EXAMINATION DAY
"Honesty is the best policy, tandaan niyo iyan."
Ayan na nag quote pa talaga si Mrs. Lim. Mabait siya, pero strict talaga siya pagdating sa mga exams. One seat apart kami, ang best friend ko namang si Mik, chill lang. Kahit kailan talaga parang wala lang sakanya pag exams na, samantalang ako natatakot na bumababa 'yong scores kasi baka bumagsak sa honors.
"Ang masasabi ko lang ulit sa inyo class, give all your best kasi final exam na ito. 'Yong mga nabibilang sa top diyan galingan niyo. Medyo mahirap 'yong exam ngayon."
Ibinigay na ni Mrs. Lim ang mga test papers. Tama siya pagkatingin ko palang, alam kung mahirap na. Nag-aral ako, kaya alam kung masasagutan ko ito. Sa math lang naman talaga ako mahina. Dumudugo 'yong utak ko pag math na, parang nakakastress.
"30 minutes lang 'yong takdang oras niyo per subjects ha? Kaya basahing mabuti at bilisan."
Si ma'am talaga ang ingay. Ayaw ko kasing kumukuha ng exam na mayroong maingay. Kung pwedi lang dito mag complain kanina ko pa ginawa.
Makalipas ang ilang oras natapos ko rin ang exam namin sana naman mataas 'yong score ko doon. Sana nasa top 10 parin ako. Lord tulungan niyo po ako.
Edor's POV:
Exam namin ngayon pero hindi ako nag-aral alam ko namang makakapasa parin ako. Gifted yata ito. Ang iniisip ko lang ay malapit na ang graduation namin. May plano akong makipagmeet sakanya.
Hindi parin ako makapaniwalang umamin ako sakanya na crush ko siya. I mean I like her that much na hindi ko na nalalaman na umamin na pala ako sakanya.
Ang saya ko kasi sabi niya gusto niya rin ako, but mas maganda talaga pag sa personal kami magkaaminan. Siguro maganda siya, mabait, matalino.
Wait? Sana naman hindi palasigaw tulad ni Multo. Tika lang bakit ko ba siya kinukumpara doon. Iba si Mixy kay Mix. What? Mixy? Mix? Grabi naman halos magkapareho na sila ng pangalan. Tsk!
*Kring! Kring! King!
Tumatawag si Hermosa? Ano nanaman kailangan ng babaing ito. Hindi ko siya sinagot inoff ko 'yong phone ko. Pumanta ako sa gazebo ng school namin, na malapit sa alley. Ako lang mag-isa ngayon kasi nag date si Max at ang girlfriend niya, si Jule naman ayon nanlalandi parin sa mga chicks sa loob ng room.
Sumilong ako sa gazebo, tumingin ako sa alley. Wala masyadong studyanteng dumadaan. Naaalala ko tuloy ang unang pag-away namin ni Multo. Nakasanayan ko na talagang tawaging multo ang babaing iyon. Hindi ko rin alam ba't sarap na sarap akong asarin siya.
Bakit ba siya at si Mixy ang laging pumapasok sa isip ko. Hay nakakainis naman oh! Hindi ko type si Multo, si Mixy ang type ko kahit hindi ko pa kilala at nakikita.
Tumingin ulit ako sa alley, nakita kung dumaan si Multo pero bakit parang umiiyak yata siya? Wala siyang kasama, siya lang mag-isa nasaan si Kyser at ang best friend nito? Lumapit ako sakanya.
"Ano?! Masaya kana?"
Bakit naninigaw nanaman ito?
"Bakit nanaman?" Ako-
"Salamat kasi marami kana ngayong grupo na umaaway at nag aasar sakin!"
Matindi na talaga ang galit nito. Umiiyak siya, pero bakit parang naaawa ata ako sakanya.
"Ano bang nangyari sayo bakit ka umiiyak?"
"Nakita mo tong tinta na ito sa uniform ko? Hinagisan nila ako ng crumpled paper na puno ng wet ink."
May mga tinta nga sa damit niya. Sino naman ang may gawa nito sakanya, wala naman akong inutusan ah.
"Hindi ako ang gumawa niyan."
"Ang galing mong magmaang-maangan. Nakakainis ka, ano ba ang kasalanan ko sayo? Bakit ba palagi mo akong inaasar?"
Shit! Na konsensya tuloy ako ng wala sa oras nito.
"Ha? I don't know!"
Hindi ko na alam isasagot ko sakanya. First time ko atang ma hot seat sakanya ngayon.
"Nakakainis ka! Tra-Edor ka talaga!"
Hinampas niya ako sa dibdib ng kanyang kamay atsaka nagmadaling umalis ng umiiyak. Na bato ako sa kinatatayuan ko, habang tinitignan ko siyang papalayo, kung ano-ano nanaman pumapasok sa isip ko.
Naaawa ako sakanya. I want to know kung sinong may gawa noon sakanya. Alam ko namang inaasar ko siya, ngunit ayaw kung nakikita siyang umiiyak. Gusto ko ako lang ang mang-asar sakanya. Walang pweding mang away sa multo ko.
Damn! Bakit ganoon 'yong nasa isip ko. Ano ba ito. Nakakainis!
Hindi ko siya type, hindi, hindi.
Open ko nalang nga ang phone ko.
Message
Hermosa:
Bakit hindi mo sinagot phone calls ko? Tapos naka-off nanaman phone mo. May good news pala ako sayo. Diba gusto mo asarin si Mix? Ayon na napaiyak nanamin. Hahaha! Kawawa yung mukha niya kanina, buti nalang naghilamos siya at uniform nalang niya ang may tinta. Poor Mix talaga.
End«
Bwisit kanaman Hermosa, Sana hindi niyo siya pinaiyak. Damn!
Reply
To: Hermosa
Ano kaba?! Na hihibang kana ba? Wag niyo uulitin yun ha! Shit! Nakakainis!
Sent«
Alam ko inggit si Hermosa kay Mix, pero sana naman hindi nila ginanon yung tao.
Nagsisimula na tuloy tumubo 'yong concern dito sa puso ko. Natawag ko na siyang 'tao'.
Kasi naman Mix bakit ang bait mo? Alam ko sinisigawan mo ako, pero halata paring mabait ka, kaya nga sarap na sarap akong awayin at asarin ka.
I thought to myself.
BINABASA MO ANG
Love at First Chat: Destined
RomanceHindi natin alam kung kailan at kung paano mahuhulog ang ating damdamin sa isang taong nakatadhana talaga para sa atin.