong abuso, kung subra mong bait. Sa buong buhay ko siya palang ang taong talagang nagkalakas loob na awayin at asarin ako. Gusto ko talaga masuntok ang mukha niyang parang si Mario Maurer at eexchange ang mukha ni Bangkay!

HOUSE

*Ting!

May nag pop sa messenger ko. Nakahiga na ako sa kama, natapos ko na kasi lahat ng assignments ko. Masipag at mabait na bata yata ito.

Hi! Good evening.

Sino naman kaya ito? Mabuti pato kasi marunong mag 'good evening'. Tiningnan ko sa taas yung pangalan niya.

Medorence Kuff G. Silva«

Kakaiba ang pangalan ngunit noong tiningnan ko ang picture anime character naman 'yong nandoon. Kaya hindi ako nag reply gusto ko kasi talagang mukha, hindi 'yong anime.

Grabi naman seener karin pala?

Nagchat siya uli, iwan ko lang sa sarili ko pero nakangiti ako. Replyan na ngalang, kawawa naman.

Pasensya na. Hello Good Eve. rin pala.

Yan lang 'yong ganti ko sakanya. Akala ko nga di na magrereply, 'yon pala gaganti parin.

How are you Ms. Mixy D. Santos?

Aba! Complete name ko pa talaga. Yes, by the way ako nga pala si Mixy D. Santos, pero kadalasang tawag sakin ay Mix.

Okay naman. Grabi complete name ko pa talaga ha? Ikaw kamusta naman?

Maganda kausapin ang loko ah.

Okay rin, pareho tayo, kaya appear!

May pa appear-appear pang nalalaman. Sige nga maka-usap ng masinsinan.

Natapos 'yong pag-chichitchat namin. Ang dami niyang tanong, pero unfairness masarap siyang kausap, hindi boring. Marami kasing nagchachat sakin pero ang boring talaga. Parang iba si Medorence sakanila.

Ang saya ko ngayong gabi kasi mayroon akong bagong kaibigan, sa chat ngalang at hindi ko pa alam ang hitsura niya. Sana naman hindi siya killer o masamang tao. Hoping talaga na makita na 'yong face niya, sa picture. Bago ako nakatulog kung ano-anong bagay nanaman ulit ang pumasok sa isipan ko.

Pano kaya kung siya 'yong forever ko?

Pano kaya kung siya ang admirer ko?

Pano kaya kung ligawan niya ako?

Sos Maria at Jose, asaness madness nanaman aketch!

Love at First Chat: DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon