"Oh my goodness! Talaga best? Grabi may love life kana, ayiiieeee!"
Ito na tinutukso na ako ng bestfriend ko. Sinabi ko kasi sakanya na kami na ni Edor. May pasok na ngayon, atsaka matagal narin nakalipas ang araw na sinagot ko si Edor.
"Ang ingay mo tulaga best!"
Nakangiti naman ako sakanya, ang bilis lang talaga ng araw matapos nitong klase graduation nanamin, ito totoong graduation na talaga ito. Nandito kami ngayon sa pinaka-favorite naming lugar ang canteen. Kaming dalawa lang ng bestfriend ko kasi nanood ng football sina, Kyser, Walter at Edor. Naging magkaibigan narin 'yong tatlong iyon. Kasama narin doon sina Max and Jule.
"Girl nag kiss naba kayo? Kamusta?"
Ang babaing ito talaga! (Yuck!) Siguro palagi tong hinahalikan ni Kyser? (Ahahaha!)
"Oo masarap, parang cake! Yummy!"
Pabiro ko namang tugon sakanya.
"WOW GRABI KA TALAGA BEST!"
Haynako nagsisigaw na siya. Nagtinginan samin 'yong ibang studyante.
"Ah.. Sorry guys, na bulunan lang best friend ko."
Tumawa naman yung mga students samin.
"Shhh! Tumahimik kanalang kasi."
Ngiting aso siya sa harapan ko. Ang saya talaga nitong kasama ng kaibigan ko.
_____FINAL EXAMINATION DAY
Parang kailan lang yong exam namin, ngayon finals na, ang bilis. One seat apart ulit kami.
"Give all your best, wag mangopya. Matatanda na kayo para diyan!"
Umupo na si Mrs. Lao sa upuan niya. Tumingin naman sakin si Edor. At may sinasabi siya. (Mute)
"Galingan mo Mixy Multo, I love you!"
Ngumiti ako sakanya, alam ko kahit naka mute yong sabi niya alam na alam ko ang nais iparating.
Nagsimula na akong sumagot sa test paper ko, I need to give all my best para dito. Gusto ko honors student parin ako. Atsaka gagalingan ko talaga para kay Mama, sa mga kaibigan ko at syempre sa boyfriend kong si Medorence.
Ang hirap din ng exam pero nasagutan ko lahat iyon. Pagkatapos noon ay free na kami. Wait nalang for announcement of honors atsaka graduation nanaman.
Bigla ko tuloy na isip hindi na kami siguro magkaklase ni Edor nito, pano nato?
"Hi Multo!"
Niyakap ako ni Edor mula sa likuran na siya namang kinagulat ko.
BINABASA MO ANG
Love at First Chat: Destined
RomanceHindi natin alam kung kailan at kung paano mahuhulog ang ating damdamin sa isang taong nakatadhana talaga para sa atin.